19. For her

896 21 2
                                    


What is the
best thing to do when you need a distraction?

Date. Gusto ko sana i-distract ang sarili ko date pero kung ang distraction naman ay iyong ide-date ko, mabuti pang magtrabaho na lang kaya naman halos hindi na ako lumalayo sa trabaho. Wala nang working hours-working hours.

I know this is not healthy pero nako naman, may tama pa ba akong ginagawa sa buhay ko? Hindi pa nakakautulong na wala pang sinasabi si Troy sa akin. Nag-uusap naman kami pero hindi pa rin niya ako binibigyan ng sagot... na walang magandang naidudulot sa self-esteem ko. Alam kong busy siya pero kasi naman, kahit isang oras lang, hindi niya ba kayang ibigay sa akin?

"Jeremy, you're still young, sweetie. You're Mimi and Tita Ellie's baby... forever."

Nginitian ko ang pinaka-gwapo kong inaanak. Napaka-cute talaga na bata! Lalo na pag ganitong nagfi-feeling matanda. Dito kasi ako nag-stay kina Cass para libre pagkain, charot. Syempre, mas masaya pag may kasama. Wala pa man sa plano kong magka-anak o magka-pamilya, feeling ko ay mayroon naman ako nun pag andito ako kasama sila.

"But I try not to make a mess and I fix my own toys. The teacher said that's what big boys do."

Napakatalino talaga ng batang ito. Manang-mana sa nanay.

"Opo." sagot naman ni Cassidy.

Naramdaman kong nag-vibrate at ring ang phone ko pero dahil kumakain pa kami, hindi ko iyon pinansin. Then, another vibrate after another. Tangina naman, para namang may dala akong vibrator neto. Hindi ko na napigilan kaya sinilip ko na.

Elaine: Te, di ba si Ate Cass 'to?

Elaine: Te, paki-tanong naman kung kilala niya ba si Nate.

Elaine: Huhu, ang gwapo.

Elaine: Dapat ganito jino-jowa mo.

Elaine: Keep up naman, sis.

Elaine: Pssst.

Elaine: Nature with Nate, tingnan mo.

Nang tingnan ko si Cassidy ay walang kaide-ideyang kumakain pa ang gaga. I clicked the link that Elaine sent me at dumiretso naman ito sa article na sigurado akong si Cass ang babae. Kailan pa nagkaroon ng jowa ang babaeng ito? At talagang sikat na tao pa talaga? Gwapo naman iyong lalake. Mestiso at matipuno ang katawan pero maamo ang mukha. Naks, nagbago na palang type ng bestfriend ko? Ayaw na niya iyong mga mukhang mabait pero may maitim na budhi pala?

"Tita Ellie, eating is for eating time and phone is for texting time!"

"Okay baby, I'm sorry." Napa-sorry na lang tuloy ako kay Jeremy. Napakalaking kasalanan pa naman maging bad influence pero hindi ko kasi mapigilan. "What the fuck Cass?" I mouthed pero gusto kong isigaw, loud and proud.

"So, good morning everyone. Last night wasn't the best night of my life I have to say because of the weather but here I am, looking at this beautiful sunrise and smelling this native coffee my neighbor gave me earlier, shout out to you Mang Pedro and Aling Sita. You guys are the best.

Earlier, I had this time to... think. We think all the time, of course, stupid me. But I had the time to hear those thoughts and really listen and it was almost like- like uhm, like a life-changing moment. It doesn't have to be a big moment, you know.

I've been working in the corporate world for years, immediately after I graduated and- I just lost track... of myself, of my goals, of what I really wanted in life. I felt like I was told what I should want and that I have these sets of milestones to become someone... great?

Ambitious is a word that would describe me before. I felt like I had to make every moment great. That I need to do great things before I die but wow, look at this one heck of a view! I have this picturesque scenery behind me while I drink coffee and it's a priceless sight I'm seeing for free!

I am not telling you to quit your job and live in a- you know, province or a remote area or somewhere far. I want you however to just pause for a moment, observe the little things outside.

See those birds? Look at them for a moment. See how they interact. Or if you're the type to say 'That's so boring, Nate.' Well, look at that flower or just the skies. Just try to breathe. I won't tell you to find something because- because I want you to be surprised with the things that you would see, from your window, from your imagination, from nature.

We work all day and all night. Being restless has become normal. So just for a moment, if you can't go outside, close your eyes and imagine these beautiful mountains. Imagine yourself in a lake having a picnic with friends or reading a book alone. Imagine these wildflowers growing meters away from the waterfalls. There are no rules really. You get to make your own definition of a piece of peace.

How does it feel like? Peaceful? I thought so too."

Relaxing... Mukhang nakalimutan ko na ata ang salitang iyon. Matagal ko na atang hindi nararamdaman iyon. Napangiti ako habang nakatingin sa view sa likod niya. Parang gusto kong mag-inhale din at amuyin ang kapeng iniinom niya o langhapin ang sariwang hangin.

Hindi ako madalas mag youtube at mas lalong hindi ako nakakatapos ng kahit an anong mas mahaba pa sa five minutes pero heto ako ngayon, nakangiting nag-iimagine na ano bang feeling pag andyan din ako?

Hindi ko napansing na-stalk ko na pala ang taong ito. Nakaka-amaze. Nakakapanibago na makakita ng ganitong lifestyle. I'm so used with my 9 to 5. Minsan, pati nga sa panaginip ko ay dinadalaw ako ng trabaho. Halos pangarap na lang iyong makalanghap ng sariwang hangin.

Palagi kasi akong nagmamadali; sa deadlines, sa mga projects, sa mga gagawin. My world revolves around work pero etong si Nate, bakit parang... parang ang peaceful ng buhay niya? May isang video nga siya na walang salita, walang background music. Pinakita niya lang na nagkakape siya, tapos nag-harvest ng gulay mula sa isang garden tapos niluto niya at nag-dinner. Sumama siya doon sa lalakeng mukhang may farm ata at saka nagpakain ng mga manok at bibe.

Napansin kong may bagong upload siya na video. Ang title nun ay, For her. Ako naman ang gaga, naintriga. Minsan na nga lang ako nagkaka-interes sa celebrity, kahit hindi ko naman sigurado kung ganun nga siya kasi ang normal naman ng buhay na pinapakita niya.

Unlike his previous videos, naka-upo lang siya sa harap ng camera. Mukhang may background sound ng dagat. Tapos nag-explain lang siya ng issue. Nag-sorry siya tapos palagi niyang inuulit na hindi niya talaga kilala iyong babae, na alam kong si Cass. Mukhang nakikipag-usap siya kay Cass sa video kasi sorry siya ng sorry na nadadamay siya sa kaniya kahit nagkasabay lang naman talaga daw silang kumain. Mukhang takot siyang ma-bash si Cassidy.

For you. Nakasulat sa last part ng video. Naki-usap siya na sana respetuhin naman ng mga tao ang privacy ng taong nasa paligid niya kasi di naman daw nila piniling sumikat. Sana daw hindi magpadalos-dalos sa desisyon. He really sounds so convincing na kahit hindi naman niya sinabi ay nag thumbs up na ako sa video at nag-subscribe na din sa channel niya.

Sino ba itong taong 'to? Bakit parang ang... ang peaceful niya?


When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon