3. Let Go

1.6K 35 3
                                    

Alas-singko pa ng umaga pero gising na gising na ako, naka-pag jogging na nga ako ng ilang kilometro.

Hindi naman ito kasali sa daily routine ko pero hindi ako makatulog ng maayos kakaisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Sa tingin ko sasabog na ang utak ko!

"Cass, may kilala ka ba?"

"Ha?" Halos magkasalubong na ang kilay nito sa bigla kong pagtanong. "Syempre, meron. Marami akong kilala. What type of question is that, Ellie?"

"Huwag ka ngang tumawa! Seryoso nga kasi ako. Baka may kilala kang pwede i-reto sa akin. Game ako for dates, next weekend! Agad-agad!"

Nagkasalubong ulit ang mga kila niya. Ganyan ba ako ka-weird today na baka ako pa ang maging dahilan kung bakit magkaka-wrinkles itong kaibigan ko? "Are you okay, Ellie? Akala ko, wala kang plano makipag-date dahil sa pagiging sobrang workaholic mo. Ilang buwan ka na rin hindi naghahanap ng ka-date. What's with this sudden... eagerness?"

"Cass!" I cried and hugged myself. Sobrang tagal ko nang walang jowa. Ilang taon na. Akala ko okay lang sa akin pero baka dahil sa mga frustrations kong hindi ko na napapansin dahil sa sobrang trabaho ay nadedevelop iyon in the form of pagnanasa sa kung sinu-sino man.

Hindi ko pwedeng pagnasaan ang kung sinu-sino lang. Step one and only step iyon ng self-destruction. Marami akong gustong gawin at hindi pa sapat ang ipon ko para mag-entertain ng mga thoughts na baka ay maka-apekto sa trabaho ko. Hindi pwede!

"Kailangan ko na ata ng ka-MOMOL, Cassidy. Parang nararamdaman ko na ang signs of dry spell."

Amused na amused siyang nakatingin sa akin. "Nakikita ko na din ata, Ellie." Mahina lang siyang napatawa. "What's with the sudden craving for human touch?"

"Hindi ko alam. Feeling ko may mga bagay akong nafi-feel na hindi naman dapat. Kilala mo naman ako, hindi ako nagde-deny ng feelings. Sinisigaw ko pa nga."

"Yes, I know that well." Pigil tawa niyang sabi.

Tiningnan ko lang siya ng masama at nagpatuloy sa pagda-drama. "Pero ngayon, hindi kasi dapat. Wrong in so many levels."

I sound like I'm panicking and I think I really am. Hindi ako makatulog kakaisip, kaka-recall ng mga ala-ala. Para bang ine-edit ko ang sarili kong memory at nilalagyan ng malisya ang mga bagay na hindi naman dapat. Kulang na lang ay lagyan ko ng background music at i-slow mo ang mga scenes. Bigla ako naging captain ng ship na ako mismo ang sakay.

How am I seeing the same normal things differently? May topak na nga siguro ako.

Kasalanan 'to ni Manang, eh. Kaya siguro talaga dapat may day-off. Hindi ko kailangan ng break pero mukhang naniningil na ang katawan at isipan ko.

"Is he from work?"

"Ha?" Muntikan na akong masamid sa iniinom kong tubig. I slapped my chest habang umuubo, "Bakit mo naman nasabi iyan? May ebidensya ka ba? Ha?"

Defensive, Ellie. You sound so fucking defensive.

"Wala ka namang ibang pinagkaka-abalahan. Alam ko na tuwing free time mo, sa akin ka pumupunta. Where else would you meet guys?"

Madaldal ako. Minsan, sobra pero nung panahon na iyon, pinigilan ko ang sarili kong magsalita o magkwento dahil baka sa huli ay pagsisihan ko.

Hindi ako takot magsalita pero ngayon, oo. Baka kasi pag lumabas sa bibig ko ay maging totoo.

Second, Troy is Jake's friend. Jake is Cass' ex-boyfriend, ex-fiance, and almost-husband. Wala namang sinabi sa akin si Cass pero sa isip ko, naka-program na na lahat ng may konekta sa ex-fiance niya ay hindi dapat ma-mention sa harap niya mismo.

Hay, ano ba ito. Isang example ng maliit na problemang hindi dapat pinapalaki. Kung walang solusyon, dapat hindi pinoproblema. I just shrugged these thoughts off. Di bale, pagbalik namin mula Italy, ilalagay ko na sa priority list in life ko ang maghanap ng ka-holding hands.

"Baka sadyang horny lang ako these days." I faked a laugh.

Days passed at hindi ko na napansing araw na pala ng alis ko. Syempre, hindi mawawala ang mga ka-officemates na 'Uy souveneir, ha.'. Di bale, maghahanap ako ng keychain o kung wala na talagang budget, kukuha na lang ako ng tubig sa Grand Canal. Ayan, solve na.

Pero iyong problema ko, hindi pa. Sana nga nasa utak ko lang ito. Nag-install na nga ako ng Tinder, at saka sinet-up ko na din ang profile ko. Pag nagkafree time ako pagdating, magsa-swipe right lang ako ng swipe right hanggang sa mahanap ko na si Mr. Right At The Moment, iyong taong kailangan pero hindi pangmatagalan. Naks, gumagaling na ata ako sa ganito eh ilang buwan na nga ako walang ka-date. Ibig sabihin, mentally prepared na ako at ang buong katawan ko.

Distraction lang iyang si Troy. Hindi ko na din iyan mapapansin pag makakakita na ako ng ibang lalake. Siya lang din naman kasi ang closest na pwede kong pagka-interesan. Physically speaking, at least. Hindi ko naman talaga kasi siya type pero mukhang pag gutom, talagang masarap lahay ng putahe kahit ano pa iyan.

Ano ba itong pinag-iisip ko. Lakas maka-overthink ngayon. Kaya minsan, nagiging less productive ako, eh. Nag-iisip ng mga hindi dapat. Nagkaka-interes sa mga hindi dapat.

Una na akong pumunta sa airport. Usually, sabay kami pero hindi na ako nagpasundo this time. Hala sige, deny lang deny. Mukhang may gustong patunayan.

Sinadya kong maging mas maaga kaysa sa oras na sinabi namin. Hindi naman contest pero gusto kong well-composed at nakapag-meditate na ako bago siya dumating.

Inhale, exhale.

Inhale, exhale.

May makaka-date kaya akong foreigner? Sana pala nag shopping ako ng mga bagong attire at saka nag-aral ng mga Italian words. Paano ba iyan eh mukhang Ciao lang alam ko

"Let's go?" sabi ni Bossing habang nagre-ready sa airport pero bakit iba narinigg ko? 

Sabi niya ba Let go?

'Di pwede! 

Putang-inang let go.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon