Para akong tangang nakaupo lang sa labas ng isang magandang simbahan. I tried to distract myself with the scenery pero hindi kaya.
Letchugas naman, oh! Di ko tuloy ma-enjoy ang Italia dahil sa kaniya.
Napabuntong-hininga ako habang hinahawakan ang mga parteng hinalikan niya ako kanina lang. Ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa balat ko. Ramdam ko din pati ang hiya. Saktong timpla ng horny, frustrated, galit, at bwisit. Iyong kilig, nawala na, kanina lang. I should have seen this coming.
Shit Ellie. Alam mo naman kasing walang patutunguhan ito. Pero wala naman itong lahat sa plano ko. In fact, iyong plano ko nga di ba ay maghanap ng Mr. Right at the Moment pero iyong nakita ko, shit, Mr. Wrong in So Many Levels. Iyong mas malala pa, hindi na siya mawala sa isip ko. Hindi ko na ma-unsee at am-unfeel lahat ng iyon. Paano nga ba?
Napabuntong hininga ulit ako at kinuha ang phone ko. Feeling ko sasabog ako kapag hindi ko mapalabas 'tong... 'tong inis na ito. Nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko ba si Cass. Nakakahiya naman kasing mag-share ng ganitong problema sa kaibigan kong halos pasan na ang mundo.
"Ay, puta."
Nabigla ako nang mag-ring ang phone ko. I opened the message.
From: Bossing
I have to go somewhere. I'll just see you at the meeting tomorrow.
Parang bata na gusto ko tuloy umiyak. Dapat ba matuwa ako na hindi ko na kailangang magpaka-tanga dito sa labas habang naghihintay ng sign sa universe na hindi magtatagpo ang landas namin sa maliit na apartment na iyon? O maiinis dahil alam kong pupuntahan niya si Amelia? I chose to feel the latter... kahit pa nakasampal na sa pagmumukha kong wala akong karapatan.
"Good morning Miss Amanda!"
We were invited for a casual meeting sa bahay ng... hopefully, soon-to-be talent namin. Dala ko ang laptop, notes, sample contracts, papel, pati full confidence ko sa future project namin. Si Ellie lang 'to! Na kahit ang passing ay tres, always striving for uno!
Nag-meet na kami dati sa Zoom meeting. Buti na lang medyo nag-ayos ako ngayon. Ang dami kong time kasi hindi ako makatulog ng maayos kagabi kahit na ako lang mag-isa sa apartment pero hindi naman ako nagpatalo sa distractions. Kung ano man ang mga issues ko at bagahe at problema ko, lahat ng iyon, iniwan ko muna sa kwarto ko. Doon na muna iyon. Ibaon sa ilalim ng mga kumot at kama.
I smiled at the beautiful street famous artist na si Amanda Rossi. Wala naman siyang dugong banyaga sa pagkaka-alam ko pero sikat na Italian photographer kasi ang asawa nito kaya andito silang dalawa naka-base. Naks, pag sinwerte, dalawang artist pa ang iwe-welcome namin sa kompanya. Hindi man ako palarin sa ibang bagay, sana naman, tiba-tiba ako sa trabaho.
Saktong kakadating ko lang nang marinig namin ang doorbell. Nanigas ako bigla, knowing well who it will be.
"Good morning, dear." Nakipag-beso pa si Madam. Ang bango! Amoy mayaman! "That would be Troy, I guess. Upo ka muna. Feel at home. I promise I won't run away." She laughed and went to open the door.
Para akong kiti-kiting hindi mapakali sa malambot na sofa nila. Napaka-homey ng bahay, madaming kulay at dekorasyon pero hindi pa rin ako komportable. For sure, hindi kasalanan ng lugar na ito.
"You know you didn't have to come here. Pwede namang, ako ang pumunta sa Pilipinas."
Narinig ko ang tawa niya. Iyong professional laugh niya na ginagamit niya para sa mga kliyente at nililigawang kliyente-to-be. "Yes but then, it would be a work travel and not the vacation. You should enjoy your time in the Philippines when you go there."
Sus. Pa-kunwari. Iyong totoo naman, kami na ang pumunta dito as soon as possible kasi ayaw naming ligawan siya ng ibang agency pag nalaman nilang may upcoming collab siya kasama ang isang malaking kompanya. Ganyan talaga dapat sa negosyo, magaling at mabilis kang mag-da moves bago mag-da moves ang iba!
Nang makaratig na sila sa living area ay inihanda ko na ang pinakamatamis kong ngiti, professional but friendly. Katulad ng nasa mukha ni Troy. Syempre naman, pagdating sa trabaho, compatible pa rin kami. Huwag na lang isipin ang sa ibang aspeto.
"Good morning, Ellie." He said as he saw me. He was smiling maliban sa mga mata niya na mukhang nagpa-panic. Iyong Troy panic, iyong hindi makikita ng iba maliban na siguro sa akin. Kilalang-kilala ko ang taong ito. Hindi ko man mabasa ang eksaktong nasa isip niya, I am seeing enough to conclude that whatever happened between us, iniwan na din niya sa apartment at mukhang walang balak na balikan iyon.
I think I just added my name sa mga pangalan ng babaeng iniwan niya sa ere.
"Good morning, Sir." I greeted back.
Ibalik ang boundary.
"You what?"
"Cassidy, 'wag ka ngang sumigaw. Masakit pa ulo ko hindi pa nakaka-recover sa flight sa mga problema ko." Halos gusto ko munang ilibing ang sarili ko sa kama at matulog buong araw at gabi. Buti na lang, weekend na. Hindi ko na kailagang magday-off. Baka sabihin pa ni Troy ay masyado akong affected na pati trabaho ko ay maapektohan na rin ng kalandian ko.
Everything went well in Italy. Siguro ay dahil pagkatapos ng meeting ay hindi na kami masyadong nag-usap. Iniiwasan kong makipag-usap na hindi related sa trabaho pero willing naman akong makinig ng eksplanasyon o rason o kahit na anong excuse niya pero wala naman siyang sinabi. Ang mas malala pa, nauna akong umuwi dahil nagpa-iwan siya ng isang araw doon. Hindi ko naman alam bakit pero may ideya ako na baka dahil kay Amanda.
"MOMOL lang naman kasi. Hindi naman all the way kaya huwag na nating i-ano, i-big deal." I tried to sound cool about it. Ganyan ang strategy ko ngayon. Kung cool siya, aba, mas cool ako! Kaya ko ding makipag-halikan na walang attachments. Di ba nga, ready na ako makipag-date sa weekend, di ko lang talaga ini-expect na sasama ang pakiramdam ko.
"But still, that's Troy." Sabi niya. "Your boss." Pagpapamukha niya pa sa akin na para bang di ko alam iyon. "I mean, I can't blame you though. He's kind and good at his job, gwapo on top of that. I just... Really? Alam kong compatible kayo pero hindi ko alam na compatible din kayo sa ibang... bagay. How was he like?"
Hindi ko alam kung bakit nakangiti itong babaeng ito. Iniiwasan kong mapikon kasi nga di ba, pag pikon, talo. Hindi ako nagpapatalo! Napasimangot ako at ipinatong ang malaking unan ko, "Tulong!"
"C'mon, Ellie. Matagal na akong walang sex life. Help a friend out." Patuloy na panunukso nito.
Pinanlakihan ko ng mata si Cass. Shet, porket wala dito ang anak niya, ang lakas na mang-trip.
"Ako din kaya!" I screamed back at her. "Hindi nga kasi natuloy. Fuck!" Bigla ko na lang naalala iyong araw na iyon. Kung pwede lang ipa-erase na iyon sa memorya, ginawa ko na hindi iyong ganito na bigla-bigla ko na lang naalala. Baka di ko namamalayan, pula na pala ang cheeks ko. Hindi naman ako pala-blush pero kasi naman, napaghahalataang may pangangailangan.
I sighed and stared at the ceiling. "Hindi ko alam paanong nangyari iyon. Hindi ko alam bakit bigla na lang nag-iba ang tingin ko sa kaniya. Total alam mo naman na, hindi ko na itatago na ginusto ko talagang makipaghalikan sa kaniya. Willing to go all the way na ang gagang 'to!" Ano ba iyan gusto kong maiyak. "Shit, Cass. Ang tanga ko."
Nag ring ang phone ko, isang text message.
From: Bossing
I'm sorry.
Well, fuck me.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...