Wala akong masabi dahil wala akong maisip dahil hindi ko alam anong iisipin ko dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinasabi niya. Si Ellie ako. Hindi ako nauubusan ng sasabihin.
Nang umalis na ang Mommy ni Troy, hindi maalis-alis ang tingin ko sa orasan kakahintay ng uwian. Noon, di ko napapansin ang oras pero ngayon, feeling naka slow-motion ang lahat.
Wala naman kasi dapat akong pakealam. Eh, ano ba ang bago diba? Matagal naman na talaga silang wala. Matagal naman na talaga silang hindi nagkita, I mean, before Italy. Hindi naman nakakagulat iyong sinabi niya pero the way kasi ng pagkakasabi niya, nakaka... ano ba... nakaka-melt? Iyong parang gusto kong magfollow up question pero umurong ata ang dila ko to the point na nakalimutan kong andyan lang ang Mommy niya.
Timing naman na may nag-message sa akin. Turns out it was Cass. Nothing urgent naman, nagtanong lang kung available ba ako kasi marami daw siyang lulutuin mamaya. Pinalabas ko na lang bigla iyong Oscars level acting ko at nagkunwaring may emergency at may kailangan akong tawagan kaya heto ako ngayon, sa CR ng babae para siguradong hindi masundan.
Napasandal ako sa walls habang napahawak sa dibdib ko. Kung makatibok naman oh, parang high school student lang! Para namang pinagkaitan ng puberty stage eh grabe nga lumandi noong high school.
Inhale, exhale.
Inhale, exhale.
Wow, slightly working na siya.
Inhale, exhale.
Nang medyo nag-calm down na ako ay bumalik na ako sa cubicle ko at hindi na doon sa conference room. Bibigyan ko lang ng space sina Queen Mother at Boss at higit sa lahat, bibigyan ko muna ng space ang sarili ko.
Grabe baka kailangan ng ayusin ang ventilation sa CR. Pinagpapawisan ako kahit malamig dapat.
"Okay ka lang, bhe?"
Ngumiti ako kay Ate Tia, "Natatae, ate." Sabi ko na lang para wala nang follow-up questions imbes na sabihin kong kinakabahan ako sa sinabi ni Troy habang kasama namin si Queen Mother na pinag-uusapan ang ex niya. Too complicated. Pag tae ang dahilan, wala nang follow-up questions.
Galing ko talaga. Kaya dapat di ina-underestimate powers ng mga tulad kong hindi takot magsalita eh.
Ate Tia nodded na para bang naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Halos matawa naman ako sa pinaggagawa ko. Sorry Ate, pero totoo namang hindi maganda feeling ko at saka hindi okay iyong organ ko, hindi nga lang digestive system. "Siguro hindi ka talaga komportable na kasama kumail si Queen Mother. Bakit? Hindi ba maganda ang review this month?"
"Slight." Sabi ko na lang para mapa-ikli ang usapan. Totoo naman iyong slight pero baka magpatong-patong iyong mga kasinungalingan ko at sa huli ay singilin ako. Naku naman. Wala akong pambayad. "Pero okay na, nakaalis naman ako. Hehe."
"Pero nasira naman tiyan mo. Alam mo, dapat mag early out ka na lang ngayon. Pagbibigyan ka ni Sir for sure."
"Okay lang, Ate. Kailangan ko lang siguro bumalik sa CR one last time."
"Is everything okay?"
Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Troy sa likod ko kasi nakaharap ako kay Ate Tia kaya hindi ko siya makita ng face to face. At saka, mas pinili ko talagang hindi siya lingunin kasi baka magkatotoo iyong sakit ko sa tiyan pag hinarap ko 'to.
"Yes, Sir!" energetic kong sagot pero hindi pa rin lumilingon sa kaniya. Ate Tia eyed me na para bang sinasabi niya na sabihin ko na lang kay Bossing na masakit tiyan ko at kung pwede bang umuwi na lang ako. Syempre hindi ko gagawin iyon! Wala naman akong ibang kinain kundi iyong luto ng nanay niya baka naman ano pang sabihin niya pag sinabi ko iyon.
"Sabihin mo na." bulong ni Ate sa akin.
I signaled her to not tell him anything... anything! Pero inikot niya ang swivel chair at iniharap pa ako kay Troy na nag-aalalang nakatingin sa akin. Baka anong iniisip nito, sabihin pang assuming ako o ano! Hindi kaya! Okay fine, slight lang. Ikaw naman kasi titigan ng malalim ng lalakeng hinubaran mo, ewan ko na lang.
"Okay na po." I smiled at him, trying na paalisin siya. Bakit ba naman kasi 'to tumatambay dito tapos nangungumusta pa. Sus, office hours na. Bad example si Sir. "Okay na lahat." I added to convince him. I tried to give him the look he gave me earlier. Hindi ko alam kung nag-aasume na naman ba ako o talagang feeling ko nagbabasahan kami ng isip. Kung sa side ko lang pala iyon, ha! Katangahan, Castillo.
"Not feeling well kasi si Ellie, Sir. Baka pwedeng-"
"Okay na ako, Ate. Promise." Tinaas ko pa ang kamay ko. Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatunayang okay lang ako? Tumambling sa harap nila? Okay lang din pero baka akalain naman nilang hindi na ako nakakapag-isip ng maayos which is, by now, half-true.
I just sighed in the end. Di ko na alam saan papunta 'tong usapang ito. Masakit na iyong ulo ko kakaisip kung paano ko iko-connect iyong sudden emergency sa text atsaka iyong natatae ako. Ano ba iyan. Hindi talaga ako pang-sinungaling.
"Let me just drive you home, then."
"Hindi, Sir! Huwag na. Ano ba iyan. Nakakahiya naman. Kaya ko namang mag-drive pauwi." O maglakad o kahit gumulong na lang makaalis lang dito.
"Ellie-"
"Sir, mas mabuti nga iyon. Mukhang hindi kasi talaga siya okay. Kanina pa siya pinagpapawisan tsaka ano oh-" hinawakan bigla ni Ate Tia ang kamay ko, "Ang lamig ng kamay niya!"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa pinagsasabi ni Ate Tia. Parang ano naman sinabi ko, sabi ko lang naman natatae ako! Para namang ini-imply niya na delikado na ang kondition ko. Baka nga ikamatay ko itong usapang ito.
"I'll just get my keys. You, just stay there... please"
Stay here. Talaga lang kasi hindi ako makagalaw ng maayos, kahit mag-isip nga ng maayos, di ko magawa!
Walang nagsasalita habang papunta kami sa pinag-parkingan ng kotse niya. Nauna pa nga ako kay Troy. Di ko naman siya kailangang sundan kasi alam ko naman kung saan siya palaging nagpa-park. Nang marating namin ang kotse niya ay pagkatapos niyang i-unlock ay pumasok na ako agad at umupo sa passenger's seat. Palagi ko naman itong ginagawa, hindi ko naman kailangang pagbuksan pa ng pinto.
Nang makapasok na din siya sa loob ay saka na ko nag-seat belt. He sat in the driver's seat at pina-andar ang makina. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng aircon. Baka magkatotoo na nga iyong sinabi ni Ate Tia na lumamig ng masyado ang kamay ko.
Usually, ako na ang nag-aadjust ng temperature pero ngayon, hinayaan ko na lang ang sarili kong ma-distract sa lamig para naman iba na lang iyong isipin ko at hindi iyong kami lang dalawa nag magkasama dito. Para hindi ko na lang isipin iyong amoy ng perfume niya na naamoy ko din sa sasakyan. Para hindi ko na lang isipin na abot-kamay lang siya, literally.
"I think we need to talk."
Hindi ako sumagot kahit na palagi akong may something to say.
"I meant-"
I don't know what's gotten into me. Bago pa man siya makapagsalita, tinanggal ko na iyong seatbelt at inilapit ang sarili ko sa kaniya para halikan siya.
Hindi na nga siguro ako nag-iisip.
It was just a soft kiss. Talagang pinagtagpo ko lang ang mga labi namin, ni hindi man lang ako gumalaw at ganoon din siya. I got the sense na baka by this point, pinagpipilitan ko lang ang sarili ko kay Troy na kahit kailan naman ay di ko naisip kahit na kanina.
Dahan-dahan ko nang inilayo ang sarili ko habang pilit na gumigising sa katotohanang nasa harap ko lang. Ellie naman, ganyan ka na ba talaga ka-repressed?
Before I could go back to my seat at tuluyan nang umalis dito sa sasakyan at baka kung pwede na rin ay sa planetang Earth, he leaned his forehead on mine kaya naman halos lumuwa na ang mga mata ko nang sabihin niyang, "I'm sorry. Please, bati na tayo."
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...