"Bye."
Halos sampung minuto na ata akong paulit-ulit lang na nagpapa-alam pero heto pa rin ako, nakayakap sa likod ng lalakeng ito.
"Hatid na nga kasi kita," he insisted. Gustuhin ko man, alam kong marami siyang gagawin dahil sa walang planong pag-alis niya at talagang nag-stay pa siya sa Villa Mercedez ng tatlong araw. Ayan, nagtambak pa tuloy ang ang mga gagawin. Ang ganda ko naman kasi, pinuntahan pa talaga kahit may plano naman akong umuwi.
"Thirty seconds," I lazily said at hindi pa din bumibitaw sa kaniya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit bigla na lang naging clingy. Parang naging tarsier tuloy akong nakakapit lang kay Troy. "Okay. Tapos na. Buh-bye na."
"Why not just stay here? You basically live here, Ellie." Parang wala lang na sabi niya. "Manang asked me if she should cook dinner for two the last time she went here."
"Di nga?" Parang instant na iyong hiya sa sistema ko. Hindi pa naman ako sanay na ipangalandakan sa buong mundo iyong relasyon namin. Tapos, baka isipin pa ni Manang na nakikipag-live in ako kay Troy. She's like his second mom! Hindi pwedeng bad impression. "Anong sinabi mo?"
I silently wished he said some sort of unobvious answer. Knowing Troy, I doubt so.
"I naturally answered and told her you're craving sinigang."
"What the fuck?" Tangina! Akala ko siya nagluto nun. Sarap na sarap pa nama ako kasi akala ko, may pa-effort ang loko. "Akala ko, ikaw nagluto nun!"
He laughed, "Are you craving sinigang again? I can cook one right now. You don't need to go to your place."
Aba, nakikipag-bargain pa.
"Seryoso ka talaga diyan sa kalokohan mo, ha."
"I'm dead serious." he kissed the side of my lips, "Just live here and I'll cook whatever it is you'd like... or order. Whatever is more suitable with the situation."
Napataas naman ang kilay ko. Hindi porket okay na kami at officially together na ay mas mabilis pa sa speed of light ang progress namin sa ibang bagay. "Huwag masyadong marupok uy. Sayang naman binabayad ko doon kung di ko titirahan. Hindi porket malakas akong kumain ay mababahay mo na ako dahil diyan sa 'eat-all-you-want' offer mo."
"Exactly. No need to pay for extra when you can just stay here."
"Eh? Di ko nga afford makipag-hati dito. Ano ba iyan," pangungutya ko pa.
Napa-buntong hininga na lang siya at hinalikan ang noo ko. Kinilig naman ang loka, "I really can't argue with you, huh. Better luck next time, then."
I laughed.
Buti na lang at nakapag-usap na kami ng maayos. Napagdesisyunan kong hindi na bumalik sa kompanya niya. May mabuti siguro na sa iba na muna ako magtrabaho. Para naman ma-miss namin ang isa't isa, charot.
Malapit na din kasi ako magsimula sa isa bago kong in-applyan. I would be working as a museum curator kaya naman excited na excited ako. Nakakatuwa kasi talagang napapalibutan ng art.
Syempre, malungkot ako na kailangan kong i-let go iyong dati kong trabaho but this way, I get to do what I enjoy at sakay magkakaroon na talaga kami ng literal na space ni Troy. Iyong makikita ko pa naman siya pero hindi naman iyong 24/7. At saka, hindi ko na din siya boss ngayon so, lagot siya sa akin.
Finally. Parang okay na lahat.
"Why not just stay here?" Pamimilit pa niya. Parang ayaw pang mag-give up talaga. Hay, can't get enough of me talaga.
"Sa bahay kasi matutulog si Elaine. Baka isumbong ako kay Mama. Sabihin pa lang, may kalive-in na ako."
"Where's the lie?" Hinampas ko ang dibdib nito. Ang harot!
Bigla akong nahilo kaya pumasok ako ulit sa loob. "Teka lang," paalam ko bago pumasok sa CR. Parang nasusuka kasi ako bigla. Naje-jetlag pa siguro sa biyahe. Hindi kasi ako makatulog ng maayos these days, si Troy kasi ay isang walking temptation.
"Are you okay?" He knocked on the door.
I flushed the toilet and fixed myself. Nang mapatingin ako sa may pinto ay nakatayo na siya doon. "Nahilo lang ako bigla. Baka nasobraan ng kain o nahihilo pa sa biyahe. Malayo din iyon, ah! Pero okay lang talaga."
"Are you sure?" tanong niya, tumango naman ako. "Hatid na lang kita."
Sasabihin ko sanang okay lang pero nakikita ko kasing worried siya. Imbes na mag-insist ay um-oo na din ako.
Hindi ko alam kung bakit bigla lang siyang tahimik lang sa biyahe. Kunwari ay nagha-hum na lang ako ng kanta sa sasakyan niya kahit hindi ko naman alam anong title iyon. Ang awkward kasi.
"Uy," tawag ko.
He looked at me and smiled a little. Mukhang hindi naman galit sa akin. Inabot pa nga niya ang kamay ko para hawakan iyon.
Bakit nag-iba mood nito bigla.
"Okay ka lang?"
"Yeah, yeah." Sabi niya. Malapit na pala kami sa apartment ko. Nakikita ko na nga ang gate pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit na malapit na akong bumaba. Nami-miss siguro ako masyado kaya hinayaan ko na lang. Char, ganda ko naman. Parang hindi din naman ako nagmukmok lang sa isla nung first few days kasi miss na miss ko na din siya.
Bababa na ako pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Napataas naman ang kilay ko, "Uhm... Bye?" I waited for him to let go of my hands.
He nodded pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Ang clingy ha.
Akmang kukunin ko na ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya but his grip tightened, "Ellie?"
"Yes?"
"Could you be pregnant?"
"Ha?" Parang nabingi ata ako bigla kahit na narinig ko naman siya, loud and clear. Troy was about to answer me again pero agad na akong sumingit, "Ikaw talaga iyong imagination mo ha."
"You know too damn well I wasn't imagining when we-"
Pinanlakihan ko siya ng mata, warning him to stop saying whatever it is he is about to say. Biglang nakakahilo tuloy ulit mag-isip ng tungkol dito.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomantizmWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...