7. Those Eyes

1.2K 30 2
                                    

"That's your schedule for today, Sir," I said.

He nodded.

Umalis ako sa opisina niya.

Isang buwan na kaming ganito at hindi ko alam if this if for better or for worse. Dapat nga magpasalamat ako kasi mukhang wala na kaming problema, mukhang wala lang iyong nangyari, mukhang okay naman kaming dalawa.

Except it doesn't feel right. Ni pag-ayos nga ng tie niyang tabingi, hindi ko na magawa o kaya naman pag may gusto akong i-email, hindi ko na lang ginagawa pag weekend na kung noon lang, ay hindi ko naman pinag-iisipan. Hindi na din ako pumupunta sa apartment niya, mapa-weekend man o weekdays. Nope. Hindi na ako babalik doon.

"Pst!"

Ang dami pa namang gagawin pero kung sa lahat ng galaw ko ay maghe-hesitate ako, mas lalong tumatagal. Wala naman akong problema kung busy. Sus, edi gawan ng paraan pero may problema ako pag may ipapa-submit sa kaniya, pag may ipapa-report sa kaniya, pag may ipapa-perma sa kaniya. Basta, lahat ng tasks na kailangan ng contact, bumibigat bigla ang mga paa ko.

"Pst!"

Hindi ako ganito! Hindi talaga bagay sa akin ang mag-hesitate. Baka malapit na akong magkalagnat dahil lang dito sa pinaggagagawa ko. Eh, siya naman, mukhang walang problemang humarap sa akin. Mukhang iba nga ang pinoproblema, siguro ay iyong Amelia na iyon. Buti naman! Ng magka-closure na sila o maging close na sila. Basta, ang importante, hindi na ako sawsawera sa lovelife niya. Etchapwera pa nga! Ha!

"Aray naman!" Napatigil ako sa pagta-type nang biglang may bumatok sa akin, "Ate Tia naman, oh. Pwede mo naman akong tawagin ng maayos."

"Excuse me, iha. Ubos na ang laway ko kakatawag sa iyo. Ikaw ha. Napaghahalataan ka na talaga. Nag-break ba kayo ng jowa mo bakit ba ang distracted mo lagi?"

Nanlaki bigla ang mga mata ko at automatic na napahawak ako sa dibdib ko, "Ha? Eh, wala nga akong jowa?" Kailangan talaga ipamukha. Ouch.

"Iyong totoo. Ano bang nangyayari sa iyo? Pwede mo naman sabihin sa akin. I'm a true friend, you know."

Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Kaya nga hindi dapat nakikipag-chukchakan sa katrabaho. I want to share Ate Tia some of my troubles. Eh, takbuhan ko nga ito minsan ng boy problems dati pati crush problems sinasabi ko sa kaniya kapag nags-snack kami pero ngayon, hindi ko masabi-sabi. Lalong lalo na pag ang pag-uusapan namin ay walking distance lang sa kinauupuan ko ngayon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako sanay na nakasara ang bunganga at nagho-hold back pero mukhang kailangan ko na atang masanay. "I know naman, Ate kaso wala lang talagang kailangan i-know."

Hala sige, sinungaling pa.

"Bakit ang cool mo ata ngayon? Walang bahid ng panic, ah."

"Bakit naman ako magpa-panic? Ganito lang talaga dapat, Ate Tia. Work lang ng work. Di pwede magpa-distract. At saka, dapat relax lang. Chill."

"Wow, noon nga, pag dumadating si Queen Mother kulang na lang magpa-general cleaning ka dito."

What? Ano daw?

"Anong darating si Queen Mother?"

"Di nga? Di mo alam? Akala ko ikaw una sinabihan? Nag-inform lang naman si Sir sa akin kanina. Tas nagpa-order na lang din siya ng lunch kasi daw baka dito daw kumain Mommy niya? Sure ka? Sure kang di mo alam?"

Shit! Shit! Hindi ako nag-ready. Nilunok ko iyong sinabi ko kanina. May pachill-chill pa akong nalalaman. Walang chill-chill pagdating kay Queen Mother na pati kulay ng kurtina namin ay pinupuna. Natatakot talaga ako pag pumupunta siya dito. Feeling ko talagang naka-schedule na bumisita siya dito once a month. Di ko alam kung monthly general check ba o ano.

"Ellie, I don't think this sofa suits the waiting area. Keep in touch with me. I know a local designer."

"Ellie, wala nang stock sa pantry. You should always tell them to check that the pantry is fully stocked."

"Ellie, I told Troy to repaint the walls. Napansin ko kasi kanina it needs repainting."

Para naman akong tuta na tango lang ng tango. May point naman kasi siya most of the time pero hindi ko lang halos ma-handle iyong pressure sa mga utos ni Queen Mother. Mabait naman siya, strikto nga lang at saka may pagka-perfectionist. Hindi nama gaanong nakikinig si Troy sa kaniya pero alangan naman i-ignore ko lang iyong sinasabi niya. Syempre good employee ako, pa-good points para 'wag ma bad shot. Takot ko lang makalaban iyon.

Agad akong napatayo sa desk ko at nag-check sa paligid. Mukhang okay naman. Bago pa lang naman kami nag general check at cleaning. Ah, di bale na, bahala na siya kung anong sasabihin niya this time. Sige, kung kailangan mag papintura hala, papintura. Kung kailangan palitan ang tiles, okay! Hindi ako magpapaka-stress ngayon kasi stress na stress na ako. Baka pag i-goal ko pang i-perfect ang assessment niya, talagang magkakalagnat na ako.

At saka, bakit ba di ako na-inform? Eh ako pa naman unang sinasabihan ng mga kailangan palitan. Hindi na din ba niya ako kaka-usapin ngayon tungkol sa mga ganitong bagay? Last time I checked, secretary pa rin niya ako.

This situation needs to be better. Hindi pwedeng maapektohang ang trabaho ko.

Halos hindi ko na malunok ng maayos 'tong kinakain ko. Naiwan kaming tatlo sa may conference room para mag-lunch. Hindi naman kasi ako dapat andito pero sabi ni Queen Mother Clara ay sumabay na daw ako sa kanila total, nasa opisina ni Troy ako that time, nakikinig sa mga advice niya about sa office. This time, iyong exterior ng building na daw ang kailangan baguhin. See, hindi nauubusan ng mga kailangang baguhin. Wala talagang perfect para sa mga perfectionist.

Alanganin akong napangiti. Mabait naman iyong Mommy niya pero nakakatakot lang talaga minsan, ay mali, most of the time pala. Nakakatakot all the time. Naalala ko sa kaniya iyong teacher kong mabait naman pero nanginginig pa rin ako sa tuwing papasok siya sa klase kasi alam kong may oral recitation.

Kinakabahang umupo ako sa table. Mada-digest ko ba 'tong pagkain na 'to? Shet.

Usually naman ay hindi masyadong pansin ang presence ko sa hapag. This had happened before na din. Minsan nga, kasama pa ang Tatay niya. Nakapunta na din ako ng mga event na present ang mga magulang niya pero noon naman kasi, walang malisya. Ngayon, wala dapat pero unconsciously akong nako-conscious kasi nga minsan akong naging atat makipag-halikan sa anak nila.

"Oh, by the way, I heard from Amelia."

Gusto ko magwalk-out kahit masarap iyong tinola na dala ni Queen Mother. Nagdala talaga siya ng pagkain niya kahit nag-order na si Ate Tia. Paborito kasi nga daw ng unico iho niya. Pero ganito na ba talaga sila ka-komportable sa akin na talagang pinag-uusapan nila ang personal nilang buhay habang kasama ako?

Tanga, Ellie. Ikaw dapat kasi ang wala dito sa mesa.

Patuloy lang ako sa pag-higop ng sabaw tsaka di na din ako kumuha ng manok kasi baka pangit tingnan na kumakagat-kagat ng buto. Hindi pa naman ako ma-poise kumain. Hindi din naman kasi dapat. Pag pinapanoon nga iyong mukbang, mas masarap tingnan pag walang pakealam iyong kumakain!

"And?" Kunwari ay di interesadong sagot ni Troy sa Mommy niya. Sus, for all I know, matagal na siyang naghihintay ng balita.

"She asked if you're coming to her wedding? Di ka daw kasi sumasagot sa emails niya."

Bigla kong nabitawan ang hawak kong kutsara. "Ay, ano ba iyan!" biglang sigaw ko.

Nanlaki naman ang mata ko hindi dahil sa gulat kundi dahil sa relief. Shit, putang-ina, fuck, fuck, fuck! Buti na lang di bad word ang lumabas sa bibig ko. Kahiya naman.

But wait, tama ba narinig ko? Ikakasal daw iyong Amanda? Halos napaawang naman ang bibig ko habang nakatingin kay Troy. Kaya ba mukhang di siya mapakali simula noong bumalik kami sa Italy? Kasi nagmo-move on siya sa first love niya?

"Yes," he answered simply. Hindi man lang mukhang interesado. "She called me in Italy to officially invite me to her wedding." sabi niya sa nanay niya pero bumaling sa akin ang tingin niya. Straight na straight sa mata ko na para bang sinasadya niyang hulihin ang atensyon ko, buong atensyon. "I'm not coming. Matagal na kaming hiwalay, why should I care?" he added still looking at me.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon