Na-miss ko nang lumabas. Masaya naman ako sa aircon sa office pero nami-miss ko na din ang simoy ng hangin sa probinsya. Hindi ko na nga maalala iyong last time na nakapunta ako ng probinsya pero noong college pa kami ni Cass, minsan, tinotopak kami at nagro-road trip tuwing hell week at dahil kinareer ko ang mag-aral ng mag-aral para sa mataas na grades, every week felt like hell week.
"Gutom na ako, bhe. Snack tayo sandali."
Wala naman akong ginagawa maliban sa titigan ang picture ng sunset sa bundok na wallpaper ko. Hindi ko din alam kung saan 'to basta ang sigurado lang ako, galing ito sa Google pero nagiging hobby ko na ding titigan iyong view pag gusto ko ng break.
Medyo nakakaramdam na din ako ng gutom kaya sinamahan ko na rin si Ate Tia at nagkape kami sa pantry. "Ang weird na hindi tayo busy ngayon." I stated. Parang feeling ko tuloy nagpapaka-tamad ako kahit hindi naman talaga. Sadyang wala lang talaga masyadong events ngayon.
"I-enjoy mo lang, dai. Kaloka naman, naghahanap ng pagkakabusy-han. Alam kong may incentives tayo and everything pero alam mo, minsan, we have to take things slow... very slow."
Tumango ako dahil sakto din naman ang sinabi niya sa motto ko ngayon. No to overthinking, yes to taking things slow. "Tama, tama."
"Alam mo, hindi ako nabibigla na wala tayong masyadong ginagawa, eh. Mas nabibigla pa nga ako na walang girlfriend si Sir Troy ngayon!" she gushed at halos iluwa ko naman ang kapeng iniinom ko. Buti na lang hindi ako nagoverreact at sadyang napaso lang ang dila ko ng sobra. Shit.
Kahit namimilipit na ang dila ko sa hapdi, I smiled through the pain. "Talaga bang dating life ni Sir ang pag-uusapan natin ngayon habang nags-snack?" Kumuha ako ng isang muffin, tangang iniisip na sana hindi mamaga o masugatan ang dila ko kapag kumain ako ng something sweet.
"Eh? Hindi naman ito something new. Ikaw nga, rant ka ng rant noon hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa mga toxic na ka-date ni Boss."
"Kasi naman, alam mo naman kung gaano ka toxic iyong mga taong iyon! Iyong model na punta ng punta dito tas mukhang sasaktan pa ako. Wow! Gusto niya suntukan na lang kami eh. Tsaka iyong hindi ko pa nakikita pero kung makapag-chat sa akin ay akala niya bestfriends kami. Ha! Kailan pa ako naging social media slash dating manager ng lalakeng iyon. Hay... sakit sa ulo."
Napatawa si Ate Tia sa akin. Bigla ko na lang kasing naalala iyong pinagdadaanan ko noon. Napaka-cool na boss naman ni Troy. Sa sobrang cool, pambansang Ice King at napaka-insensitive. Wait lang. I tried to cool myself down. Huwag magpadala sa emosyon, dai. Nakakalimutan ko atang kami ang magkalove-ing love-ing ngayon.
"Isa lang naman iyong matino. Iyong... sino nga iyon? Hindi ko maalala kasi hindi naman gumagawa ng eksena iyon."
I know too damn well who she meant. "Angelie." Ang anghel na ex ni Troy. Iyong babaeng ako na halos ang magpropose para sa kaniya dahil sa sobrang hinhin at bait at napaka-private na tao. "Iyong manager ng bangko."
"See? Wala sa showbiz o sa same field. Pangalan pa lang, anghel na. Hay... Kung magkaka-girlfriend man si Sir, o baka naman asawa na lang para diretso na, sana siya na lang kasi ang toxic talaga ng mga sumunod! Hindi naman natin sana problema pero pati tayo, sumasakit ang ulo, sumasakit ang bewang, sexbomb! Sexbomb! Sexbomb!"
"Nag-iisip ka na naman."
"Excuse me?" Nainsulto ako ng slight sa sinabi niya. Agad na nilagok ko ang wine, "Dapat ba hindi ako nag-iisip?"
"What the... No, I'm sorry. That's not what I meant." Napatawa siya nang marealize siguro ang ibig sabihin ng kakasabi lang niya. "I'm sorry. Fuck. That came out wrong. What I meant was, malalim ulit ang iniisip mo."
Napaisip lang ako, heto kami ngayon. Hindi na office hours. Hindi na siya naka suit and tie at hindi na din boss ang aura niya. Hindi na Sir ang tinatawag ko sa kaniya. Tinanong niya ako kung gusto ko ng dinner. Akala ko ay may halong kabastusan iyon pero dinner na pagkaing totoo pala ang ibig niyang sabihin. Oh... kay. Kunwari hindi ito official date pero mukha namang date. Kung nagde-date kami, at assuming na exclusive kami ngayon... Napaisip lang ako... "Toxic ba akong tao?"
"What?"
"Toxic ba akong tao? Iyong totoo?"
"Where did that even come from?"
"Kasi," I started to explain. "Iyong mga babaeng lumalapit sa iyo, puros may... no offense, problema. Okay, nobody's perfect. Gets ko iyon at saka ayaw ko mag judge pero putang-ina, kapagod maging third-wheel ng mga naging babae mo. Napaisip lang ako, baka toxic din akong tao?"
I can't even believe I'm thinking about this too seriously pero seryoso, naku-curious din ako. Baka kasi binubulag na ako ng attraction.
"I don't know if that's an insult directed to me or to you."
"Ay, sorry. Di naman iyan iyong ibig kong sabihin-"
Napaka-peaceful ng gabi. Nasa labas kami ng restaurant kaya feel na feel ko ang romantic ambiance. It could just be me putting meaning sa mga bagay-bagay pero ito talaga iyong nafi-feel ko ngayon. Para kaming nasa movie na nagdi-dinner under the moonlight. Napaka-cliché pero it's cliché for a reason.
Baka sinisira ko lang iyong dinner dahil sa ganitong topic pero mukhang hindi naman siya na-offend. Hindi din ako nao-offend. Gets ko na iyong silent agreement namin to take things slow pero ka-package na nun ang getting to know. Kilala ko siya at kilala ko din ang sarili ko, exempted na kami sa stage na iyon. Pwede naman siguro akong mag-skip ng ilang steps at dumiretso na dito.
"You are definitely not toxic, whatever that means for you, I know you are not." Casual na sabi nito habang nginunguya ang steak. "And I know I don't have the greatest dating record-"
"I know." Ha! Baka nga mas madami pa akong alam sa kaniya.
"Okay... I know that you know and I'm sorry. I really am..."
Hindi ko talaga gusto iyong sorry ng sorry pero kapag sa kaniya kasi galing, ramdam ko iyong sincerity. Again, this could just be me imagining things pero kung ano man ang nai-imagine ko, it makes me feel more secured... ng kaunti. Napangiti na lang ako. Hindi naman siguro ito parehas ng ibang mga relasyon niya o nang mga naging relasyon ko.
"Wala naman sigurong tatawag sa akin ngayon para hanapin ka diba? Balita ko Sir, cool daw iyong babaeng palagi mong kasama."
"Nah, still watch out for her, she talks a lot sometimes." Agad na sagot niya at talagang hinawakan pa ang kamay ko pagkatapos akong insultuhin. Wow! Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa akin but he was quick enough to hold it back "But most of the time she's right so... maybe you'll like her."
"Medyo strict ako so... we'll see." I joked and held back his hand as I intertwined our fingers.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...