20. Caught in the Act

1K 15 5
                                    

"Hey."

"Ay, shet."

Halos mapalundag ako sa bigla nang marinig ko ang boses ni Troy out of nowhere. Akala ko kasi ay wala nang tao sa paligid at saka isa pa, he usually doesn't come here on my table. Madalas ay tinatawagan niya ako at pinapapunta sa office niya.

"Uwian na, Ellie. You should be resting by now."

There was gentleness with his tone. Nakaka-distract. Ni hindi man lang ako maka-focus sa sinasabi niya mismo kasi naka-focus lang ako sa boses niya at sa mga tingin na binibigay niya sa akin. Tapos naman na ang office hours, pwede naman na siguro akong lumandi ng kaunti.

"Sabi ko nga, ishu-shut down ko na ang computer," I just said. Patapos na din naman talaga ako. Inunahan niya lang talaga akong mag-off ng computer. "Pauwi ka na?"

He shook his head, "May kailangan lang tapusin. I'll be home later but you should leave now. It's nothing urgent. I'll just do this so I can leave early tomorrow and... maybe spend some time together?"

Napangiti ako. I like that his being like this. Iyong mas vocal at mas trying. Kaya nga siguro importanteng magkaaway at magkatampuhan, iyong tamang amount lang. Nakikita kasi iyong mga bagay na dapat i-improve.

Imbes na makipagtalo ay tumango na lang ako. Promise ko na din sa sarili ko na hindi na ako magpapasobra sa overtime at hindi na ako mago-overwork. Syempre, I will still work hard pero dahil napagdesisyonan naming pareho to make things work at manatiling mag-date at magkatrabaho, kailangan ulit ng boundaries.

Niligpit ko ang gamit ko pero hindi pa din siya umaalis sa tabi ko. I raised an eyebrow. Anong gusto nito ngayon?

"So... tomorrow?"

Ah, tama nga pala.

Tumango naman ako. Wala namang problema. Baka nga gusto niya, every day, wala ding problema.

Kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana but he remained standing. "Uhm... Bye?"

"Goodbye," sabi nito pero wala namang ginagawa. Hindi ko tuloy alam kung aalis na ba ako o ano.

Bahala na nga. "Goodbye din." Last na talaga. Anong iniisip ng taong ito? May topak ba siya ngayon?

With his farewell ay aktong aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin tuloy ako doon at saka naman lumipat ang tingin ko sa kanya. "Bye." He said again but he did not let go of my hand.

Akmang tatanungin ko na sana kung may problema ba siya nang lumapit siya sa akin. Binitawan niya ang kamay ko and held my nape instead, kissed me right then and there.

Ipinikit ko ang mata ko at sinabayan din ang galaw ng labi niya. Troy as a boss is very predictable. Baka dahil sa matagal na kaming magkasama, alam ko na ang mga galaw niya. Troy, the guy I date is very unpredictable on the other hand.

Ibinalot ko na rin ang kamay ko sa bewang niya. Who would've thought na ganito kami ka clingy dalawa? I smiled at the thought and let him kiss the side of my lips. I pulled him closer. He could be intimidating but this Troy, I could crush him with my embrace for all I care.

"Naglalambing ka ba o ano?" I teased. Mukhang nanadya kasi. Kunwari ay andito para pauwiin ako pero mukhang iba naman ang ginagawa ng katawan.

"I hate it when we fight."

"Nag-away ba tayo?" Napatawa ako. Laging ganito na lang ata iyong linyahan namin. Siguro kasi hindi kami madalas mag-usap. Pag magkasama naman kami, mahirap ding hindi pag-usapan iyong trabaho.

I glanced at my watch. Maaga pa naman pala. "Baka gusto mo hintayin na lang kita? Pwede tayong kumain later."

"Nah, you can leave. You just rest, babe."

Halos nanlaki naman ang mata ko at tumayo ang balahibo ko nang marinig ang babe. "What the fuck? 'Wag mo nga akong i-babe babe, Herrera. Wala iyan sa usapan."

Napatawa naman siya sa reaksyon ko. Naku, ang sarap talagang halikan pa, one more time. I notice his hands are still wrapped around my waist. Akala ko ba ay pauuwiin na ako? "Papauwiin mo ba ako o ano?"

"Depends on what ano means," pilyong sagot pa nito sabay bigay ng mapanuyang ngiti.

"Wow," I exclaimed, amused. Ganda ng mood ngayon, ah. Ano bang nakain ng taong ito? "Nagawa mo pa talagang mag-joke."

"Who says I'm joking?" His hand played around my waist, teasing my skin even with my clothes on. He intentionally stopped his thumb on the side of my chest and I let him. 

Amindo naman ako, gusto kong tinutukso.

Napangiti na lang ako at kinuha doon ang kamay niya. "Hindi ito ang lugar para sa lampungan pero lagot ka sa akin bukas."

"Why not just sleep at my place tonight?" Binalik niya ulit ang kamay niya sa baywang ko and I took a step closer from him. Napakatahimik ng paligid, nakaka-turn on, shit.

I found myself nodding, "Okay." And left a kiss on his lip that he willingly answered. I opened my mouth, inviting him to deepen the kiss. Sana hindi na matapos iyong honeymoon stage ng dating kasi ang sarap ng may ka-momol.

"Ay, porn!"

Agad na natulak ko si Troy na muntikan nang matumba nang marinig ko ang boses ni Miles. Ah, shit. Sabi ko nga, hindi ito ang lugar para sa lampungan.


"Miles was easy to talk to. I didn't have to provide... additional information like how Tia told me to do."

Inaantok na ako pero bigla na lang akong nagising nang ma-mention niya si Miles. I was red as a tomato nang makita niya kami sa ganoong posisyon. Napaka-unprofessional at nakakahiya talaga! Dapat kasi, nilalagay sa lugar ang landi.

Hinampas ko nang mahina ang dibdib niya habang nakapikit pa rin ang mga mata ko saka binalot uli sa baywang niya. Napaka-clingy talaga pero ang sarap niya kasi talagang yakapin kahit na nagsisimula nang maghasik ng harot sa trabaho. "Hindi na dapat mauulit iyon. Ang landi mo talaga."

"I just missed you."

"Palagi naman tayong nagkikita, no. Literal na ilang hakbang lang iyong office mo sa akin. Huwag ka ngang parang teenager diyan. Kontrolin mo iyang hormones mo, Herrera."

My eyes are still closed when I felt his lips on mine. Napasimangot naman ako. Gusto ko lang mag-chill ngayong araw na ito pero ang landi talaga! Gusto ko naman ng slight pero wala na talaga akong energy na natira. "Behave ka nga muna. Kailangan ko pang mag-recharge."

Para namang walang narinig ang gago at patuloy pa ring nag-iiwan ng mga maliliit halik sa mukha ko. I decided to stand up dahil mukhang may plano na naman itong taong ito. Hindi naman ako imortal. Kailangan ko din ng pagkain. "Diyan ka lang, wag kang sumunod hanggang hindi kita tinatawag." I warned him. Siya man ang boss sa trabaho, ako muna nag boss dito ngayon. Gusto kong makapagluto ng matiwasay and I can't do that if Troy would cling on me the whole day.

"Yes, ma'am."

Sinuot ko ulit ang shirt niya like I always do. Kumukuha lang ako ng damit niya doon. Ni hindi ko nga napapansin na may parte na pala ng closet niya para sa mga gamit ko but I like that. Mas komportable pa ring isuot iyong mga tshirt niya kaya kinuha ko ulit iyong paborito kong grey shirt niya. Minsan nga, inihahanda niya na iyon para sa akin, alam na atang iyong shirt na iyon na ang susuotin ko bago pa man ako makalabas ng banyo.

I dried my hair. Hindi na ako nag-shorts kasi papasang dress na din naman ang damit at lumabas na ang kwarto. Troy was looking at his phone when I left the room. Kinuha ko din ang phone ko sa bag sa sala para i-check kung may message ba. Cass sent me a picture of Jeremy while playing with his cars at agad akong napangiti. "Ang cute talaga ng inaanak ko," I mindlessly said.

Ibinalik ko na din agad iyon sa bag matapos mag-reply. Buti na lang pinaalala ni Cass. Kailangan ko pang bumili ng regalo ni Jeremy. Pinangako ko pa naman nang ipinanganak ang batang iyon na ispo-spoil ko iyon.

"Ay she-mai!" I exclaimed when I saw Manang in the kitchen, preparing breakfast for two while looking at me.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon