"What was that?"
Nako-conscious akong napatingin through the glass. Wala namang nakatingin sa direksyon namin at kung mayroon man, for sure, wala naman siguro ito sa kanila kaso, I'm making a big deal out of everything at ang mas nakaka-bwisit pa ay wala naman akong magawa para pigilan ang sarili ko.
Patuloy lang na nagbabasa si Troy ng mga pinapipirmahan ko sa kaniya. Hindi man lang ako tinitingnan. Mas lalo tuloy nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko alam kung alam niya, pero praning na praning na ako ngayon! Napakaraming bagay na hindi na sakop ng kontrol ko at iyong kanina... ayaw kong mag-assume but he's totally acting like a jealous boyfriend! Bakit? Jowa ko na ba siya? Ni hindi ko nga alam ang sagot diyan.
"This will take a while, Ellie. Seat there for a moment."
Kahit na hindi ko na alam anong pinaggagawa ko ay sinunod ko na lang ang sinabi niya at umupo.
"Hindi ka naman siguro nagse-selos di ba... Sir?" I asked again and he ignored me again. Napahinga ako ng malalim. Wow, invisible na ba ako ngayon?
"There was a meeting, it was canceled, and then the cancellation's canceled. May meeting sa Wednesday. Simple."
"Okay. Sabi mo eh." I nonchalantly answered.
"Bakit? You want to go to that blind date so badly?" Sabi niya habang inaayos niya na ang mga tapos nang pirmahan.
"Pwede din." The last time I checked, single pa naman ako. Pwede pa rin akong makipag-date kahit na kanino without anyone's permission. Pero hindi naman ako pretentious at hindi din ako pinalaking playgirl. He handed me the papers at nang tanggapin ko iyon, I intentionally softly brushed my fingers with his hands. Ayan na naman iyong kuryente. "Pwede ding hindi."
Tumango siya at ngayon ay tintingnan na ako ng diretso na para bang nakikipag-staring contest. "You'd still have a lot of things to do after work, I'm sure."
"Grabe, Mr. Herrera. Hindi naman ako ganyan ka workaholic."
"I'm not talking about work, Miss Castillo."
"I know." I smiled and walked out of the office, turned on as fuck.
Nilakihan niya ang bukas ng pinto ng condo niya para papasukin ako. Hindi naman na ako bagong bisita dito. Pwede na siguro akong pumasang VIP sa tinitirahan niya kaya hindi na ako nagpakastranger at talagang winelcome ko na ang sarili ko.
Ilang hakbang pa lang ay naramdaman ko nang may humila ng kamay ko kaya naman nabangga ako sa dibidib niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong sinadya niya iyon. Hindi naman masakit at sa tingin ko, gusto ko namang idikit ang mukha ko sa dibdib niya pero kaunting warning naman diyan, oh.
"Sorry," sabi na lang niya at ibinaba ang mukha para ilapat ang labi niya sa labi ko. I opened my mouth and welcomed his kiss. Ipinulupot ko na rin ang kamay ko sa leeg. Pag ganito kami kalapit sa isa't isa, I feel... warm. Hindi iyong warm na nakakapaso, iyong tama lang, iyong komportable. Mahina kong napasabunot ng buhok niya habang napaungol na lang nang mahinang pisilin niya ang batok ko. "Kanina ko pang gustong-"
"Anong kanina pa? Eh nasa trabaho tayo kanina, ah!" The last part of my sentence was a pitch higher. Hindi na napigilan ng gaga nang makaramdam ako ng kagat. Nagpanic ako ng slight kaya lumayo muna ako at naghanap ng salamin na agad ko namang nakita sa living area. "Putangina naman, Troy eh!" I said, looking at my reflection at sa bandang pinkish, specifically. "Wala namang iwanan ng tsikinini." Hindi naman ata makikita. Sa may taas naman ng dibdib naman iyon kaya hindi naman siguro makikita unless na lang kung napagdesisyonan kong mag tube lang sa opisina. Lumalandi ako, fine! Pero responsible malandi naman ako.
Napaupo siya sa sofa habang nakatingin sa akin. I silently swooned while looking at his messy hair at slightly bukas na puting polo. Shit, mukhang malinis na dirty ng slight. Just my style.
"So you don't call me Sir when you get angry." Amused na sabi niya pa na parang kanina pa ako inoobserbahan.
I wasn't aware that this is possible pero mas komportable akong kasama siya ngayon. Parang nase-separate ko na iyong Troy na boss ko at iyong Troy na... na ano bang tawag dito? Basta, iyong Troy na malandi. He's way less uptight when we're alone. Madalas ngumingiti, may pagka-playful at napakalandi. Clingy, literal na naka-cling. Syempre, wala akong reklamo. I just find myself feeling comfortable around him too. Galit man o masaya, hindi ko na itinitago ang nararamdaman ko.
"Excuse me, Sir. Hindi po ikaw ang sumasagot ng mga tanong ng empleyado mo kapag pumapasok ako na may ebidensyang kumerengkeng ako kagabi." Parang mas nag-iinit ang ulo ko na nakikitang napaka-chill lang niyang nakaupo at natutuwang nakikinig sa akin. Circus ba ito? Mukha ba akong clown? "Hindi naman ako conservative pero mahirap kasi i-explain na ang nagpapasweldo sa aming lahat ang nag-iwan ng tsikinini sa putang-inang dibdib o leeg ko!" He laughed even louder at I swear, para akong toro na pula na lang ang nakikita.
"Herrera!" I screamed on the top of my lungs.
Planong hahampasin ko na siya sa bunganga na hindi ko pa nagagawa pero game na game akong gawin ngayon na agad-agad pero nasalo niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kaniya. My knees weakened so I ended up seating on his lap. Fuck! Bakit biglang nag-iba ang genre?
"I'm sorry." he sighed, "again."
I glared at him even more pero para naman akong kandilang dahan-dahang name-melt sa init ng katawan niya. Hindi ko siya gusto tingnan sa mata kaya ibinaba ko na lang tingin ko dahil baka mamaya, maging kandilang upos na akong tuluyan. My hand found the buttons of his polo and played with it. "Boss pa din kita at wala pa rin akong planong magpatalo sa best employee award na hindi mo pa naibibigay sa akin. Eto... Tayo... Ayaw kong maka-apekto ito sa opisina," he was starting to leave tiny kisses on my neck down to my arms kaya nadi-distract ulit ako kahit na ang buong speech ko ay tungkol sa dapat hindi maging distracted.
"Putang-ina. Mamaya na nga lang tayo mag-usap!" I gave in at isa-isa nang tinanggal ang butones na kanina ko pa hinahawakan.
"I understand," bigla niyang sabi habang nakahiga pa sa kama niya.
"Okay?" naguguluhan na tanong ko habang sinusuot ulit ang blazer ko. Troy insisted I stay pero nang maalala kong weekend na pala bukas at schedule ulit ni Manang na maglinis dito, hindi na ako nagdalawang-isip na magbihis agad-agad.
"I got what you said earlier."
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang nagsimula na din siyang magbihis. Pasado alas-dose na ng hating-gabi at mukhang may plano pa ata siya sa buhay imbes na matulog na lang ng mahimbing tulad ng plano ko dahil pagod na pagod na ang katawan ko ngayong araw.
"Ihahatid ka."
"You don't have to." I insisted. One-click away lang naman ang taxi at kayang-kaya kong umuwi mag-isa. Medyo may topak kasi ang sasakyan kong niluma na ng panahon kaya paminsan-minsan ko lang ginagamit. "At saka, kaya ko namang umuwi mag-isa. Ano ka ba."
"I know." Mukhang walang plano magpapigil si Troy dahil patuloy lang itong nagbihis. "But I want to."
Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan na lang siya. Gusto daw niya, eh. Madali naman akong kausap lalo na pag flattered.
"Ellie." Nakabukas na ang pinto ng sasakyan niya at magpapasalamat na sana ako nang tawagin ako ni Troy. "As I've said earlier, I understand."
"Okay..." Bakit ba share na share siya na naiintindihan niya?
"Good for you?" I sounded confused. Gets na niya pero ako, wala akong nage-gets. May dapat din ba akong maintindihan?
Mahina siyang napatawa dahil siguro mukha akong tanga. "I mean, I got what you said earlier. About separating work and our personal lives."
"Ah." Iyon pala ibig niyang sabihin. Okay, gets ko na din.
"Buti naman, Sir." I teased. Medyo nasasanay na kasi akong hindi siya tawaging Sir pag hindi na office hours. "I promise to do my best for the company... as always."
Hindi naman ito one-way lang. Syempre, I promise to do my part too. Medyo distracted pa naman ako sa office pero promise ko na din sa sarili ko na dapat, hindi na ito mangyari.
"And I promise not to get jealous again at work."
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...