29. Stories

926 24 0
                                    

I hit sent.

Sa wakas.

Napasa ko na din ang resignation letter ko.

Parang sumikip iyong dibdib ko habang nabubunutan ng tinik. How is that even possible? Iyong makaramdam ng clashing emotions.

Parang gusto ko tuloy magpagulong -gulong sa kama na di naman nagtagal ay ginawa ko na din.

Parang nakamit ko iyong kalayaan na hindi ko naman pinangarap. Ang weird lang talaga.

I blocked Troy's number. Pati social media accounts ko ay naka-deactivate na. Hindi na ako mako-contact ng iba. Nag-email na lang ako kina Ate Tia at Miles na sa ngayon, utang na muna iyong eksplenasyon sa rason kung bakit ako mawawala. Hindi ko naman ipagdadamot iyong istorya pero sa ngayon, gusto ko na lang talaga munang kumawala.

Hindi ko pa nasasabi kay Cassidy na wala na akong trabaho pero parang naninibago na siya na madami na akong free time ngayon. Madalas kasi akong tumambay sa kanila kasi nakakalibre ako ng pagkain, lalo na ngayong cost-cutting ako. Charot.

Natutuwa lang talaga akong nakikipagkwentuhan kay Jeremy at masaya ding makinig sa mga kwento niya tungkol dun sa anak ni Liam, si Nika na kaklase niya. Kaya naman nung sinabi ni Cass na hindi niya masusundo si Jeremy, hindi na ko nag dalawang isip na mag volunteer as tribute. Kaso, kahit nag offer naman ako agad, may nakauna na pala.

"Uy," bati ko kay Nate na kumakain pa ng kwek-kwek sa loob ng kotse. Ni wala man lang pake-alam sa amoy ng suka. Kaloka itong lalakeng ito.

"Hi," bati niya sa akin at agad na inubos sa isang lamunan iyong natitirang itlog at dali-daling niligpit iyong pagkain.

"Chill ka lang. Grabe naman ito. Mamatay ka pa diyan, magiging kasalanan ko pa tuloy."

Uminom muna siya ng tubig at nagspray sa kotse para mawala iyong amoy, "Sorry for the smell. I wasn't expecting you to come twenty minutes earlier than we agreed to."

"Early bird kasi talaga ako because I want to catch the worm, lol." Pabirong sabi ko na ikinunot naman ng noo niya. Mukhang hindi ata gets, pati nga ako ay hindi rin maintindihan itong sinasabi ko. Ang alam ko lang, bored ako sa apartment at kahit saang sulok sa kwarto parang pakiramdam ko ay mukha lang ni Troy ang nakikita ko.

Hindi ko nga napansin kanina na halos thirty minutes na pala akong nakatitig sa tshirt na naiwan niya sa apartment. Ang loko, ni hindi ko nga alam na may gamit pala siyang naiwan dito. Eh palagi naman kaming sa unit niya nagkikita.

I sighed. Ano ba iyan. Umalis na nga ako ng maaga para hindi ako magmukhang tanga kakaisip sa kaniya pero heto na naman ako. Iniisip pa rin siya.

"Problem?"

My mouth opened, very tempted na mag-chismis pero baka mas lalong hindi ako maka move on kung kani-kanino ko lang sasabihin etong problema ko. Pinaandar na ni Nate ang sasakyan pero lumingon ulit sa akin na para bang hinihintay na saguting ko iyong tanong niya.

"No big deal. Nag resign lang ako sa trabaho."

I waited for his reaction, na sabihan ako Why? o kahit na anong tanong pero tumango lang naman siya at nagpatuloy lang sa pagda-drive. Pina-andar pa niya ang music na ikinatawa ko dahil unang kantang nag-play ay Baby Shark. He just turned it off.

"Nika is the boss when it comes to music here."

"Trust me, I understand as dakilang Tita." Tahimik lang kaming dalawang habang papunta sa PTA meeting ng mga bata. Na bored tuloy ako kasi walang nagsasalita, tapos wala ding music. Kung nag offer lang sana siya, willing naman akong i-connect ang spotify playlist ko. "Wala kang itatanong?" sabi ko na lang nang hindi naman kami mapanisan ng laway.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon