33. The Last One

1.3K 20 8
                                    


"Hello, hello, Philippines!"

Naguguluhan pero nakangiting tinitingnan ako ni Cass. Siguro ay dahil sa mas maikli kong buhok. Kulot pa rin iyon pero mas maikli nga lang ngayon. Feeling ko kasi ay may new chapter sa buhay ko kapag may binabago ako look ko. Baka mamaya, wala nang matira sa buhok ko nito.

Na-guilty na lang tuloy ako bigla na parang alam ko lahat ng tungkol kay Cass at kung hindi man, marami pa rin akong alam tungkol sa kaniya pero heto naman ako, parang walang sinasabi sa kaniya. Di bale, talagang sasabihin ko with all the details next time.

Magsisimula na sana akong bumawi sa bestfriend ko at sa pinaka-mamahal kong inaanak nang biglang nahirapang huminga si Jeremy. Nag-panic ako pero alam kong mas matindi ang takot na nararamdaman ni Cass.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay sinubukan kong hindi madala sa emosyon. I heard Cass' sobs on the car kaya naman takot akong lumingon at nakadiretso lang tingin sa daan. Napakabilis ng pangyayari. Parang lutang pa rin ako habang linapitan si Jeremy ng mga doktor.

Moments later, sinabihan kami ng doktor na okay na sa ngayon si Jeremy pero may mga tests pa daw na kailangang gawin para makasiguro. Napakabiglaan naman kasi ng lahat. Parang kanina lang ay okay lang naman ang bata.

I was really worried sick pero nang makita kong halos hindi na alam ni Cass ang gagawin ay nag-volunteer na muna akong kukuha ng mga gamit nila lalo't hindi naman pwedeng iwan ni Cass si Jeremy.

Nanginginig ang mga kamay ko habang kumukuha ng mga gamit ni Jeremy. Na-imagine ko na lang bigla kanina iyong mukha niya habang nahihirapang humihinga tapos napakaputla pa ng labi niya. Gusto ko talagang maiyak.

"Hello?" Sagot ko nang mag-ring ang phone ko. Narinig kong umiiyak si Mama sa kabilang linya. Kung kanina ay dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko, parang ngayon ay triple na ata. "Ma? Bakit?"

"Nasa hospital kami ngayon, anak. Si Elaine kasi... nasagasaan kanina."

"Ano?" Parang pakiramdam ko ay wala nang lakas ang tuhod ko.

Sinabihan ako ni Mama na okay naman daw si Elaine pero hangga't hindi ko nakikita ay hindi pa rin ako mapakali. Saktong dumating naman si Jake nang talagang hindi ko na alam ang gagawin. I explained to him, in the calmest way that I can, kung ano ang nangyari.

"May... May nangyari kasi. Family emergency. Pakisabi na lang kay Cass bakit hindi ako makakabalik ngayon."

"Okay, don't worry." Sabi niya kahit puno mismo ng pag-aalala ang sariling mukha niya. Dapat, sa normal na araw ay magagalit ako sa kaniya pero alam kong kailangan siya ngayon ni Cass at Jeremy. "I'll go there right now."

"Sige..."

"Ikaw? Okay ka lang ba?"

"Ha? Ah, oo." Napasabunot ako ng sarili kong buhok. Talagang ang gulo ng utak ko ngayon pero hindi pwedeng tatanga-tanga. "Okay lang. Alis na muna ako. Salamat-"

"Ellie," Aalis na sana ako nang tawagin niya ako. "I'll call Troy to accompany you. I'll tell him to hurry."

"Ha? Huwag na. Kaya ko naman."

Hindi man lang siya nakinig sa akin at inilabas ang phone niya. Akmang magagalit na sana ako nang magsalita ulit siya. "You don't look fine, Ellie. Just let him stay by your side for now."

Kanina pa send ng send ng text sa akin si Mama na okay naman na daw si Elaine kaya hindi ko na kailangang pumunta sa hospital. Nag-send pa nga siya ng picture ni Elaine na nakahiga sa hospital bed at may sugat sa ulo pero naka wacky pa ang loka.

I was too dizzy kaya nang tawagan ulit ako ni Mama para sabihan ulit na huwag na munang pumunta doon kasi makakauwi naman na sila mamayang hapon kaya sa bahay na lang daw kami magkita ay hindi na ako nakipag-away.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon