26. How Fast The Night Changes

911 22 0
                                    

"Hindi ba masyadong sexy?"

Kinakabahan ako. Kinakabahan talaga ako. Kahit uhaw na uhaw ako, hindi ako uminom ng madaming tubig dahil baka maka-ihi ako nang hindi ko napapansin. Masisiraan na talaga ako ng ulo dito.

"Dapat kasi nag-long sleeve na lang ako."

"Ano ka ba girl. Okay naman iyong suot mo. Tamang clevage lang, at saka iyong slit bhe, magiging speechless si Bossing niyan."

Mukhang excited na excited si Ate Tia habang ako naman, mukhang natatae na. Malapit na kami at saka hindi ko alam kung magpe-peke ba ako ng LBM para umuwi na lang. Napatingin ako sa relo ko, may time pa para kunwari ay mahimatay. Baka mamaya, hindi na acting na mahimatay ako dahil sa sobrang kaba. Hindi naman ako madalas kabahan dahil pinapanindigan ko talagang confidently beautiful. I know I'm not perfect pero iyong point ko, confident ako palagi! Pero ngayon, parang akong kandilang dahan-dahang nauupos habang papalit sa bahay nila.

Marami naman sigurong tao doon, pwede namang mag blend-in lang pero tuwing sumasagi sa isip ko na present ang buong Herrera clan ay talagang... ewan ko na lang dai!

Mabuti sana kung may gagawin akong iba doon. Baka mag volunteer na lang ako mamaya na tumulong sa caterer o ano ba.

My hand found its way to the necklace Troy gave me. Baka naman may makuha akong powers dito kasi kailangan ko pa ng more confidence ngayon.

Kahit maluwag sa limousine kasama ang apat pa na empleyado ng kompanya kabilang si Ate Tia, feeling ko ay ang sikip-sikip. Chill na chill pa silang lahat habang umiinom ng champagne at excited na excited makapunta doon. Si Ate Tia naman, kanina pa kinikilig sa thought ng buffet na pangmayaman daw.

Nang makarating na kami ay nagunahan na silang bumaba pero iyong mga paa ko, parang gusto pang magstay sa sasakyan. Hindi ba pwedeng magpahatid na lang pauwi? Sabihin ko na lang kaya sa driver na taeng-tae na ako? Maniniwala naman siguro sila kasi lagi ko namang sinasabing may LBM ako. Iyon nga lang, baka isipin nilang may sakit na nga talaga akong totoo.

"Bhe, let's get ready to party na!" Sabi ni Ate Tia nang kami na lang dalawa ang naiwan.

Alanganin akong napatingin at saka umusog ng kaunti pero nahalata niya atang hindi ako komportable. "Enjoy mo lang. Isipin mo, andito lang tayo para maki-kain." She tried to encourage me pa na para bang hindi din nakakahiya iyong makikain kami.
"At saka, si Sir," bulong niya pa kaya naman napalingon agad ako sa kung saan siya nakatingin. "Naghihintay sa labas."

Nasa may pinto na si Ate Tia habang nakaharap naman ako sa kaniya. "Ay, good evening, Sir!" Sabi niya nang lumapit na si Troy sa may pinto.

"Good evening," bati din nito kay Ate Tia. "Why are you still here?"

Walang sinabi si Ate Tia pero tinuturo naman ako ng mga mata niya kaya naman napatingin si Troy sa direksyon ko. Parang nakapasok ang kalahati ng katawan niya.

"Hey," his voice was softer than earlier. Na-conscious ako bigla dahil andyan si Ate Tia pero medyo naging manhid naman na ako dahik sa kaba. "Let's go inside?"

He offered his hand at dahil ayaw kong ipahalata na kinakabahan ako, binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti at nag channel ng mataas na energy. Kumbaga, fake it 'til you make it. "Let's go!" I said with my Ellie cheerful energy.

"Your hand is cold." sabi niya. Napatingin naman ako kay Ate Tia na kunwari ay nakatingin sa labas pero kitang-kita ko namang nakatingin sa reflection at talagang sa amin siya nakatingin. Sinubukan kong mas higpigtan ang hawak sa kamay niya para i-remind siyang hindi namin solo ang sasakyan pero mukhang wala namang effect. "Are you nervous?"

"Let's go na kasi... Sir." I discreetly begged. "Baka naghihintay na iyong parents mo."

"Don't be nervous. I won't do anything you wouldn't want me to." Iyong mga mata niya ay parang hini-hypnotise ako na hindi ko alam at napatango na lang ako at parang gusto ko na lang din maniwala sa kaniya.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon