"Ellie, are you okay?"
Hindi ako mapakali. Kahit na medyo malayo na ang narating namin ay panay pa rin ang lingon ko sa likod pati na sa side mirror. Hindi kasi ito kasali sa plano eh. Hindi talaga pwede may makaalam at mas lalong hindi pwedeng si Ate Tia ang maka-alam.
Hindi naman ako madalas mag-panic kaya siguro pakiramdam ko ay gusto ko na lang maiyak. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa direksyon ni Troy para hindi niya makita na kaunti na lang ay iiyak na talaga ako. Tangina, sabihin pa lang, ang OA ko.
Nahinto lang ako sa kakatingin nang ihinto din ni Troy ang sasakyan at nag-park sa tabi ng daan.
"Hey..."
Napakagat ako ng labi ko. Ngayon ba, boss ko siya? O jowa kong hilaw? Sasabihin ko ba sa kaniya? Anong approach ba ang gagamitin ko? Pa-cool lang? Sabihin ko na lang kaya na ako na ang bahala? Marami pa naman siyang problema at saka baka kumalat na may something-something kami.
Hay. Hindi pa nga kami, mas nagiging complicated na itong bagay na ito.
"Nakita ata tayo ni Ate Tia."
Hindi ko man gustong tumingin sa mga mata niya at ipakitang nagpa-panic ako ay gusto kong obserabahan ang reaksyon niya... and he just looked at me without even a hint of panic in his eyes. Ni hindi nga siya na-shock.
Naging disappointed tuloy ako. Mabuting bagay na hindi siya madaling nagpapadala sa sitwasyon pero palagi na lang kasi siyang hindi nagpapadala sa emosyon. Bigla tuloy nanlamig ang kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa aircon o dahil ba pakiramdam ko ay isa lang ako sa mga babae niyang kayang-kaya niyang bitawan when things get too complicated.
Nakita ko na kasi ang eksenang ito. Ngayon, ako na talaga iyong bida at hindi na audience lang sa tabi.
"Hindi bale, ako na ang bahala." I faked a laugh at sinundan ko pa ng pekeng tawa. Di bale na. "Pwede pa naman siguro magbago isip niya. Malay mo di ba, madala ng powers ko? I can be very convincing when I want to." sabi ko nang maka-recover.
Hindi na ako umasang may gagawin siya. He's... He's Troy at alam kong hindi siya ang lalakeng dapat kong asahan sa mga ganitong bagay. Automatiko ko na atang naisip na Ayan na... He's starting to think this... whatever we have is not actually worth all the troubles.
He started to focus on the wheel pero bago pa siya mag-drive ng sasakyan, nagsalita ito saka hinawakan ang kamay ko, "Let me try talking to her first. Don't worry."
And I was left speechless when he slightly brushed his thumb on my cold hand.
Napaka-weakshit mo, Ellie. Bakit ang dali mong kiligin?
"Hello? Yes, speaking."
"How true is this news? I trust-" We don't have any updates at the moment but we'll release a statement as soon as possible." Bago ko pa lang ibinaba ang telephone ay nag-ring agad ito. Halos sabunutan ko na ang sarili ko pero sinubukan kong maging kalma lang, and failed miserably. Seryoso, feeling ko may nasusunog sa loob ko dahil sa mix ng galit, inis at kung ano pang hindi magagandang bagay.
May sikat na singer kasi na nag-report na nag-plagiarize daw ang isa sa mga songwriter na nasa management namin. Ayaw kong maging bias pero nakilala ko na si Larry. Ni hindi nga nun iniisip ang sumikat, eh. Gusto niya lang talagang magsulat ng kanta and boy, he is good. Hindi pa man siya nabibigyan ng big break, sigurado na kaming lahat sa talento niya. Of course, I would know because I remember how badly Troy wanted to scout him.
Sabi ko nga na ayaw kong maging bias. Syempre, hindi ko iko-kompirma o ide-deny ang anumang aligasyon na sinasabi nila. The public on the other hand... hay! Hindi man lang nagbigay ng benefit of the doubt. Porket sikat na iyang si Beverly, dapat hindi agad tinatanggap as facts iyong pinost niya sa instagram. Iyong trash talk mukhang mas madali pa nilang magawa kaysa sa fact check.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...