"Huh? Wala naman."
Feeling ko ay parang may lie detector na nakakabit sa kamay ko habang malalim na nakatingin si Ate Tia sa akin. Kunwari ay nagta-type at nage-edit na lang ako ng para sa weekly reports kahit na sa totoo lang ay kagabi pa ito ready. Huminto muna ako at tumingin sa mga mata niya para ipakita na okay lang ako kahit deep inside, gusto ko nang sumabog. Shit! Ganito pala feeling ng may pa-secret affair with the boss.
"Sure ka ba talaga na okay ka lang kahapon?"
"Okay lang talaga, promise."
"Hindi kasi bumalik si Sir, eh. Akala ko nag-away kayo or something. Mukhang bad-trip pa naman iyon kahapon kasi umuwi na daw siya agad. Eh, hindi naman umuuwi ng maaga iyon."
Type ka lang, Ellie. Chill ka lang, Ellie. Baka madulas pa iyang dila mo at masabi mong sa bahay siya ng iba umuwi. And by iba, I mean mine.
"Darating na daw si Sir in twenty minutes," Max announced. Nakahinga naman ako ng maluwag. Thank goodness! Saved by the devil! Ha-ha.
Nag-ayos agad ako ng mga gamit at nagbusy-busyhan na tulad ng iba.
"Alam mo, may good news ako sa iyo mamaya. Remind mo ko, ha." Pasingit pa ni Ate Tia pero kunwari ay di ko na lang narinig at nag-ready na para sa meeting.
Sabi na eh. Sabi na nga ba eh. Kaya hindi dapat kini-kiss ang Boss, eh. Habang nagme-meeting ni hindi ko siya gustong tingnan sa mata. I mean, kaya ko! Kahit pa mga ten minutes, okay lang sa akin makipag-titigan kay Troy pero putang-ina, nakaka-distract. Nagi-guilty tuloy ako dahil hindi naman ako sinu-sweldohan para pag-pantasyahan 'tong taong to. Hindi ko din naman siya ginagawa consciously. Promise, talaga.
Buti na lang talaga, mahal ko itong trabahong ito. Hindi man ako artistic na pagkatao, interesado naman ako sa arts, in all its form and glory. Mukha lang talaga akong most talkative pero masaya akong nakikita ang creative process ng mga artists, mapa pintor man o designer o author. Baka kasi pag hindi ako interesado, baka wala nang ibang bagay na papasok sa utak ko tuwing tinitingnan ko ang mga kamay ni Troy. All I can do is sigh dreamily... and very silently! Gusto kong hawakan kasi.
"Okay, that's all for today. Just tell or send me the necessary update I need, also, forward it to Ellie. You know the drill."
Pati iyong pangalan ko sa lips niya, ang sarap pakinggan!
Nag-ready na sana akong tumayo at mag-aattempt na mabuhay ng tahimik sa cubicle ko nang pumasok si Max na may dalang cinnamon buns at kape. "Wow, may pa-snacks!"
Everyone looked at me as soon as I said it at doon ko lang din na-realize na shit, hindi ko dapat sinasabi iyon out loud! Ang tanga talaga!
"Psst!" Agad na sinikuhan ako ni Ate Tia na para bang wina-warningan ako sa mga kagagahan ko sa buhay. "Kung maka-react to, para namang ginugutom dito sa opisina!" dagdag na bulong niya.
I just smiled at her at kumuha na ng kape kasabay ng iba. Napansin kong hindi pa lumalabas si Troy at kumakain pa kasabay namin! Everyone got weirded out too kaya halos hindi makapagsalita ang sampung tao sa conference room, kasali na ako. Madalas kasi siyang umaalis pagkatapos agad ng meeting pero ngayon, nakaupo pa din siya. Buti na lang hindi kami magkatabi kasi nasa dulo siya nakaupo, kaharap ng lahat pero napaka-close pa rin niya sa akin. Randam na ramdam ko ang sexual tension! Charot.
"Ah, sabi mo may good news ka, Ate?" Halos nakakabingi na kasi ang katahimikan at ako, bilang si Ellie, ang tagapagligtas ng mga sawing kaluluwa na halos hindi na malunok ang sasabihin dahil sa sobrang awkward na atmosphere ay nagsalita na lang. I kept my voice low and made sure na whisper lang sa tenga ng iba ang boses ko. Pang-encourage lang din na magsalita sila kasi baka naman matuyo na ang laway ng mga taong 'to.
Ate Tia drank her coffee bago tumango na para bang hihiwalay na ang ulo niya sa katawan. "Naalala mo iyong sinabi mong ready ka nang makipag-date after mo mag-Italy? Oh, di ba. Napaka-buti kong kaibigan. Talagang hindi ko nakakalimutan ang mga pangangailangan mo, iha."
What the fuck?
Imbes na ma-encourage ako na magsalita, feeling ko ay mas lalo pang tumahimik ang mga tao dahil sa sinabi ni Ate Tia na para bang wala na ding pakealam sa iba. Hindi na ako nakasagot pero halos manigas na ang katawan ko at takot na takot na lumingon sa may kanan ko kung saan nakaupo si Troy.
Teka... Bakit ba ako natatakot? I mean, may karapatan ba- pwede ba? Pwede na ba akong maging conscious na andyan siya? Exclusive ba kami? Ano ba mga dating policies niya? Casual ba ito? Fling fling lang?
"Ha?" was all I managed to say. Napa-fake laugh na lang ako at napahawak sa kwentas na binigay sa akin ng kompanya and by 'kompanya' I mean, boss kong nasa likuran kong takot akong lingunin. Di ko nga alam kung ano iniisip niyan eh, baka naman chill lang. Feeling ko lang may feeling siya tas nagfifeeling-feelingan lang pala talaga ako. Daming feelings, sana may isang totoo.
"Iyong kaibigan ng kapatid ko kasi, magbabakasyon dito sa Pilipinas. Iyong sabi ko sa iyo?"
"Iyong sabi mong gwapong foreigner na naghahanap ng mapapangasawa?" I said in this very very low voice. Sa pagkakatanda ko kasi, I turned down Ate Tia's offer na i-blind date ko 'tong lalakeng ito kasi nga, foreigner. Eh, hindi ko naman kaya mag-English ng English whole day and night. At tsaka, number one talaga, hindi pa ako ready magpakasal! Baka sa third date, bigyan na ako ng singsing ng lalakeng ito! Napaka-loveable ko pa namang tao.
"Naks, Ellie. Kailan kasal?" Debbie teased me with her mouth half-full at tsaka full volume pa talaga. Nagtawanan tuloy ang mga tao. Gusto ko ng ganitong atmosphere pero ayaw ko ng ganitong atensyon!
"Wala pa akong pera, Ate Ellie ha. Tumatanggap ka naman siguro ng less than five hundred na regalo." Singit pa ni Miles, ang pinaka-bata sa amin.
"Hala, hala. Saan ba papunta itong usapang ito!"
"Anong pangalan, Tia?" Max asked.
"Lorenzo pero pwede nang Enzo kung tutuloy si Ellie sa date nila ngayong Wednesday night, after work. Na-check ko nang schedule mo ha tsaka ikaw na may sabi sa akin kahapon na na-move na iyong meeting niyo this Wednesday! Walang atrasan na talaga, Ellie."
Wait, wait. Bakit feeling ko... I'm trapped? Mukhang ang saya-saya pa nilang tingnan habang nanunukso sa akin na di alam ang isasagot. Ni hindi ko nga kilala iyang Enzo o Lorenzo o kung sino man iyan! Baka nga gwapo talaga pero baka naman pwedeng hindi ngayon pag-usapan lalo na ngayon kung kailan within one meter distance lang ang lalakeng katabi ko lang sa kama kahapon. Bakit from zero, bigla na lang umulan ng mga lalake sa buhay ko?
"Ha? Ina-ambush mo ba ako, Ate Tia?"
"Yes na yes. Anything for you, dear. Promise, di ka magsisi dahil ang gwapo nito atsaka-"
Hindi siya nakatapos ng sasabihin niya ng tumayo si Troy sa inuupuan nito. Halos lahat sila ay nakatingin sa kaniya maliban sa akin. Hindi ko talaga siya gustong lingunin! Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang makikita ko.
"Ellie." Narinig kong tawag niya kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang lumingon. Hindi naman siya nakatingin sa akin dahil may tina-type siya sa phone niya pero halos magsalubong na ang kilay nito.
"Yes... Sir?" nahihiyang sabi ko pa. Iyong ingay kanina, biglang nawala at binabalot ulit ng katahimikan ang conference room.
He still didn't look at me. "The meeting will proceed on Wednesday. Same time as previously scheduled." Sabi niya lang at saka naglakad na palabas. Nag-goodbye naman ang mga kasama namin at nilingon niya naman para tanguan sila sandali.
What... What was the meaning of that?
BINABASA MO ANG
When Less Was More
Storie d'amoreWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...