May mga upcoming events kaya busy halos lahat ng department sa office. Kitang-kita mula sa table kong katabi lang ng office ng aming CEO at nakaharap sa ilang empleyado ng aming agency. I continued to type on my desktop. Mas gusto ko ng ganitong chaos, may pagka-peaceful. Parang ASMR iyong tunog ng printer at mga papel pati na ang pagta-type sa computer o iyong paminsang bulungan ng mga tao.
"Ayan na! Ayan na naman siya!"
Lahat kami napahinto nang nagmamadaling pumasok si Debbie na mukhang may nakitang multo sa labas.
Ah, shit. Heto na naman.
Saglit na napuno ng bulungan ang opisina pero nang bumukas ang pinto, tumahimik din naman lahat.
Ayan na naman siya. Panira talaga.
Hindi man lang kami binigyan ng tingin ng babaeng akala mo ay nasa fashion show kung makapag grand entrance. "Good morning Ma'am!" bati ko sa kaniya kahit hindi na good ang morning ko nang makita siya. Wala ba sa vocabulary nito ang office hours? O baka naman nakalimutan niya na ang meaning ng boundary?
Walang sagot, okay lang sana kaso inirapan pa ako! I closed my eyes and tried counting to ten, tulad ng ginagawa ko pag pakiramdam ko ay may gusto akong patayin sa galit. Hindi pa nga nakakaabot ng five, tumigil na ako. Hindi talaga ata para sa akin iyang technique na iyan.
I looked at Ate Tia, siya kasi ang pinaka malapit sa akin but she just mouthed, "Fighting!"
Sarado dapat ang opisina ni Troy pero rinig na rinig namin nang may sumigaw na, "How could you forget my birthday!" We weren't supposed to look pero lahat ng mata ay nasa glass wall ng opisina niya.
Inimagine ko na lang na nag face palm at pagkatapos ay nag-middle finger. Ang pangit talaga, ang pangit talaga ng timing ng babaeng ito. Chismosa ako ng slight pero wala akong interes makibalita sa buhay pag-ibig o kung ano man iyang tawag nila sa kanilang dalawa.
"Psst!" Ate Tia called me, "Nagnanakaw na ng tingin si Sir sa iyo! Time to shine mo na!"
Kinuha ko na lang tablet ko at may in-edit sandali. Naka-ponytail ako ngayon, hindi naman niya siguro ako sasabunutan. Pero kung may plano man siyang kahit hawakan man lang ako tulad ng pagtulak niya sa akin noon, lalaban na ako! At sisiguraduhin kong talo siya. May pake-alam ako sa image ko pero syempre, mas may pake-alam ako sa sarili ko.
Troy's eyes were on me as I entered his office. Napalingon din sa akin si Sabina. Wala bang pinagkakabusyhan itong model na ito at ang aga-aga nanunugod na ng boyfriend? Buti sana kung surprise visit, kaso surprise ambush. "Sorry po sa disturbo." I faked politeness like a pro. Seems like Troy trained me well, tong mokong na ito. Hindi ko maseryoso ang mukha niya pag may ganitong drama. "Sir? May meeting pa po tayo with Mr. Valenciano. Baka po kasi ma-late kayo." I glanced at Sabina and apologetically smiled. All I could offer was a no word apology. Sorry girl, sa totoo lang, wala akong kilalang Mr. Valenciano except for kay Gary V. Sorry din dahil hindi naman talaga ako sorry.
"Don't throw shit at me, woman."
Napakabastos talaga ng bunganga! Wala naman akong tinatapong tae sa kanya pero sa isip ko, meron. Tiningnan ko si Troy, baka naman may plano siyang mag speak-up ng kahit isang word man lang hindi iyong parang tuod siyang nakaupo lang sa desk niya. Sa sobrang iwas niya kasi ng mga away, ang gulo na mismo sa katauhan ni Sabina ang lumalapit sa kaniya.
"Sabina, please, I need you to leave."
"You fucking asshole." Ay, drama. Ano ngayon? Tatayo lang ako sa gitna? Umatras ako ng konti para naman makapag eye contact sila. Nakakahiya naman kasi, baka sagabal ako. "'Di mo man lang ipinakita sa akin ang mukha mo? How can you even forget my birthday? My parents expected you to come! I texted you a week ago. My gosh!"
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...