Ang bilis ng panahon.
Dalawang buwan na pala ang lumipas mula nung mawala na si Jeremy. Naiiyak pa rin ako tuwing naalala ko iyong paborito kong pamangkin. Nakakamiss kasi iyong pagtawag niya sa akin ng Tita pati na din ang pagreklamo niya na napakadaldal ko raw.
"Kamusta ka na?" Tanong ko kay Cass. Hindi kasi kami gaanong nag-usap nitong nakaraan at naiintidihan ko naman. I'm giving her space to grieve kasi lahat naman kami ay di masukat-sukat ang lungkot
Napangiti siya kaunti, "Okay lang. Malungkot pa rin pero okay lang. It was sudden but when I think about it, he didn't have to suffer too much. Maybe Jeremy was spared of that pain."
Tumango naman ako, "Naiisip ko din minsan. Sabi mo nga, masayang-masaya pa siya sa huling gabi niya."
"We were together as a family..."
"Ellie-" "Cass-"
Napatawa kaming sabay. "Ikaw na mauna. Iba talaga pag mag bestfriends. Naks."
"Jake and I are back together."
I smiled sincerely. Totoo na talaga. Nakita ko kung paanong hindi umalis si Jake nung higit na kailangan siya ni Cass. Kahit hindi naman siya sa akin may kasalanan, pinatawad ko na din siya para sa ginawa niya sa kaibigan ko.
Alam kong magiging masaya sila kaya no objections na ako.
"Wala kang sasabihin?"
"Uhm..." Dumating na iyong order naming pagkain tsaka kape. Nagpasalamat kami sa waiter. "I'm really happy for you. Iyon lang."
Ngumiti lang si Cass tsaka tumango. Ininom ko naman ang kape ko. Napatingin si Cass doon kaya naman kahit naguluhan ako kasi may kape din naman siya ay in-offer ko na lang.
Baka naa-adik na sa kape si Cassidy. Wa-warningan ko na lang mamaya pero io-offer ko na lang itong sa akin muna, "Gusto mo?"
"I'm not staring at the coffee, Ellie." ang laki pa ng ngiti niya, "I'm freaking staring at the ring on your finger."
"Ay, kaloka!" Halos mapaso ako sa iniinom ko. Muntik ko pang mabitawan ang kapeng iniinom ko. Shit! Bakit nakalimutan kong ihubad iyong singsing? Talagang hindi ko naman ito sinusuot pag nagkikita kami ni Cass, gusto ko kasing masabi ko muna sakaniya o makwento sa kaniya ang current relationship status ko bago ako mag-official announcement para hindi naman masyadong, Surprise! I'm getting married agad-agad!
Pero well, heto na kami.
"You don't wear rings, Ellie. You especially don't wear that kind of ring." Parang bigla na lang nag-iba ang mood niya. Parang gusto ko tuloy maiyak na masaya si Cass para sa akin.
I pouted, nagi-guilty na hindi man lang ako nagshe-share sa kaniya. Life is just too much at saka hindi ko din mahanap-hanap ang timing para masabi lahat ng ito, "Sorry," sabi ko na lang. "Sasabihin ko naman talaga pero hindi ko lang talaga alam kailan at paano sisimulan."
Napatawa lang si Cass at saka kinuha ang kamay ko. Tiningnan ng mabuti ang singsing, "Troy got some taste."
"Syempre naman. Magugustuhan niya ba ako kung pangit ang taste niya?"
"Baliw."
We laughed like the old times. Hay, sa hinaba-hiba ng prosisyon, sa dalawang mokong na iyon lang pala kami mapupunta.
'Punta ka dito please. Emergency lang talaga.'
Napakunot ang noo ko habang binabasa ang message sa akin ni Ate Tia.
Emergency? Troy has been so busy all week pero mukhang usual stress lang naman.
"Troy?" Itinaas niya ang kilay niya, naghihintay sa itatanong ko. I examined his face. Mukhang wala naman talaga siyang problema. "Is everything okay at work?"
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...