Sabi ni Ate Tia, may nanalo na pero bakit paulit-ulit na lang na pakiramdam ko, palagi na lang may talo?
Hindi naman ito ang unang naging relasyon ko. Ah, oo nga pala. Hindi pa nga pala namin napag-uusapan iyon. We could not even call what we have a relationship pero ganito na ang nararamdaman ko. Ganito na kami mag-away. Ganito na kami magselosan. Ganito na kami kagulo.
Hindi ko alam kung saan ako papunta pero naglakad ako palayo sa maraming tao. Specifically, malayo kay Troy at sa Amanda na iyon. Huwag naman sana akong gawing gaga sa harap nila mismo.
Mukhang bigla na lang naging malabo ang tingin ko at bago pa man ako maiyak dahil sa hindi ko alam na dahilan-sa sobrang galit ba o sa sobrang bwisit o sa sobrang selos, I wiped the tear away.
"Ellie!"
Narinig kong tawag niya sa akin pero imbes na lumingon ay mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi niya ako maabutan pero parang kahit anong takbo ko naman ay nakaabot pa rin siya sa akin.
"Doon ka na!" I said. Napangiwi ako sa hapdi ng sugat sa paa ko. Binalik ko nga pala ang straps ko kanina kaya naman mas sumakit pa iyong paa ko. Imbes na mabwisit ay hinayaan ko na lang ang sarili ko na ang sugat ko ang isipin at hindi sa taong nakasunod sa akin.
"Ellizabeth!" sigaw niya ulit. Mukhang mas malapit na siya dahil mas malakas na ang boses niya ngayon.
Hindi na ako sumagot at mas binilisan pa ang takbo ko pero napahinto din nang maabutan na ako ni Troy at talagang sa harapan ko pa tumigil para makatigil din ako sa paglalakad.
"Bumalik ka na doon," I said through my gritted teeth.
"Are you angry?" Mukhang hindi niya ako maintindihan. Pati sarili ko naman hindi ko maintindihan kung bakit parati na lang akong nago-overreact sa lahat na lang ng bagay but couldn't he take a hint this time? Wala kasi ako sa mood mag-explain at mas lalong wala ako sa mood makipag-usap sa kaniya. "Is this about Amelia?"
Amelia. Naririnig ko pa lang iyong pangalan ng babaeng iyon ay nag-iinit na ang ulo ko. I returned his gaze for a moment. Iyong tingin niya sa akin, parang binabasa ang emosyon ko pero ipinakita ko lang sa kaniyang galit ako. Matapos ng halos tatlong segundo ay iniwas ko na din ang tingin ko sa kaniya at plano ko na sanang umalis.
Leche, saan na ba kasi ako pupunta ngayon? Ni hindi ko nga alam anong sasakyan ko pero di bale na! May taxi naman siguro sa labas. Kung kailangan ko pang maglakad ng malayo, pwede naman akong maglakad ng naka-paa. Mas mabuti pa siguro iyon kaysa sa mag-away na naman kami dito. Ayaw ko pa namang mang-sira ng party.
"Is this about Amelia, Ellie?" he asked again. This time, softer pero hindi ako madadala ng ganyang tono niya ngayon. I can do better this time. We can both do better.
"Doon ka na sa dating jowa mong halata namang may gusto pa rin sa iyo. Akala ko ba ikakasal na iyon? Hindi ba ako na-inform na sa iyo niya pala balak magpakasal!"
Napakunot ang noo niya na parang pati sinasabi ko ay hindi niya din maintindihan, "What are you even talking about?"
"Hindi ko na alam anong sinasabi ko. Ikaw? Hindi mo na din ba nakikita iyong sinasabi ng mga mata ng babaeng iyon? Kulang na lang ay halikan ka na doon. Mukhang okay naman sa iyo. Sabihin mo lang kung tapos na itong... kung ano man etong meron tayo para naman makapaghanda ako."
"I don't know what your are talking about, Ellie. The woman just approached me to say hi and we just had a conversation. Can we just not make a big deal out of this... please." Unlike me, mas kalma pa si Troy ngayon pero naririnig ko na ang pagod sa boses niya. He sounded like there's no even need for him to explain.
Sabihin na nating totoo ang sinasabi niya. He's not the type to cheat, alam ko iyon. Katulad ng alam ko kung paano niya iniwan ang ilan sa naka-relasyon niya para kay Amelia. Kahit nung nasa Italya nga kami, nagawa niya akong iwan para sa babaeng iyon. Tapos ngayon, andito pa siya? Sa tingin ko, hindi naman siya andito para maki-party lang. Hindi ko man siya gaanong kilala, kitang-kita ko naman kung paano niya tingnan si Troy. I can almost feel her determination. Maybe I'm overthinking pero alam kong may rason ako para isipin lahat ng ito. This has happened a little too much to just say I'm overreacting.
"Why are you even acting jealous of her?"
"Bakit? Hindi ba pwede?" Biglang gusto ko na lang umiyak ngayon. Napaka-OA ko talaga pero iyong mga matagal ko nang iniisip, sabay-sabay atang inaatake iyong isip ko. "Hindi ba ako pwedeng magselos? Bakit? Kasi hindi naman talaga tayo?"
"What are you-"
"We never talked about this. Ayaw ko naman talaga itong i-bring up eh pero kasi naman, pagod na akong kinakain ng insecurity ko. Pati nga magselos ay feeling ko bawal kasi hindi naman talaga natin napag-usapan kung ano ba talaga tayo. Ano ba? Ano ba talaga tayo?" My voice cracked at the end at isa-isa na ding tumutulo iyong mga luha sa mata ko.
This isn't just about Amelia anymore. This is about us having petty fights over and over again. Dahil din sa pagiging komplikado ng arrangement namin. Napakahirap i-imagine kung saan kami papunta o may pupuntahan pa ba kami.
"Is this about not having a label?" Tanong niya ulit na parang nakukuha na ang biglang outburst ko. Na hindi lang ito tungkol sa ex niya.
I feel so bad na ngayon ko pa talaga napiling mag-emote. Hindi ko na kasi mapigilan. It was sudden as well as it isn't. Parang cycle lang na paulit-ulit at alam ko na dito din papunta.
"You know I just fuck up relationships, Ellie..." Ayan, mukhang wala pala talaga siyang planong lagyan kami ng label. Wala naman pala itong pupuntahan.
I nodded.
Hinawakan niya ang mukha ko and lifted my face so I could look at him eye to eye, "What we have, do we really need to put a label on this? Every time I'm in a relationship with someone, things always go wrong. I don't want us to be the same. Aren't we fine... just the way things are?"
Gusto ko na lang tumawa sa sobrang hiya sa sarili ko. Mabuti naman at dumating na din ang araw na napag-usapan namin ito para marinig ko mula sa bibig niya mismo na wala naman pala kaming pupuntahan. We're just... at the moment. He never thought of what we could be kasi wala nga kaming pupuntahan. Iba nga ako sa lahat ng mga naging kasama niya kasi ako, ni hindi nga ako pwedeng jowain.
"Ayaw kong paulit-ulit itong pag-awayan." I said firmly.
"And so do I."
"Ayaw kong paulit-ulit na magselos habang hinahanap iyong lugar ko na hindi ko saan o kung mayroon man."
He sighed, "Amanda and I, we're over. I didn't even know-"
"You don't need to explain," singit ko. "Hindi mo naman ako jowa."
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...