31. One Step Backward, Two Steps Forward

982 25 0
                                    

Magda-dalawang araw na kaming bumiya-byahe.

Hindi naman literal na nakasunod ako palagi pero alam ko namang nabigla siya na nag-volunteer akong sumama sa next travel destination niya kahit hindi naman siya naghahanap ng travel buddy. Sus, ang saya ko kayang kasama. I'm noisy but I'm fun.

Pero ngayon, halos mapanis na ang laway ko dahil hindi naman nakikipag-chika si Nate sa akin. Kanina pa nga siya tulala habang nakatingin sa bintana ng bus habang nagmumuni-muni at talagang naka earphones pa. Napaka-emo naman pala ng taong ito.

I gave him space dahil mukhang gusto niya iyon. Akala niya siya lang may gusto ng space, excuse me, gusto ko din iyon.

"Wala ka bang planong tanungin ako?"

Sabi niya ay may isla daw kaming pupuntahan. Grabe naman itong adventure na ito. Akala ko probinsiya lang sa Bohol pupuntahan namin. Talagang isla pa talaga. Buti na lang at isang backpack lang dala ko kaya hindi ako hirap mag-biyahe.

"About what?"

"Kung bakit ako bumubuntot sa iyo."

Napabuntong-hininga siya. Sisimangutan ko na sana kasi akala ko nagiging iritable siya dahil sa akin pero nakatingin naman siya sa malayo. May nakasulat sa may unahan ng 'Welcome to Villa Mercedez'.

"It's okay to leave sometimes, Ellie. We sometimes just need space. Babalik ka pa naman, di ba?"


Halos hindi ako makagalaw. Iyong mga paa ko, parang kinain na ng buhangin dahil hindi na ako makagalaw.

Nakapako lang ang tingin ko sa lalakeng nakatayo sa may puno ng palmera sa tabi ng parang villa na pinags-stayhan ko. Troy sighed habang iniikot ang tingin sa paligid na para bang inoobserabahan ang lugar.

I unconsciously fixed my now curly hair. Napagtrip-an ko kasing baguhin ang hairstyle ko. I needed that physical change. Iyong makikita ko talaga sa salamin. Parang symbol lang ng bagong yugto ng buhay ko.  Medyo magulo pa talaga ngayon! Hindi na kasi ako nagsusuklay kasi wala naman masyadong tao. May ibang guest naman pero wala naman akong pakealam kasi hindi ko naman sila kilala.

Imbes na lumapit sa kaniya ay parang mas gusto ko pang tumakbo palayo.

He looked stressed. Parang gusto kong hawakan iyong mukha niya. Gusto kong tanungin kamusta ang araw niya. Gusto kong malaman ano ang problema niya.

Gusto kong lumapit pero gusto ko ding lumayo. Ang gulo-gulo. Parang naalala ko tuloy kung bakit kami hindi pwede. Urong-sulong na lang lagi pero hindi ko naman alam ang patutunguhan.

Hindi nagtagal ay napadpad sa dako ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako at maghe-hello na para bang wala lang pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

Hindi pa rin ako makagalaw pero siya na mismo ang lumapit papunta sa akin.

Parang automatic na napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Hindi na nga din ata ako humihinga

"Hi," he breathed.

Gago ka. Anong ginagawa mo dito? That was what I wanted to say pero ang tanging lumabas lang sa bibig ko ay isang pabebeng, "Hello."

Ang tanga lang.

"You curled your hair." His lips slightly smiled.

"You... You have eyebags."

Parang gusto kong lunukin ang pinagsasabi ko. Naku naman, am I still making sense?

Saglit siyang napatawa. "Yeah, I'm having troubles sleeping lately."

Napatango na lang ako kaysa sa unahan ko ng isip na dahil sa akin kung bakit hindi siya makatulog ng maayos. Baka naman kasi dahil sa work o dahil sa ibang babae, di ba? Sabihin pa lang, assuming ako.

"Can we talk?"

"Bakit? Di pa ba tayo nag-uusap?"

Saglit siyang napatitig lang sa akin na para bang pinag-iisapan anong sasabin pero bahagya lang siyang ngumiti, "I tried not to follow you but I can't. These past weeks have been torture, Ellie. I miss you... so bad."

Napalunok ako. I blinked and I blinked again. Nakatayo lang si Troy na parang statuwa na hinihintay ang sasabihin ko.

Nang humakbang siya palapit sa akin ay napaatras ako. Hindi dahil gusto kong tumakbo pero dahil takot akong baka pag mas lumapit pa siya ay bibigay na ako at ako na mismo ang lalapit sa kaniya.

"Huwag kang lalapit," I mindlessly said, taking one step backward. "Diyan ka lang."

"What-"

"Diba sabi ko, tapos na tayo?" Halos hindi na ako makapagsalita ng maayos. Gustuhin ko mang tingnan siya ng diretso sa mata ay hindi ko naman magawa. Nakayuko lang akong nakatingin sa paa kong nagkakabuhangin na. Giniginaw na din ako, shit.

"Exactly," nakikita ko ang anino niyang papalit sa akin. "You said we're over. I didn't. I think I still have a say in this, Ellie. So please hear me out. I want to be with you. I really... Ellie..." He cupped my face and made me look into his eyes. Naiiyak akong nakatingin sa mata niyang may luha na din. "I really love you, Ellie. I can prove that to you. Please let me show that to you. Please give us another chance."

I didn't want to fight with my own feelings anymore at that exact moment.

At nang yakapin niya ako, I let him kasi simple lang naman talaga iyong gusto ko, iyong marinig na mahal din niya ako.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon