25. Levelling Up

873 18 0
                                    

Nagse-selfie ako minsan pero madalas, wala talaga akong maayos na picture. Eh, parehas naman kami ni Cass na hindi masyadong hilig doon. Kami kasi iyong tipo na sa sobrang in the moment, nakakalimutan na naming kumuha ng litrato. Iyon ngang sa Venice, parang kulang pa.  Pero tingnan mo naman ako ngayon, halos hindi na maalis-alis ang tingin sa litratong pinadala ni Nate sa akin.

It took a whole ass process bago ko napagdesisyunan i-print iyon at ilagay sa kwarto ko. Unang-una ba naman kasi, bakit siya may litrato ko? Curious na curious ako na halos hindi ako makatulog nang gabing iyon. Mabuti sana kung nasa mabuting lagay ako, eh, sumemplang pa naman ako sa unang litratong sinend niya. Syempre, ibig sabihin nun, andun din siya at nakita niya akong mukhang tanga sa kabilang dako ng mundo. Not that I care. Hindi ko naman siya kailangang i-impress at saka bumawi naman din kasi iyong second picture.

Medyo nakakatakot lang. Na andun siya nung panahong iyon, na nakita niya ako, na nakuhanan niya ako ng litrato. Gusto ko nga sana ng explanation pero gusto ko ba siyang kausapin? Kahit na gusto kong magreply, hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya naman nag-react na lang ako sa mga message niya.

Nag crying emoji reaction ako sa unang picture, nag wow emoji sa pangalawa, nag thumbs up sa sinabi niyang ide-delete niya ang copy ng mga litrato dahil alangan naman di ba, ikakatuwa ko bang may tangang picture ako doon. Eh kahit hindi naman ako artista o public figure, mas makakatulog pa rin ako ng mahimbing kapag alam kong wala sa memory niya at ng device niya ang picture na iyon. Iyong huling message naman... hindi na ako nag-react. Naiisip ko naman iyon paminsan-minsan pero hindi ako sigurado kung kailan ko gagawin. Parang ganyan naman madalas eh, masarap lang isipin na mag-travel pero iisipin mo iyong gastos at tamang timing. I wish isa ako sa mga taong kayang magdesisyon agad pero parang doon ata ako sa mahilig lang mag-drawing. Ni hindi nga kami nakakapag-date ni Troy sa labas, eh. Napaka-boring ng travel history namin pareho.

"Akala ko ba may jowa ka na?"

"Ha?" Nabigla naman ako sa panga-ambush nitong si Miles. Hindi pa nga naka-abot sa bibig ko ang burger ay parang mabubulunan na ako. Kaya nga kahit ayaw ko ay iniiwasan ko na itong dalawa kasi hindi pa ako komportableng mag-share ng lovelife ko.

She showed me a picture with Nate outside the mall. Napaah na lang ako. Iyan pala siguro iyong nakita ni Troy kagabi. Eh sus, hindi nga kami mukhang close diyan. "Lahat na lang ba kasi nilalagyan ng malisya sa social media?" sabi ko na lang habang nagbabasa ng comments. Eh kamo bakit daw nali-link sa dalawang babae sa isang linggo, pinapakita niya na ba daw iyong totoo niyang kulay. At ako ba daw kamo iyong totoong jowa at hindi iyong babae noon na si Cass? O ako ba daw kamo iyong babaeng iyon. "Grabe naman, fiction writer level naman iyong comments."

"Hindi ako nangja-judge ha?" Agad na depensa ni Miles. "Follower lang talaga ako ni Nate. Isa kasi siya sa mga nakaka-relax na youtuber tapos biglang Hala! Diba si Ate Ellie ito?"

"Patingin nga," mukhang naintriga na din si Ate Tia kaya napatingin na din sa picture. "Ikaw nga bhe! May nagselos ba nung makita ito?" Eh, iba din itong focus ng isang tao.

Napabuntong hininga na lang ako. Naalala ko naman iyong kagabi. Naku, hindi ko talaga kayang manuyo araw-araw, siguraduhin niya lang na once in a bluemoon lang iiral iyang pagiging seloso niya. "Ewan ko dun." Sabi ko na lang. "At saka may saltik ba mga followers ni Nate? Bakit ba lahat ng kinakausap niya nali-link sa kaniya?"

"Hindi naman kasi madalas nababalita iyon pero don't worry, nag release na siya ng statement."

"Di nga?" Nasurpresang tanong ko. Akala ko kasi ay hindi na siya mage-explain. Kung ako kasi ang nasa posisyon niya, hay naku, paninindigan ko talaga na isang beses lang ako mage-explain at kung hindi pa rin makaintindi ang iba, aba, problema na nila iyan! Masyadong affected eh hindi naman nila buhay. Hindi man lang nagresearch, judge agad. Ewan ko na lang talaga.

"Mukhang galit nga, eh. Nagpa-release lang official statement na sana daw, huwag namang idamay iyong mga tao sa paligid niya tapos nag deactivate na siya sa instagram at twitter."

"Talaga?" Eh kagabi lang iyon nag-message ah.

Miles nodded, "Don't cha worry, Ate Ellie. Sigurado naman akong Herrera got cha back."



"Any events that I missed for tomorrow?"

Inihahanda ko ang schedule ni Troy para bukas. Mukhang balik naman na sa normal ang lahat at hindi naman busy ang mga buhay namin ngayon.

"Hmmm..." Binitawan niya ang pen niya to give me his full attention. Nanibago naman ako at biglang naging conscious. Baka maging haliparot na naman ang lalakeng ito at makalimutang office hours pa. "Seat for a moment."

Napatingin ako sa labas. Kahit walang mga matang nakatingin sa amin ay nagdadalawang-isip akong umupo. Hindi ko kasi madalas ginagawa iyon maliban na lang kung tungkol sa trabaho at mahaba-habang usapan ang kailangan. "Work-related ba ito? Kasi kung hindi, aalis na ako bago ka maghasik ng kadiliman." I warned him in my whisper threatening voice. He was about to laugh pero pinanlakihan ko na ng mata. "Umayos ka nga."

"I don't know about you but I'm trying to be really professional here." Sus, kunwari pa. "I really have something to discuss so please, have a seat, Miss Castillo."

Kahit pa mukhang scam iyong pinagsasabi niya ay umupo na lang ako. Pag eto talaga, naging joke, sisiguraduhin kong magbabayad siya. Troy cleared his throat and went back to scanning the documents. Hindi ko alam kung acting ba o totoo pero mukha naman sincere.

"It's my parent's wedding anniversary tomorrow."

Napa oh naman ako. Work related naman pala. I unlocked my tablet para mag-ready sa notes. "Anong kailangan? Catering? Decor? o magpapabili ka ng regalo?"

"What?"

"Ha?" Mukhang sabay pa kaming naguluhan. "Diba sabi mo, anniversary ng parents mo? Ano iyong problema para mahanapan agad natin ng solusyon. Alam mo naman, magaling ako sa mga ganito." Proud na sabi ko. Talagang especialty ko talaga pag may mga emergency. Napakabilis ko kasing makahanap ng solusyon. Ano pa ba, si Ellie lang naman ito.

"Are you implying that I'm going to give you... tasks?"

Napakunot ang noo ko, "Ano pa ba?"

"Ellie, I'm inviting you to come with me."

Napanganga ako dahil akala ko may gusto akong sabihin. Iyong isip ko kasi, ang bilis makapag-jump into conclusion pero hindi naman na-relay sa bibig ko iyon dahil wala akong ibang nasabi kundi... wala. Wala talaga.

Hindi naman bago na i-invite niya ako. Marami namang event sa pamilya niya na invited ako but it's usually because ako ang naghanap ng caterer o ako ang nagpa-design ng cake o ako ang tumulong mag-decorate. Ako palagi ang tinatawag pag may last minute emergencies dahil, what can I say, magaling ako? I was always needed o at least, ramdam kong kailangan ako dahil may role ako palagi pero- ano bang ibig sabihin ng inviting you to come with me? 

"Ha?" mukhang tanga kong tanong.

"You are overthinking right now, aren't you?" Mukhang nababasa niya na ang reaksyon ko o baka naman napaka-obvious ko lang talaga. "Don't worry. I'm inviting some of the employees too. My parents wanted to anyways, just the people they already know."

Nakahinga naman ako nun. Sus, hindi ko napansin na hindi na pala ako humihinga kanina pa! Parang hinihingal na nga ako sa kaba. Alam kong medyo nanghihingi ako ng more sa aming dalawa but this step is too much of a leap. Parang level one, level two tapos biglang meet the boss agad kahit hindi pa nakapag level three hanggang seven.

"Pinakaba mo naman ako dun." I was holding my chest and felt it beat so fucking fast. Chill ka lang heart, ano ka ba. Huwag OA. "Akala ko naman ano na..." Hindi ko na matago ang ngiti ko. Nakaka-pressure kasi iyong makilala iyong parents niya. I mean, magkakilala naman na kami pero ano na lang iisipin nila? Baka sabihin pa pinikot ko si Troy eh, mas malandi pa nga ito sa akin.

He played with the pen in his hands. Hindi man lang lumingon sa akin nang sabihin niyang, "I think it would be nice if my parents meet you, you know... not as my secretary."

Nawala ulit ang ngiti ko. Naku, I don't know.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon