Napatitig ako sa litrato naming dalawa ni Troy. Ate Tia sent me the pictures a while back. Kunwari ay galit-galitan pa ako nung panahon na iyon dahil pabigla niya lang iyong ipinadala sa akin tapos may emoji pa ng talong, heart, at saka flower. Napakabastos talaga ng babaeng ito.
Troy's eyes was closed tapos iyong mga labi niya was slightly touching my bare shoulders. Ako naman ay nakangiti lang at pabebe na alanganin pang nakangiti. Nakakaloka.
Napangiti na lang ako habang nakatitig dito. Wala kasi kaming ibang picture. Dapat pala ay hindi puro landi lang iniisip ko, dapat iniisip ko din ang remembrance ng landi.
Dapat bad mood talaga ako eh until I saw these pictures. Na distract tuloy ako ng todo pero kahit na, I still don't feel good. Okay naman sana ang gabi pero bakit ko ba kasi nakita ang pagmumukha ng babaeng iyon.
I turned my phone off. Nagfi-feeling siguro akong mage-explain si Troy but in case that happens, wala pa ako sa mood na makipag-usap sa kaniya. Parang naghahabol lang ako sa wala.
I think I made myself clear that I wanted something more and it was very clear to me na ayaw niya. Ang tanga lang kung maghahabol pa ako di ba?
Gusto ko sanang maghanap ng pagsusumbungan pero ayaw ko namang distorbohin si Cass. Mas marami at malaki pa ata ang problema nun kumpara sa akin at saka mukhang nage-enjoy naman siya kasama iyong bagong tao sa buhay niya. Ang bastos ko naman kung magiging panira ako ng araw niya.
I sighed. Ni hindi ko nga matawag para makipag-inuman iyong mga workmate friends ko kasi naman, boss namin iyong pag-uusapan kung sakali. I don't want that.
Frustrated na nahiga na lang ako sa kama habang paulit-ulit na nagre-replay iyong pinag-usapan namin kanina. Hindi naman kasi dapat iyon big deal. I know I should've let him explain at siguro, dapat makinig din ako pero ayaw ko na... napuno na siguro ako
nature_with_nate has posted after a while
At dahil wala naman akong ibang mas matinong gawin, I opened the notification. Sa naaalala ko kasi ay nag deactivate ng instagram si Nate. Nagbalik na ba siya?
nature_with_nate Back to paradise...
Sa taas nun ay litrato ng parang sapa. Tapos sunod naman ay picture ng dagat. Iyong pangatlo, video ng sunset.
Nakaramdam ako bigla ng inggit habang nakatitig sa lugar. Ni-resend ko ang sarili niyang post sa kaniya. Dahil wala akong magulo na ibang tao at kailangan ko ring mahawaan ng pagiging kalmado niya, naisipan kong guluhan ng slight ang tahimik niyang buhay.
candidly_ellie
Sana all.
Uy.
nature_with_nate
...
candidly_ellie
Tagal naman nito maka-reply.
Ang overthinker.
nature_with_nate
Uhm... hi?
candidly_ellie
Na delete mo na picture ko?
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...