Hindi iyon spur of the moment. Kung tutuusin nga, I spent 24 hours para pag-isipan iyon. Hindi ako nag-absent para magpahinga at mas lalong hindi dahil lang dahil nagtatampo ako. Kailangan ko talagang mag-isip.
Kagabi, kulang na lang ay gumawa ako ng presentation ng pros at cons ng sitwasyong ito pero mukhang di ata ako nakuntento sa ideyang iyon, sinulat ko lang sa isang buong coupon bond, back to back. At sa totoo lang, nakakatampo na hindi man lang umabot ng likod ang pros. Palagi naman akong nag-iisip pero that time, I really took the time to consider things. It feels good. I feel great. Mukha naman kaming masaya pero... is it worth risking ba?
Kailangan ko ang opinyon niya.
Patuloy lang na nagda-drive si Troy at taliwas sa iniisip ko, hindi siya nag-violent reaction. Ni hindi nga ata nag-react. Diba dapat, may sabihin siya? Kahit, 'What?' man lang? O kahit 'Ha?'.
Ang hirap tuloy basahin ng isip niya.
Hindi ko naman alam ang sasabihin ko para mabago iyong mood sa sasakyan kaya hinayaan ko na lang ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Matapos ko siyang tingnan ay hindi na ako lumingon uli sa direksyon niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang magsimulang umulan, mahina lang naman pero kahit papaano, nagpasalamat naman akong may sumundo sa akin ngayon na nahimasmasan na ako. Hindi naman ako mayaman pero minsan, walang pinipili ang mga taong may masamang balak.
Heto na naman ako, ang pambansang drama queen. Maybe I'm overthinking at hindi ko gusto iyon. I want my dating life to be as chill as possible pero at the moment, I feel like trash.
Alam ko, hindi dapat. Ginusto ko naman ito. Gusto ko siya. Gusto din naman niya siguro ako. The thing is, it's not just about feelings, relationship is also about commitment.
Hindi kasi ako nag-isip masyado. Ayan kasi, ipinaalala tuloy sa akin ang mga bagay na nakalimutan ko na ata. Iyong bakit palaging hindi nagtatagal ang mga relasyon niya. Front seat ako sa mga drama na iyon, eh. VIP seating ako, eh. Memorize ko na nga iyong plot pati iyong mga linyahan... Pati ata ang pupuntahan, alam ko na.
Napaawang ang labi ko nang makitang hindi siya lumiko sa daan papunta ng apartment ko. Tatanungin ko sana siya kung saan niya ako dadalhin pero bago pa man ako makapagtanong, may sagot na siya. "Let's talk... please."
Madali talaga siguro akong utuin kasi sumama ako sa kaniya sa condo unit niya. Mukha nga kaming tanga na hindi nagsasalita kahit na nakapasok na kami sa unit. Akala ko ba mag-uusap? Magbabasahan lang pala ng isip?
"Do you want something to eat?"
"Ha?" Gulat na tanong ko. Mas sanay kasi akong ako ang nagtatanong. Siya kasi ang madalas na nakakalimot kumain at hindi naman kailangan pero pakiramdam ko ay kasali sa trabaho ko ang paalalahanan siyang alagaan ang sarili niya. "Ah, nope." sagot ko na lang kahit na sa totoo lang ay gutom ako ng sllight. Baka hindi pa ako matunawan sa pag-uusapan namin.
"I need to explain-"
I shook my head. Okay na sa akin. Hindi niya kailangang mag-explain. It was his decision to mix business with our relationship. Hindi naman ako tanga. Alam kong hindi niya pinaalam sa akin ang tungkol kay Jake because, well, he's Jake. Gago iyon.
Kapag sinabi niya sa akin na si Jake ang taong hihingan niya ng tulong, hindi din siguro ako papayag o baka susubukan ko lahat basta't kaya ng powers ko para palayasin ang lalakeng iyon.
Jake is his fucking friend and Cass is my bestfriend. Iyong gagong iyon, iniwan niya ang kaibigan ko sa kasal nila and then there's Jeremy, hay... Sana lang talaga hindi niya makita ang bata.
This is the problem. We try not to pero sa huli, we still end up mixing business with pleasure at saka may dagdag pang personal matters. He has his reason and I have mine too at syempre, para sa akin, mas matimbang ang rason ko. I can't even try understanding him. Nope, not this time.
Heto na naman. Conflict of interest. Talaga simula't sapul, marami nang warning signs eh.
"Hindi ko alam kung may kwenta iyong opinyon ko pero siguro tama naman ang iniisip mo. I would make a big deal of Jake being involved with this. Mag-prangkahan na lang tayo dito, hindi okay para sa akin na ginawa mo akong bulag sa mga nangyayari. Trabaho ko pa din naman na mange-alam pero naiintindihan ko. Doesn't mean I'm cool with it but I get where you are coming from. Naiintindihan ko pero hindi ibig sabihin nun, tanggap ko."
Hindi ako nagsalita para ibigay naman sa kanya ang spotlight. Siya naman, baka naman may speech siya. Kahit papaano, gusto ko namang maging fair. Tiningnan ko lang siya ng diretso sa mata habang naghihintay ng susunod na sasabihin niya. He sighed but said nothing.
Uminit na lang ang sulok ng mata ko. He obviously means something to me. Nakikita ko din na nahihirapan siya. Kahit papaano, feeling ko ay espesyal naman ang mayroon kami ngayon na nakikita ko siyang nahihirapan, napapagod, at kahit hindi alam ang sasabihin, I know he's trying to find the right words but there are no right words.
"Wala kang sasabihin?" I softly said. Hindi na ako galit. Minsan, umiinit lang talaga ang ulo ko pero madalas, automatic reaction lang naman iyon. Iba pa rin pag nagkaharap na.
Napabuntong-hininga ulit siya, "I'm sorry. Hindi ko dapat iyon ginawa. I'm- I'm really sorry. It was the biggest challenge I've encountered so far and- I should've talked to you more but... but I didn't. I don't want to make excuses this time. I was just really- it was just too much at that moment. I'm sorry."
Ouch. Too much. Bakit feeling ko naging extra baggage na lang ako bigla?
Tumango na lang ggako habang nakikinig sa sinasabi niya. Alam kong nahirapan siya at gusto ko din namang tumulong pero magulo nga tagala siguro.
"At least, di ba? Nakita natin na eto- this- this will never work. Hindi pwede itong arrangement na ito. Syempre, hindi kita papipiliin. Kaya tanggapin mo na iyong resignation letter ko na ilalagay ko bukas sa mesa mo."
Kailangan ko nang umalis. Ayaw kong makinig sa sasabihin niya dahil baka bawiin ko lang lahat ng sinabi ko.
Hindi pa man ako nakakalakad ng tuluyan, hinawakan niya na ang kamay ko. Nakaupo pa rin siya sa couch pero mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko. I looked at our hands, my eyes mainly focusing on his hand grasping mine. Nang lumuwag ang hawak niya sa kamay ko, akala ko bibitawan na ang kamay ko pero hindi pala. His thumb traced the back of my hand, very very softly. Nakakapanindig-balahibo.
Hawak pa rin ang kamay ko, tumayo siya at humarap sa akin. Iyong nasa harap ko lang talaga at mga two inches lang ang layo namin sa isa't isa. Amoy na amoy ko ang perfume niya at iyong mukha niya, napakalapit. Iyong mache-check ko na ang non-existing pores niya sa sobrang lapit. Ang kinis niya talaga. Minsan stressed pero iba talaga siguro pag nasa dugo an ang kinis ng balat.
Kahit malapit lang kami, I totally didn't expect na yayakapin niya ako, in slow-motion pa nga sa mga mata ko. Bigla na lang tuloy tumulo iyong luha sa mga mata ko. Hindi ka kasi ini-expect iyong feeling ng comfort. I was too stressed. Iyong habang nararamdaman kong binabalot ako ng yakap niya at nawala na ang two inches na distance, nakaramdam ako ng parehong bigat at gaan sa pakiramdam.
Troy leaned into me a little. Iyong ulo niya, naka-rest slightly sa ulo at balikat ko. Nagdalawang-isip ako at first but it feels so good that I just accepted his embrace and later clung to him too. This is too comforting. He feels like... home? Pwede pala iyon?
"This whole arrangement is really difficult. I don't know what to say or what not to say, what to do or what not to do."
Malapit lang sa tenga ko ang labi niya kaya hininaan niya lang ang boses niya. Nagkaka-goosebumps tuloy ako sa mala-ASMR niyang bulong pero iyong sinasabi ni Troy, it's heading somewhere not good. Hindi ko namalayan pero mas humigpit ang yakap ko sa kaniya, nagre-ready sa sasabihin niya. I know it's going to be another way to say Goodbye... kung hindi man niya iyon masabi ng diretso.
"But let's try and make things work. I'm not letting you walk away."
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...