13. Boyfriend

1.1K 25 0
                                    

"May meaning ba kapag palagi akong nanaginip ng anak kahit ayaw kong magpakasal kahit kailan ever?" Napahinto ang kutsara kong puno ng kanin bago ko ito isubo nang magsalita si Miles. Sa pagkaka-alam ko, siya ang pinaka-bata sa kompanya. Dito siya nag OJT last last year kaya pamilyar na siya sa akin. Napaka-random talaga ng batang ito.

"Oo. Ibig sabihin niyan, huwag kang magsalita ng tapos, bhe." Sagot ni Ate Tia na animo'y expert na expert sa dating. "Okay lang maging single pero huwag ka munang sigurado diyan sa kahit kailan ever mo. Hindi mo naman alam di ba, baka andito lang pala sa office mapapangasawa mo, char! Ha-ha!"

Ano ba itong pinagsasabi ni Ate Tia. Well, I found it ridiculous sandali pero naalala kong nasa office pala ang taong dini-date ko. Joke's on you, Ellie. "Kailan ka pa naging dating adviser, Ate Tia?" Sabi ko na lang. Sa pagkaka-alam ko, pambansang fangirl kasi itong si Ate Tia. Pati nga si Troy noon ina-admire kahit na may kadugtong na bad word ang compliments niya.

"Excuse me, po. Ako ata pinaka-qualified dito sa ating tatlo."

"May bf ka, Ate?"

She smiled at ininom ang juice niya, "Secret."

Nanlaki naman ang mata ko. Di nga? Hindi naman siya nagshe-share ng sarili niyang love life. Hindi naman maituturing na love life iyong maging fangirl.

"May boyfriend ka nga?" I sounded shocked. Napaka-walang kwentang kaibigan ko naman pala na wala akong ka ide-ideya sa social life ng kaibigan ko. Well, not that may idea din sila sa akin pero kahit na! Magkaiba pa din iyon. Mas lalo lang akong na-shock nang hindi siya nag-deny at ngumiti pa ng mapanuya. "Ate Tia! Alam mo talaga- Ikaw ha, palagi na lang akong nagshe-share ng mga problema ko noon tapos palagi ka pang may sinasabing may irereto ka kahit most of the time, palpak kasi hindi naman nangyayari iyong mga dates na sinasabi mo pero hindi ko alam na-"

"Diyos ko naman kang bata ka. Huminga ka naman, Ellie. At saka, matagal na kami ng boyfriend ko, uy. Magfa-five years na."

"What the fuck?" was all I can say.

Seryoso. Kaibigan pa ba akong maituturing? Bakit hindi ko iyon napansin kahit kailan? Akala ko pa naman ay isa akong tunay at maasahang kaibigan eh bakit hindi ko alam itong mga bagay na ito.

"Five years? Hindi pa tayo nagkakakilala, kayo na ng jowa mo. Bakit di ko alam ito?" Nakakatampo naman ito, oh.

"LDR kasi, bhe. Hindi din same ng timezone kaya madalas gabi na kami nagco-communicate but yes, getting stronger than ever ang lola niyo pagdating sa loving-loving. Kaya pag sinabi ko dai na i-date mo na iyong nire-reto ko, makinig ka sa akin."

"Paano napunta bigla sa akin. Di ba pwedeng pag-usapan muna natin iyong five years?"

Hay nako, bhe. Kaya di ako share ng share, eh. Wala namang exciting masyado sa relasyon namin. Kami iyong kalma lang, ganoon. Hindi ko naman talaga siya sini-secret pero nasanay na ata ako na hindi siya sinasabi, di ko na namalayan na taon na palang dumaan, di ko pa nashe-share na may boyfriend pala ako!" At talagang tumatawa pa siya ngayon. Parang bigla ko tuloy gusto manghingi ng advice paano ba i-sikreto ang relasyon pero mukhang mas gugulo lang tuloy ang lahat pag ginawa ko iyon.

"Date mo na kasi iyon." Insist niya ulit. Bakit parang nasa hotseat pa rin ako imbes na hindi na dapat? "Isang date lang naman. Ano ba iyan. Wala namang mawawala tsaka wala namang magagalit."

Inhale, exhale.

Inhale, exhale.

Inhale, putang-ina Ellie bite your tongue. Exhale.

"Baka ano... Mukhang... Ano ba, putang-ina. Baka may magalit, okay?" Fuck.

Biglang nag-init iyong ulo ko for one second tas nag-transfer sa pisngi ko at siguro ay nagba-blush na ata ako ng wala sa oras. Hindi ko dapat sinabi iyon! Bakit hindi ko kayang mag-keep ng secret, nakakainis!

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon