24. Wooed by You

885 19 2
                                    

"What the fuck-" Shit! Fuck! Bawal nga pala bad words dito. "tory dickory dock?" Dagdag ko pa like as if it made a difference. Nabigla naman kasi ako sa nakita ko! Expected naman na darating si Troy. I wished na sana hindi siya dumating, okay lang naman. Pero andito siya at... may dalang... regalo? I guess?

"Ellie! Jar!" Sigaw ni Cass mula sa kusina. I rolled my eyes. Hindi ko kasi ma-kontrol itong bungangang ito pero ano ba naman kasi itong si Troy?

Halos hindi pa rin ako makagalaw. Bakit hindi ko naisip bilhan si Jeremy ng ganito? Atsaka, bakit ang cute niya habang dala-dala iyong regalo niya na naka wrap pa as if hindi naman halatang kotse iyon. "Wow," was all I could say.

"It's kind of heavy."

"Mukha nga." Sagot ko naman. Gusto kong... matawa? Nakakatawa kasi iyong hitsura niya. He didn't seem like this type of guy pero tingnan mo nga naman ang mokong na ito, pa-impress masyado.

"Oh, goodness." Bulong ni Cass nang makita ang dala ni Troy. Binigyan ko siya ng What the fuck di ba? look. Pero hindi tulad ko, mas madaling naka-recover si Cass at pinigilan pang tumawa at ngumiti lang habang ako ay nanlaki na nga ang mga mata, mapanlokong nakangiti pa.

"Is this too much?" Tanong niya saka napatingin sa akin at saka kay Cass.

Yes! For Troy, I think it was too much kaya naman tumango ako. Maloko nga ito mamaya. Lakas maka mayamang tito vibes.

"Uhm... Hi! Please come in." Ibinaba niya ang laruan at saka tinulak iyon kasi hindi nakabalot ang gulong. Gusto ko talagang matawa. Ano ba kasing trip nito.

"Hi. I didn't know what to bring so I just bought a gift. Kaso, di ko din alam anong hilig niya so I just bought something I wanted when I was his age."

"Thank you, Troy. You didn't have to but... Thank you. I told Jeremy na magpunas at bihis muna siya, he'll come downstairs later. I'll just get the cake."

"Why are you looking at me like that?" Tanong niya sa akin. Hindi pa rin mawala ang mapanuyang ngiti sa mukha ko kahit pa gusto kong magmukhang seryoso dahil baka ano pa ang maisip ni Cass.

"Wala naman akong sinasabi, ah."

"You're looking at me like as if-"

"Nabigla lang ako, ano ba." Agad naman akong sumeryoso nang dumating na si Cass at Jeremy. "Ikaw na, ikaw na magaling pumili ng regalo." I admitted, nanghihinayang na kahit maypagka-over the top ako pagdating sa regalo kay Jeremy ay hindi ko ito naisip.

He was about to kiss me on the cheek nang itinulak ko palayo ang mukha niya, "Gago ka ba?" bulong ko. "Andito si Cass at saka si Jeremy."

"And?"

"Di ba di nga pwede humarot kung saan-saan."

Hindi naman nakinig sa akin at hinalikan pa rin ang pisngi ko. Mabilis tuloy akong napa-ninja move at saka lumayo sa kaniya. I threw him a glare na hindi man lang niya pinansin. Pumasok pa sa loob at saka naunang umupo sa sala. Lakas pa maka-feel at home.

"So this is where they live." Sabay ikot ng tingin sa bahay. "Matagal na ba sila dito?"

Tumango ako. Dito na talaga lumaki si Jeremy. Nang manganak si Cass, may panahon kasing ayaw niya masyadong humarap sa ibang tao, syempre hindi ako kasali as the bestest friend pero ramdam ko iyong gusto niya ng privacy. "Pagkatapos niyang manganak, mga six months pa lang ata si Jeremy noon, dito na siya tumira. Parang dito na din ako nakatira nun kasi sinasamahan ko siya na alagaan si Jeremy. Napakaliit niya pa nun!" Nakakaiyak naman ito, oh. Hindi ko naman anak iyong bata pero nakaka-proud na nakita ko siyang lumaki. "Hindi ako marunong mag-diaper ng bata pero that time talaga, naku! Biglang, ewan. Biglang matututo ka na lang."

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon