15. Two Percent

980 27 4
                                    

"Putang-ina, nakakasira ng araw!"

Minsan na ako nag-promise na di na ako magcu-curse masyado pero kasalanan ko bang may mga lumalapit na demonyo sa buhay ko sa katauhan ni Jacob Tan at Troy Herrera, magsama silang dalawa mga- mga shet!

"Galit ka ulit?"

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Mukhang mataas nga ang blood pressure ko pero parang pinapalabas naman nitong si Cassidy na isa akong grumpy beauty. Hindi din naman siya mali. Panay din kasi ako send ng send ng angry emoji, cursing emoji, demon emoji, basta lahat ng masamang emoji na-send ko na ata sa chatbox namin. Hindi ko naman kasi masabi ng diretso itong sitwasyon ko.

It's too complicated o baka shitty lang talaga. And, now that I know Jake is here, ayaw ko ding i-stress si Cassidy.

"Wala na ata talagang bago. Bwisit!" Patuloy na pagpapalabas ko ng sama ng loob.

"Naku. Ewan ko ba sa inyo. You keep on hating that man behind his back kahit na bilib ka naman talaga doon. He's a good man. Plus, he's your boss so, watch your mouth."

I know. I know that too damn well. At nakaka-bwisit dahil kailangan kong sabihin sa bestfriend ko ngayon na andito ang ama ng anak niya... dahil sa hinahangaan kong boss. Naiintidihan ko ang mga ginagawa niya para sa kompanya. Syempre, napaka-understanding ko ngang tao bahala na kung masabi ko na lahat ng bad words sa diksyonaryo basta ba't understanding pa rin ako.

Putang-ina! Kapagod mag-understand!

"Alam mo, Elise. Tigil-tigilan mo ko ha. Alam kong may jowa ka at nasa maharot stage kayo pero andito ka ngayon sa apartment ko at kung gusto mo ng tahimik na buhay para sa ating lahat ay manahimik kang bata ka! Isusumbong kita kay Mama!"

"Wait lang babe, ha. Kainis kasi itong si Ate. Alam mo naman... Wait lang talaga." Bulong pa nito sa phone. Anong kasamaan na naman bang sinabi nitong batang ito? May business meeting kasi si Mama kaya andito ang kapatid kong kung maka-tawag sa jowa niya akala mo hindi nagkita nung Friday. Saturday pa nga, na-miss na agad nila isa't-isa? Magkikita pa naman sila sa flag ceremony. "Chat-chat na lang tayo mamaya. Stressed na naman kasi si Ate. Ha? Okay. Send ko na lang sayo lecture notes sa Biology. Bye-bye."

Napahigpit ang hawak ko sa remote control ng TV na kaunting-kaunti na lang ay malapit ko nang ibato sa kapatid ko. Kaunti na lang talaga. Iyong totoo, may masama ba akong nagawa kahapon at nung nakaraang linggo kaya hindi maganda ang kapalaran ko today? Bakit, universe? Dahil ba napasobra ako sa sarap last week, sinisingil na ako ngayon? Hindi naman ganito ka-stressful ang single and ready to mingle life ko.

"Ate naman, try mong mag-boyfriend din. Napaghahalataang sabik sa pagmamahal, eh."

"Ew?" I cringed.  Akala ko ba, nagsisimulang mag-mature pag eighteen na? "Hoy, hindi ka pinagbabawalang mag-jowa pero siguraduhin mo lang na hindi sa lalakeng iyan umiikot ang mundo mo."

"Ang bitter naman. 'Di ba pwede maging foolish habang bata pa?"

Hindi na ako nagsalita pa at nanuod na lang ng rom-com movie pampa-chill. Ayaw kong makipag-debate sa batang ito dahil baka mauwi lang kami sa sabunutan. Dahil kunwari ay mature na akong tao, napagdesisyunan kong hindi muna siya pansinin.

Nagkakagulo pa rin sa opisina pero mukhang hindi naman ako kailangan kaya nag-leave muna ako ngayon. Kaya ko ding mag-missing in action no, baka akala ni Troy siya lang marunong.

To be honest though, kailangan ko ito. Kailangan ko ng isang araw para sa sarili ko at para makapag-isip. Halos magmukha na nga akong panda kakaisip ng mga bagay-bagay simula pa kagabi. Kailangan kong isipin kung nasa lugar pa ba itong pagtatampo ko, kung mayroon ba talaga akong karapatang magalit kay Jake at kay Troy, kung bakit may mga hindi siya sinabi sa akin.

And it really helped kasi sa tingin ko, may solusyon na ako.

Gabi na nang ihatid ko si Elaine sa bahay. Hindi kasi makakauwi si Mama ngayon at baka hating-gabi na siya makarating. Ayaw ko din namang kasama itong batang ito at mukhang ayaw din naman niyang magsama kami ng twenty-four hours kaya nagpahatid na din siya sa bahay.

Bigla na lang huminto ang sasakyan sa madilim na... puta, saan na ba ito banda? Wala naman sigurong nakakatakot dito? Wala naman sigurong nangi-ngidnap dito? With these thoughts, nanginginig ang kamay kong tinawagan si Cass pero hindi naman siya sumasagot. Sinubukan ko ding tawagan at i-chat si Ate Tia kung nasaan na ako pero hindi din sinasagot ang tawag at message ko.

Ano ba iyan, naiiyak na ako.

Sinubukan ko ulit tawagan si Cass pero wala pa rin. Pati si Miles, Debbie at Lance ay natawagan ko na pero mukhang walang sumasagot. Busy kaya sila sa opisina? o baka naman inutusan silang di ako pansinin? Grabe, hindi naman siguro.

Ate Tia: Bhe, sorry di kita nasagot kanina. May emergency meeting kasi sa department. Kakatapos lang. Sabi ni Bossing, siya na lang daw maga-update sa iyo.

Paano naman ako dito? Gusto ko ding malaman kung ano ang pinag-meetingan nila pero mas importante sa akin ngayon ang makauwi. May dumadaan namang malalaking trucks pero takot din akong humingi ng tulong. Kapag minamalas ka nga din naman, talagang sobra-sobra din. Malapit na ring ma-empty battery ang phone ko.

Halos lumundag naman ang puso ko sa tuwa nang makitang may tumatawag pero nang makita kung sino iyon, parang hindi ko alam kung dumating na ang swerte o mas naging malas lang ako.

Bossing Troy Calling...

I looked at the battery at saka ang Caller ID. Worth it ba itong taong ito ng five percent energy?

"Hello?"

Bahala na. Mga two percent battery worth of conversation lang.

"Where exactly are you right now? Nakauwi ka na ba? "

Napakunot naman ang noo ko at napatingin ulit kung sino ang tumatawag. Sabi ko nga, si Troy... pero hindi ko naman sinabi kung saan ako ngayon at wala din naman akong sinabi na kailangan ko ng tulong niya?

"No." Kunwari ay hindi ko kailangan ng susundo sa akin. I tried to sound cool dahil baka maamoy niya ang pangangailangan ko. Alam kong kailangan naming mag-usap pero this is my Troy-free day. Haharapin ko naman siya pero hindi ba pwedeng bukas na?

"Pupuntahan kita-"

"No. Kaya ko na. Malapit na din akong malow-bat, Sir. Bye."

Hindi na ako nagtaka kung bakit alam niyang nasiraan ako. Baka sinabi ni Ate Tia. Na-sipa ko tuloy etong sasakyan ko. Kaya di ko na dinadala ito sa trabaho. Feeling ko malapit nang mag-retire, eh wala pa naman akong pambili ng bago. 

Sinubukan ko ulit tawagan si Cass at sa wakas! Thank you, universe! Sinagot niya na ang tawag ko. Agad naman akong humingi ng tulong at kahit busy, mukhang willing naman siyang sunduin ako. Magi-guilty na sana ako kaso wala na talaga akong ibang choice.

"I'm in the middle of fucking nowhere, Cassy. Nasiraan ako ng sasakyan. Tulog na ata lahat, pwede bang pasundo na lang? Malapit na din kasi akong ma-lowbat"

"Okay Ellie. Tell me where you-"

"Shit. Teka lang..." Napansin ko ang pamilyar na itim na sasakyang papalapit sa akin. It was confirmed nang huminto nga ito sa harapan ko. Still in his business suit, bumaba mula sa driver's seat si Troy at lumapit sa akin na para bang knight in shining armour, may lighting pa talaga mula sa sasakyan niya. "I told you I can manage. Hindi mo na ako kailangan puntahan."

"Ellie... please, now is not the time to be stubborn."

"Cass? Cass?" Hindi man lang umabot ang battery ng phone ko kaya naman nararamdaman ko ulit na tumataas ang BP ko. Hindi naman sa galit pero kinakabahan ako. Honestly, I don't think now is not the right time to face Troy, as my boss or as someone I'm dating.

"Let's go, Ellie. Gabi na. You can use my phone to call someone who can get your car but please, let's get you home. It's already late."

Nauna siyang naglakad sa sasakyan habang ako, medyo nakapako pa sa kinatatayuan ko. Parang bumigat ata ang mga paa ko at ayaw sumunod sa kaniya. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko because going with him means I need to say what's bugging me lately.

Sinuot ko ang seatbelt at tumingin lang diretso sa daan at hindi lumilingon sa direksyon ni Troy.

Sasabihin ko na. Sasabihin ko na talaga.

"I'm resigning."

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon