9. Fight and Make up

1.3K 29 3
                                    

"Nag-away ba tayo?"

Bumalik ako sa upuan ko at kunwari ay hindi sabik sa halik ni Herrera kahit na iyong totoo, gusto ko na lang umupo sa lap niya habang pinag-usapan ang away namin. Oh my gulay, bakit ba ang cute niya nung nagsalita siya. Biglang nawala iyong image niya sa utak ko at nakalimutan kong boss ko siya. Ay, hala. Akala ko kasi... boyfriend ko?

"We didn't?"

"Slight lang."

He smiled and I tried not to kiss him again.

Iyong totoo nga, how can someone change that easily? O baka sa mata ko lang nagbago tulad ng mga scenes sa movies at series na mukhang normal lang naman pero pag ginawan ng fan edit, biglang bam! Instant short romance film. Anak ng nanay ko, normal pa ba itong pinaggagawa ko sa buhay ko?

Hindi naman talaga kami masyadong madaldal sa isa't isa pero ngayon, parang may iba kahit na the usual na tahimik lang naman. I caught him trying to stop himself from smiling habang nagda-drive sa peripheral vision ko.

Buti na lang sinabi ko kay Ate Tia na natatae ako kasi kung hindi, baka cold war na lang kami forever. Ngayon, nag-aapoy na kami sa tensyon. Ha! Di ko na alam saan papunta ang train of thoughts ko. Buti na lang talaga, hindi naririnig ng iba ang bulong ng isip.

Halos wala na akong ibang marinig nang hawakan niya ang kamay ko. O baka naman timing lang at saktong paghawak niya ay sa kamay ko nag-land? Paano ba i-balance ang pagiging assuming at dense? Paglingon ko ay hindi man lang siya nakatingin sa direksyon ko at diretso lang tingin sa daan. Napababa ulit ang mata ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, he slightly tightened his grip. Hindi nga aksidente, gusto niya talaga ng piece of this. Ako naman, hindi pa rin nakakarecover na natupad na ang pinapangarap kong magkaroon ng ka-holding hands pagkatapos ng matagal na panahon.

"I should've done this when we were in Venice." Sabi nito. Bakit siya na lang palagi nagi-initiate ng usapan ngayon? Ayan tuloy, palagi akong speechless. "But you-"

"Nagpagulong-gulong sa stairs?" was the thing that came out of my mouth. Seriously, though. Feeling ko, naging closer kami nang mangyari iyon. Hindi advisable na magpakatanga sa harap ng crush but well... it fucking worked for me.

"But you were too busy admiring the view." Pagpapatuloy nito pero nagpipigil naman ng tawa na akala mo'y fresh na fresh pa sa memory niya ang kahihiyan kong iyon. Edi, okay. "I'm glad you did. I knew you would love Venice."

Napangiti ako pero muntik ko ulit naalala ang mga ginawa niya doon. It is a bitter-sweet memory. Iyong pag naalala ako di ko alam kung kikiligin ako o magseselos o sasampalin ko ang sarili ko dahil hindi nga naman kami. Ako lang naman talaga iyong willing na willing at voluntary na nakipaglandian.

"What are you thinking?"

Tanong nito na para bang naiisip ang iniisip ko. Sasabihin ko ba? Syempre hindi.

"You're holding back." He stated, hindi man lang nagtatanong. Sure na sure na may hindi ako sinasabi. Hindi ko alam kung open book ba ako o talagang isa lang talaga akong libro na kabisadong-kabisado niya. Binuksan ko ang bibig ko pero hindi ko naman alam ang sasabihin kaya naman isinara ko ulit. Ano ba iyan! Hindi talaga ako sanay na hindi alam ang sasabihin.

"Andito na ako." I stupidly said while looking at the outside of my apartment. Malamang, Ellie. Huminto nga sa harap ng gate di ba? Bubuksan ko na sana ang pinto at tatakbo na lang papunta sa unit ko at baka mag-resign na bukas at di na bumalik pa kahit kailan but I realized... He was the one who kissed me first. Nagpigil ako! Sinampal ko siya at sinabing may lamok sa pisngi niya! Ready na akong magsabi ng kahit na anong puchu-puchung excuse kahit na magmukha akong tanga o boba o praning para lang iwasan siya pero hinalikan niya ako.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon