Sa totoo lang, hiyang-hiya ako. Idol ko ito, eh. Hindi man ako isa sa mga die hard fans niya, masisiguro ko naman isa ako sa mga fans ni Nature with Nate. "Nature with Nate..." Bulong ko na nagmamaka-awa na. May dumagdag na kasi sa pila tapos iyong cashier, iba na ang tingin sa akin
Ellie naman kasi. Tatanga-tanga. Si Cass kasi nagbayad ng lunch namin kasi nagpalibre ako, hindi ko tuloy napansin na naiwan pala iyong wallet ko sa sasakyan niya. Hindi ko alam, nahulog siguro. Basta ang bottomline, ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.
"You can just call me Nate, Ellie." sabi niya sabay abot sa cashier ng card niya. Tina-try niyang ngumiti sa akin at maging mabait pero nahahalata kong hindi siya komportable. Dahil ba sa tinatawag ko siyang Nature with Nate?
Ano ba iyan. Binibigyan ko pa ng rason iyong tao para hindi maging komportable. Napaka-gaga ko talaga. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mabayaran na ang mga laruan kaya naman laking ngiti ko nang lumabas kami doon. Buti na lang talaga andito si Nate! Naks, lakas maka first name basis. Close na ba kami neto?
"Babayaran kita, promise." Tiningnan ko ang resibo at paulit-ulit na sinabi iyon sa sarili para hindi ko makalimutan. "Bank transfer, okay lang? Hehe." Baka sabihin napaka-kapal ng mukha ko. First time pa nga naming magkita, tatanga-tanga na agad ako tapos nangutang pa. Ang pangit ng first impression ko sa kaniya. Kaya siguro parang ayaw niya akong tingnan at medyo napapakunot ang noo niya pag nakatingin naman sa akin.
"No, no. It's for Cass' son, right? Just... Let's just say it's my way of saying sorry. You don't have to pay for it."
"Grabe, ang bait naman nito. Basta, babayaran talaga kita. Promise. Promise talaga." I assured him. Hindi pa naman ako natutuwa sa mga taong hindi nagbabayad ng utang. Pinaghihirapan kaya nag pera! Hindi naman iyan pinupulot iyan sa tabi-tabi. Mukha naman siyang mayaman pero kahit na, utang pa rin iyon.
Napatingin ako sa kaniya. Kamukha niya iyong Liam pero mukhang mas... fatherly iyong isa? Siya parang free-spirited. Iyong mukhang ang gaan ng aura, iyong tipong hindi nago-overthink. Di tulad ko.
"Though I appreciate it when people recognize me. please don't stare. I'm not really comfortable with people looking at me for more than five seconds." Sabi niya na diretso lang nakatingin.
"Ay sorry. Subscriber mo kasi ako." He smiled pero mukhang hindi pa rin komportable. Do I come off strongly? Mukha na ba talaga akong stalker? "I mean, medyo na-stalk kita kasi nga, dahil doon sa news na kasama iyong kaibigan ko pero promise, hindi ako stalker. Actually, nagwo-work ako sa isang artist management company." I smiled, trying to lighten the mood pero mukhang lumalala lang ata. "Hindi din ako recruiter! Promise! Talagang nag-eenjoy lang ako sa mga vlogs mo. Nakaka-wala kasi ng stress iyong view." I tried explaining again pero the more I speak, the more he looked like he didn't want to talk to me.
Ang suplado naman pala. Akala ko mabait.
Napatingin siya sa relo niya. I rolled my eyes. Try naman niyang maging subtle kaunti. Napaghahalataang ayaw niyang kasama ako, eh. Maiintindihan ko naman siya, eh pero magpaalam naman siya ng maayos.
Ako na lang sana ang magpapa-alam kasi baka naman kaya ayaw niyang magpaalam eh dahil natatakot siyang masira ang image niya. Wow, hindi ko ini-expect na ganyan pala siyang tao pero hindi naman ako mapilit, no. Ako pa ba? Si Ellie lang naman ito.
"May gagawin pa pala ako." "Do you want some coffee?"
Halos sabay kaming magsalita. Wait... Tama ba iyong narinig ko? I want coffee daw? Eh ako na nga itong magpapaalam na lang sana para hindi niya na kailangang um-acting pero ano daw? Coffee?
"I'm really sorry. Hindi lang ako sanay na nakatayo dito. Maybe I'm just too paranoid but I can feel some people staring at me and if they see me with you- I mean, no offense, really. I would like to know you more too but people might take it differently. Just like what happened with your friend. I wouldn't want to cause another trouble-"
"Sure!" Napangiti naman ako. Kaya naman pala.
Shit, ang judgemental ko.
"I'm sorry about that one. I was the one who invited to have coffee but-"
"Ano ka ba, okay lang iyon." Madami kasi palang tao sa coffee shops. Wala din kaming matambayan sa loob ng mall kaya sa sasakyan niya na lang kami naghintay. Buti na lang at walking distance lang iyong sasakyan. Dito na lang namin napagdesisyonang maghintay. "Atsaka, 'wag ka nga sorry ng sorry kung hindi mo naman kasalanan."
"Nah, it's kind of my fault. I'm the only one who chose this path but people around me also get affected for something they didn't even sign up for. I'm sorry."
Napaka-insistent naman nito. Parang hindi naman ako iyong may utang dito.
"Is your friend- I mean Cass a good woman?"
"Oo naman no!" Agad na sagot ko. "A good woman, a good mother, a good person. The best, iyon. Bakit? Type mo?" I suddenly got intrigued. Naks naman, iba talaga. Sabi nga naman nila diba, when it rains, it pours. Pero teka, hindi ba mag-aaway ang magkapatid nito? Maganda si Cass at mabait pero ayaw nun ng gulo.
"No! I don't mean that." Agad na sagot niya, "It's just that... my brother is the best person out there and it would be nice to see him with someone... most preferably a good person."
"Bagay sila no?"
Napatawa na lang kami. Kinikilig tuloy ako kay Cass at Liam na nag-uusap somewhere. Ang paki-alamero din pala ni Nate. Mukhang magkakaintindihan naman pala kami nito.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...