2. Weekend at...

1.9K 43 2
                                    

Just a few more to-do's and I'm finally free from work!

I rang the doorbell. Nang walang sumagot, nag-ring ulit ako. Wala pa rin. I tried again. Wala.

Kinuha ko na lang ang susi mula sa bag ko. Wala sigurong tao dito. Asan na ba kasi si Troy? Sabi ko naman sa kaniya, ibibigay ko iyong nga files para bukas, meeting na agad.

Napakatahimik ng condo unit niya pagpasok ko. Napakalinis maliban sa coffee table niya sa sala na may iba-ibang papel. I looked at those. As expected, inuuwi at dini-date niya talaga ang trabaho niya tuwing weekend. But who am I to judge when I did exactly the same thing?

In-arrange ko iyon at ipinatong na lang ang folder na dala ko. Mukhang walang tao. Sabi niya naman kahapon sa text, hindi siya aalis ngayon. Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Napansin kong bukas ang pinto ng kwarto niya. I peeked and there I saw my half-naked boss, seating while sleeping with his eyeglasses on and his laptop on the side. Akala ko dine-date lang niya ang trabaho, kinakama din pala.

Pinabayaan ko na lang muna siya doon at pumunta sa kitchen. Halos wala nang laman ang mga cabinet at ref niya. Ano ba iyan, madami naman siyang pera pero magugutom naman ang nakatira dito.

I just grabbed whatever was available. Nang masigurong hindi pa-expire ang gatas na nasa fridge, ay nagluto na lang ako ng french toast. Nagtimpla na rin ako ng kape habang naghihintay na magising si bossing.

Nag-ring ang door bell. Hindi ko alam kung makakagising ba siya sa tunog nun. I just decided to check whoever it was. Baka mamaya, bumack fire pa sa akin, sungitan pa ako dahil naputol ang tulog niya.

"Hi Manang!" I greeted Manang Loida cheerfully while keeping my voice low. Tama nga pala, pinapapunta pala siya dito minsan para maglinis. "Good morning- ay, noon na pala."

"Dito ka natulog, Ellie?"

Agad na nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ba't naman ako matutulog dito? Baka ano naman iniisip ni Manang, malikot pa naman ang imahinasyon nito. "Hindi po ah! Kakadating ko lang din. May hinatid lang ako."

"Si Troy?"

"Nasa kwarto. Natutulog pa po. Manang, kape po? Gusto niyo?"

"Naku, huwag na iha." ngumiti si Manang sa akin. Na conscious tuloy ako bigla kaya pumunta na ako sa kusina para ihanda iyong pagkain. Hindi naman ako inuutusan ng mga ganito. Naawa lang talaga ako sa tao kasi gising buong magdamag kakatrabaho. Nag-reply siya sa text ko ng mga four in the morning, siguradong umaga na natulog iyon. At saka, hindi naman kailangan may rason para maging mabait, lalong lalo na sa taong nagpapasweldo sa iyo. I laughed at my own thoughts. Tang-ina, ang gold-digger pakinggan.

Sisimulan ko na sanang hugasan iyong mga hugasin habang naghihintay. Kaunti lang naman pero biglang dumating si Manang. "Ako na diyan, Ellie. Umupo ka na lang muna habang naghihintay."

"Manang naman. Parang bisita naman ako."

"Bisita ka naman kasi talaga dito, iha. Lahat ng babaeng dinadala ni Troy dito, bisita."

Halos maluwa ko iyong kape na iniinom ko habang nagpipigil ng tawa, "Ew. Ang weird pakinggan, Manang. At saka, ako po ang nagdala ng sarili ko dito."

"Uhm... Good-morning?"

Naka t-shirt na siya ngayon. Medyo magulo pa iyong buhok ni Troy at naniningkit pa ang mata kahit mukhang nakahilamos na.

"Good-" I looked at the clock, eleven-thirty. "noon, Sir." I smiled at him. Kinuha ko ang kape. "Coffee?"

Tinanggap naman niya iyon. "Magandang tanghali, Manang."

"Tinanghali ka na ng gising, anak, ah. Hindi ka ba natulog kagabi?"

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon