22. Nature with Nate

871 18 3
                                    

Nag-lunch lang kami ni Cass sa mall na mismo. Mukhang magkakasya naman pala iyong isang oras. Nagmamadali din kasi ata siya kaya mabilis lang kaming kumain atsaka nagsimula nang maghanap ng regalo.

Napa-tingin ako sa robot sa labas ng mall. Bagay ito sa kwarto ni Jeremy, ah. "Parang gusto kong bigyan ng life-size robot si Jeremy ngayong taon."

"That's too much, Ellie." Gulat na sabi ni Cass sa akin pero hindi ko inalis ang tingin sa robot. Pag wala akong makitang iba sa loob, eto na talaga bibilhin ko. "Ellie... I asked Jeremy about his birthday plans and I need your help with his request."

Sus, andyan lang naman pala iyan. Madali naman akong kausap lalo na pag si Jeremy ang pinag-uusapan. Basta ba kaya lang ng powers ko at afford ko, ibibigay ko talaga. 

"Sure! Kahit ano gagawin ko. Gusto niya ng 4-layered cake? Gusto niya nang car cake? Gusto niya nang totoong car? Kailangan lang mangutang ni Ninang, pero ibibigay ko iyon sa kaniya!"

"What the heck, Ellie. None of the above. It's simple... but also not."

"Ano nga, dali?"

"He wants Troy to be present."

"What? Si Troy ang regalo?" Narinig ko ba iyon ng tama? Si Troy? Bakit naman si Troy? 

"That's not what I want to say. I mean, gusto ni Jeremy na andoon si Troy but... it almost means the same. Yes, si Troy ang regalo."Napabuntong hininga si Cass. Nakonsensya tuloy ako kahit hindi ko alam kung bakit. Nalulungkot din ako sa reaksyon ni Cass. She looks helpless. Gusto niya kasi talaga ibigay lahat kay Jeremy kaya naiintindihan ko kung bakit siya mukhang problemado. "It's a shock for me too."

Muntik na akong magmura pero naalala kong pambata pala ang lugar na ito. May nanay nga kanina na mukhang gustong tusukin iyong mata ko gamit iyong titig niya. Naramdaman niya sigurong isa akong curse machine at hindi dapat ako tumatambay sa mga lugar na PG-13.

Hindi man gusto ni Cass na andoon si Troy, I know he'd want to give Jeremy everything. Ganoon din ako. In the end, sinabi ko na lang na tatawagan ko si Troy and left the final decision to him. Hindi ko siya pipiliting pumunta pero mas mabuti atang wala siya. Susubukan ko pa rin. Ah! Bahala na nga.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at diretso na siyang kinausap nang "Free ka ba day after tomorrow? Ah right... Alam ko nga pala ang schedule mo. I know your busy the whole day but at night-" 

"Are you suggesting we spend the night together? I'm busy but I'm really down with that."

Ang bastos talaga. "What? What the fuck? No! I just- It's Jeremy's birthday! The kid wants you there." Hindi muna ako nagsalita pero hindi din siya nagsalita sa kabilang linya. Nabigla din ata sa sinabi ko. 

I let him think at saka pag hindi siya pumayag, wala ding problema. Malulungkot si Jeremy but maybe Cass and I could do something about it. "Okay... but why?" He finally said after a few seconds of silence.

Napansin kong nakatingin si Cass sa akin kaya I tried to sound more formal, "Hindi ko din alam? Ba't ako tinatanong mo... Sir? It's okay if you can't make it. Baka may nakalimutan kang lakad or something-"

"I can go there, Ellie. And even if I'm busy-"

"It's okay if you can't make it. Baka may nakalimutan kang lakad or something... Really, Troy. It's okay."

"I don't know why you are inviting me and discouraging me to go at the same time but I can go and I will go. I don't know what it is particularly that you are worried about- because you sound like you really don't want me to go. He's still Jake's son, Ellie. It's the least I can do for my friend's kid. I have to talk to someone in five minutes. Talk to you later." 

Nagalit ba iyon? Mukhang galit ata siya. Okay lang naman siguro sa akin na pumunta siya kaso hindi ko alam anong mararamdaman ni Cass. I don't know how Cass would react to our arrangement too. Okay lang ba sa kaniya na... na ganito kami ka-close ni Troy? With Jake around?

Sa ngayon, mas pinili kong ngumiti. Si Jeremy muna siguro ang iisipin namin kaya nginitian ko si Cass at saka sinabing, "He said he'll be there."

A lot happened after that. Nabigla na lang ako na nakita ko na si Cass na umiiyak habang pumipili ng laruan at parang piniga iyong dibdib ko. Alam kong umiiyak siya at alam kong madalas siyang nalulungkot but she usually tries to be strong sa harap naming lahat.

I tried to comfort her pero wala atang effect. Di ko na tuloy alam anong gagawin ko.

"Hi, excuse me."

"Nature with Nate!" Feeling ko ay nakatingin ako sa TV o phone. Nakakapanibago na nakikita ko sa harap ko iyong palagi kong sino-stalk sa social media. He looks exactly like how he looks on his videos. Tapos, andyan pa rin iyong peaceful aura niya kahit mukhang hindi siya komportable na tinatawag ko siyang Nature with Nate. Ang cute!

"Ah, hi." Nahihiyang napangiti siya. "I'm sorry about last time, you know what I mean." sabi niya kay Cass. Ang bait niyang pakinggan talaga. Bakit may mga ganyang tao? Iyong tono pa lang ng pananalita ay alam mo ng mabait? Pwede siyang scammer kasi maniniwala ako sa lahat ng sasabihin niya, pwede ding politiko.

Surprisingly, magkakilala pala si Cass at ang kapatid nitong si Nature with Nate. Saglit na nawala kay Nature with Nate iyong focus ko kasi iba ang tinginan ng dalawa, iyong si Liam. Buti na lang at dumating silang dalawa kasi parang kanina lang, nag-iiyakan kaming dalawa. Hindi naman kami damsel in distress pero nakatanggal talaga ng stress iyong presence nila.

Pinilit ko silang mag-catch sandali. It's my first time to see that look on Cass... after a long time. Deserve niyang makipag-usap sa kaibigan niya, o kung ano man sila. Ano ba iyan. Kinikilig ako.

"Shit, putangina!" Napatingin sa akin ang cashier na nanlaki ang mata. I realized what I just said kaya dali-dali akong tumingin sa paligid. Buti na lang talaga at walang ibang customer maliban doon kay Nature with Nate na magbabayad din ng laruan para sa pamangkin niya. "Ay, sorry miss. Sorry, sorry talaga. Huwag niyo kong i-ban dito please." I pleaded. Nakakahiya pag sakaling hindi na ako makapasok ng toy store dahil lang dito sa bunganga ko.

Napangiti naman iyong cashier ng pilit. Halatang hindi masaya sa akin pero lumingon kay Nature with Nate. Siguro ay pinipilit na lang niyang maging mabait sa akin dahil may celebrity sa likod ko. Makalapit nga dito palagi kasi mukhang bumabait lahat ng tao sa paligid dahil sa aura nitong taong ito, eh.

Naalala ko ulit ang problema ko kaya naman kahit hiyang-hiya, lumingon pa rin ako kay Nature with Nate at saka bumulong, "Pautang naman, oh. Naiwan ko kasi wallet ko."

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon