30. Day Three

924 22 0
                                    

"I usually don't meddle with your... relationships?" May pa-intro pa si Cass na hindi man lang tinago ang hesitations sa boses niya. "But what's with you and Nate?"

"Huh?" Sabi ko habang huminto sa pags-scroll sa instagram. Kinakabahang nakatingin sa mga nag view ng story ko. Kaloka! Umabot pa talaga ng thosands and more.Kung pwede lang talagang i-convert ng pera ang views, didikit talaga ako kay Nature with Nate.

"You guys are always together."

Napakunot naman ang noo ko. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya, "Hala, magkasama lang naman kami pag sinusundo iyong mga bata. Grabe siya. Idol ko man iyon, wala naman akong feelings dun."

Cass nodded slowly habang binibigyan ako ng makahulugang tingin, "Troy?"

Napalunok ako. Of course it's him. Hindi ko naman kayang i-magic iyong pagmo-move on. Mahigit isang linggo pa lang naman kaming hindi nagkikita.

He didn't reach out to me. Ni hindi ko na nga siya nakita simula nung nag hiwalay na ang landas namin. He was stalking me and Nate sa social media pero parang hindi naman sapat na rason iyon para mag assume akong gusto niya akong balikan.

Ayaw ko namang magkita ulit kami ngayon pero ewan ko ba bakit ganito iyong nararamdaman ko. Iyong nami-miss ko iyong trabaho ko pero mas nami-miss kong may inuuwian ako. Ni hindi ko nga napansin na halos doon na pala ako tumitira sa unit niya.

"Bakit ko pa ba naiisip iyong mokong na iyon?" bulong ko sa sarili ko nang makalimutan kong magkasama pala kami ni Cass.

Gusto kong magpaka-lasing tuloy habang nagpe-play ng Beer sa background pero wala naman akong kasama at saka pag si Cass naman sinama ko, ay naku po. Sabihin na lang natin masama kaming malasing nang magkasama. Bahala na talaga si Batman pag sabay kaming mawawala sa tamang pangisip.

"Troy kind of... reached out to me once."

Napalingon ako pero hindi na din nakalagaw pagkatapos. Parang hinihintay ni Cass na tanungin ko kung bakit siya tinawagan ni Troy but I can't bring myself to ask the question.

Parang ngayon nga, gusto ko na lang munang lumayo muna sa lahat para makalimutan ko muna iyong mga bagay-bagay.


And so I did.

Isang bagay na natutunan ko sa trabaho ay to not be spontaneous. Napakaraming pwede mangyari. Things could go well pero parang mas malaki pa ang chansa na kabaliktaran ang mangyayari.

Pero heto ako ngayon, nakatulala sa harap ng dagat habang ninamnam ang simoy ng hangin.

Dati sa youtube ko lang nakikita, ngayon naamoy ko na. Pwede ko nga ring tikman iyong dagat para complete experience na pero syempre, maalat kaya huwag na.

Para kasing naka-stuck lang ako sa isang stage nung nakaraan. Magsisunungaling ako kung sasabihin kong araw-araw kong iniiyakan si Troy. Syempre, hindi din naman.

Alam kong buhay pa siya. Alam kong nagtatrabaho pa din siya. He could be doing well. Ewan. Nag-aasume lang akong okay lang siya kasi ganyan naman siya palagi. Letting go of a relationship has always been an easy game for Troy. Paano na lang kami na hindi pa nga umabot sa stage na iyon.

Ako naman, hay...

Namimiss ko lang siya. Araw-araw ko lang talaga siyang nami-miss. Namimiss kong may katabi matulog, may kasamang kumakain, pati iyong mga tasks ko bilang sekretarya niya nami-miss ko na.

Alam ko namang tama iyong ginawa ko pero talagang nakakawalang gana lang talagang gumising minsan kapag hindi ko na alam ang gagawin ko.

And so here I am. Napaka-cheesy minsan ng salitang soul searching. Akala ko lang naman pero here I am, doing it now.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon