4. The View and You

1.4K 28 4
                                    

"Sir? Sir?" Mukhang ang sarap-sarap ng tulog niya pero alangan naman kaming dalawa na lang maiwan sa eroplano. Napa-hikab ako. Shet. Nahihilo ako. Hindi biro ang oras ng byahe at dahil hindi ako ang pinaka-cool na tao habang nakasakay sa eroplano, ilang beses akong napapagising para i-check kung lumilipad pa ba kami. Wala naman akong masyadong makita kasi gabi iyong alis ng flight namin.

Napatingin ulit ako kay Troy na himbing na himbing pa rin ang tulog. "Sir." Tawag ko ulit. Mukhang sa eroplano niya pa talagang napagdesisyunan na bumawi ng tulog. Gumising lang siya saglit kanina sa Istanbul para sa lay-over. Nagkape lang kami habang dini-discuss ang mga planong gawin sa Venice tapos nung lumipad ulit, tulog ulit siya. Hindi naman napaghahalataang pagod.

After several attempts, dumilat na din sa wakas ang mga mata niya. "We're here?" tanong nito. I nodded. "Sorry, I overslept."

Tumango na lang ako at kinuha na ang mga gamit ko. Medyo marami-rami din ang dala ko dahil hindi ko naman kabisado ang panahon dito. Baka maginaw tapos sando iyong dala ko o baka mainit tapos turtle neck na jacket ang suot ko. Nag-search naman ako pero mas mabuti nang handa.

Wooh! Iba talaga feeling pag ikaw na ang turista! Excited na excited akong napapatingin sa paligid pero di ko lang pinahalata ng slight. Nangangati na ang kamay kong i-open and dating app. Shet, baka andito na ang taong para sa akin.

Umaga na nang makarating kami sa apartment na nirentahan namin. Medyo tumaas ang kilay ko nang marinig kong sa isang apartment kami mags-stay pero nang malamang may dalawang kwarto naman pala, medyo nakahinga ako ng maluwag.

Andito ka para magtrabaho, Ellie. Hindi para makipaglandian. Please, behave.

"Good morning."

Puta! Morning na? Tanghali akong natulog mukhang tinanghali din ako ng gising? Shit, shit. Hindi pwede. May meeting kami mamayang hapon. Siguradong sabaw ang utak ko mamaya kapag hindi ako nakapaghanda ng maayos.

Walang good sa morning, Sir! Gusto ko sanang i-sigaw but Troy looks unusually chill. Anong nangyari? Nag Italy lang siya, bigla na lang siyang naging chill na tao? Bakit ako biglang naging praning? Tumikhim ako at nagtry na ding mag-relax. "Sorry late akong nagising, Sir."

He stopped typing on his laptop to look at me. "The meeting was canceled kaya di na kita ginising. Moved it tomorrow. She said she's sorry, there's just an emergency."

Phew! Ang timing ko talagang tao. Medyo nakahinga ako ng maluwag at napasilip sa bintana. Gusto kong lumabas! Ready na ako to gala! Workaholic akong tao pero syempre, hindi ko ipagpapalit ang magandang view na baka hindi ko na makita ulit sa trabaho. Ready naman na lahat, kailangan lang siguro ng review para hindi ako magmukhang tanga bukas. Pinoy naman iyong artist na ime-meet namin kaya hindi ko na kailangang magpaka-fluent ng english.

Napansin kong may sandwich sa dining table. Napatingin ako kay Troy at sa sandwich ulit. Para sa akin ba 'to o nag-aassume lang ako? Para kunwari ay hindi, naglakad-lakad ako sa kitchen area at naghanda na lang ng kape. "Sir, kape?" I asked him.

"No thanks. I had one earlier."

Okay. Coffee for one then. Madali naman akong kausap. Napatingin ulit ako sa sandwich. Gutom na gutom na ako pero baka naman pag kunin ko iyon, ginawa niya lang pala para sa sarili niya. Edi, nakakahiya.

"Oh, I forgot. That sandwich is yours."

I bit my cheeks to stop myself from smiling. What the fuck, bakit kinikilig ako?

Nasa dining table siya gumagawa ng... I assume work pero nang umupo na ako doon, sa harap niya to be exact ay nagsimula na siyang magligpit ng gamit. We just, I mean, I ate in silence while he was busy with his phone.

Excited na akong lumabas at makipaghalubilo sa mga tao dito. Baka mukhang baliw na ngingitian ko lahat ng tao sa labas. Hahanapan ko pa ng souvenir si Cass at Jeremy, pati na din si Ate Tia. Iyong pamilya ko pa pero iyong kapatid kong ulol, pag-iisipan ko pa. Baka dalhan ko lang ng buhangin o tubig ng canal na sosyal. Iyong mga katrabaho kong hindi ko naman close at sadyang makapal lang ang mukha para humingi ng pasalubong, neck-neck nila. Wala akong budget.

"Sir, okay lang ba gumala ako?" I asked directly. Napakatight kasi ng schedule namin at initially, wala kaming free time para gumala pero ngayon meroon na dahil mabait si Bathala. "Maglalakad-lakad lang ako nearby." Maghahanap ng someone to have and to hold for now.

He nodded, pa-cool lang. "Okay. I'll just go with you then. We can look around the city and look for possible project inspirations."

Napangiti ako ng alanganin. What the...


Hindi ko alam kung mabibigla ako... o mabibigla ako. Masayang may kasama habang naglalakad-lakad dito pero kung ang kasama ko naman ay ang taong iniiwasan ko, ewan ko na lang. Baka mamayang gabi ay tumabi na ako ng tulog sa kaniya- Shit, no Ellie. Stop. Stop it. Bad iyan.

Habang pababa kami ng apartment ay napaka-distracted ko. Tapos iyong mata ko, nahahagilap pa iyong kamay niya na para bang gusto kong hawakan. Seriously, katawan ko pa ba 'to? Napaka out of control ko na ata.

But all these thoughts were immediately dismissed nang makita ko na ang labas. Nakita ko naman ang view na ito kahapon pero I was half a walking dead na nangangapa na at kulang na lang ay lumangoy papunta sa kama.

It's definitely not an understatement when I say that the view is breath-taking. Mga apartment pa nga ang mga nasa paligid namin pero feeling ko, exhibit itong pinuntahan ko. This view is a work of art. Inilabas ko agad ang phone ko at kumuha ng mga pictures. Habang busy na nakatingin si Bossing sa mga tindahan sa tabi-tabi, ay sumingit na din ako ng isang selfie.

"May gusto kang puntahan?" bigla niyang tanong sa akin.

I shrugged with my eyes pinned on the city. Payag na akong tawaging kanal kung kasing-ganda lang naman ng Grand Canal. It's not just the view, it's the art. Itong lahat, art talaga. Sa painting at pelikula ko lang palaging nakikita pero heto ako ngayon, naglalakad sa ganito kagandang lugar.

"Ellie! Ellie!"

Patuloy lang ako. Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa ere. The architecture is... is just a beauty. Para akong nag time travel sa nakaraan dahil sa kamangha-manghang mga obra. Iyong kahit hagdanan ay pinagplanuhan at pinag-isipan ng matagal. Ito nga siguro ang sinasabi nilang hardwork pays off. Makalipas ang ilang taon, andito pa rin ang mga gawa nila, hinahangaan pa rin ng mga taong tulad ko.

"Ellie!"

Marbles! I mean... marbles! Different types of marbles! Hindi ko maimagine kung paano ginawa ang mga ganitong project. Sa panahon ngayon, halos wala nang pake-alam ang karamihan sa quality o kahit na ang aesthetic value ng mga bagay. Kung meron man, hindi pang-matagalan ang mga magagandang bagay. Parang marami nang disposable. These... Everything I'm seeing, talagang pinagsakripisyohan at pinaglaanan ng matagal na panahon.

"Ellie, be careful!"

Bigla akong napasigaw dahil sa gulat nang maramdamang gumulong ako sa hagdanan. And when I said gumulong, I mean tragically rolled down the stairs... these beautiful stairs. Parang tangang bola lang.

And when you think things couldn't get worse, nakita ko ang mga mata ng maraming turista na nakatingin sa akin. Nakakahiya, ikakamatay ko na ba ito? 

Ang sakit sa pwet, puta.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon