18. He Knows

990 22 1
                                    

On pause na naman ang usapan.

I realized how undecisive Troy can be. Palagi niyang alam kung ano ang gagawin sa trabaho at palagi siyang naghahanap ng paraan kung may mga pagkakataon mang hindi niya alam ang gagawin.

Okay lang naman sa akin... sa ngayon. Tanggap ko na hindi pa namin nilalagyan ng label. Mukhang gugulo lang din naman kung magiging official girlfriend niya na ako pagdating sa trabaho. Mahal ko ang trabaho ko pero hindi maipagkakailang mas mahal niya ang trabaho niya. Again, I understand. Hindi naman ako nagde-demand. Marunong naman ako maghintay. Sa ngayon nga lang kasi, ginagawa ko ang lahat para ma-meet siya half-way. Baka naman pwedeng siya din. Okay lang maglakad pero baka naman pwede medyo bilisan kasi ako, tumatakbo na. I am ready to give up my job level na katangahan. It's a leap of faith na hindi ko inaakalang kaya ko palang gawin pero kinaya ko at kinaya kong i-offer iyon dahil gusto ko, dahil gusto ko siya.

Pansin kong iniiwasan niya ako sa opisina. Walang sobra at kulang sa mga sinasabi niya. Napakahirap tuloy basahin, sumasakit ang ulo ko. Kung hindi niya alam ang gagawin niya, mas lalong hindi ko na din alam ang gagawin ko hangga't hindi ko naririnig ang desisyon niya. Kaya naman bago ako umuwi, ay may iniwan ako sa table niya nung masiguro kong wala siya. Ayaw kong huminto sa trabaho pero sana naman, tanggapin niya ang resignation letter ko.


Medyo balisa at distracted ako habang kasama si Cass at Jeremy pero hindi ko pinahalata. Ini-enjoy kong kasama ang dalawang ito. We are also like this small family. Napapangiti na lang ako pag nakikita kong masaya iyong inaanak ko. Minsan pinipigilan kong maging spoiler ni Cass pero pareho naman kaming nangi-ispoil in the end.

Mukhang bumalik ang buong atensyon ko sa kasalukuyan nang hindi namin mahanap si Jeremy. Nagsisimula nang magpanic si Cass at kahit ako man din pero laking gulat ko na lang nang mahanap ang bata... at ang kasama nito.

"Troy!"

Halos hindi ako makagalaw nang makitang kasama ni Troy si Jeremy. Itong cute na cute kong inaanak, bigla-bigla na lang nawawala tapos heto na ngayon sa harap namin ni Cass, kasama pa talaga si Troy. Si Troy, si Troy na walang malay!

Bakit ba andito tong lalakeng ito dito? Eh, wala naman akong nakikitang bahid ng kabataan sa condo niya. Halos sumabog na ang utak ko kakaisip sino ang uunahin. Iyong inaanak ko na walang malay pero baka magka-instant Tito na with the look of both Cass and Troy's face? Kay Cass na mukhang gusto nang tumakbo pauwi at hindi na bumalik kahit kailan? O kay Troy na hindi maalis-alis ang tingin kay Jeremy?

"Tita Ellie, you know him?"

Bigla na lang sumagi sa isip ko si Jake kahit na wala naman akong pakealam sa pesteng iyon but this time, I have to care. Andito kasi siya at alam ko kung gaano katakot si Cass na malaman niya ang tungkol kay Jeremy.

"He... He looks just like him," sabi pa ni Troy habang nakatitig sa bata. Jeremy is so clueless, just wondering sino ba itong taong nakatitig sa kaniya na ngayon lang niya nakita.

"Please," Halos hirap na sabi ni Cass.

Ramdam ko na kailangan kong umaksyon agad. Isip, Ellie. Hindi ko man alam kung papaano, ready ako na kausapin si Troy. Bahala na nga. Iiyak at luluhod ako sa harap niya. Kahit ano, gagawin ko hindi lang ito makaabot kay Jake. I love Jeremy like my own kid too. Hindi ko man alam anong feeling na may anak, dati pa man, overprotective na ako sa bata and I'll do what I have to just to keep his life quiet too.

Kaya naman nung sinabi ko kay Cass na ako na ang bahala kay Troy at pagkatiwalaan niya ako, I'm really ready to do everything for Jeremy.


When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon