I know Manang saw me pero imbes na bumati ako sa kaniya ay dali-dali akong bumalik sa kwarto, panicking the shit out of me. "Shit!" Malutong na mura ko pagdating sa loob.
"What the hell happened to you?"
Dali-dali kong sinuot iyong pants ko at saka nagbihis na din ng shirt. Baka ano pang isipin ni Manang na suot-suot ko iyong damit ni Troy, which is basically a useless damage control move because she's already seen me. Stupid, Ellie. Putragis lang. "Nasa Manang sa labas!" Hindi ko na itinago ang panic sa bibig ko.
I've had enough for a week already! Wala naman akong ginagawang masama pero paulit-ulit akong nagi-guilty. Ni hindi ko nga alam anong iisipin ni Manang, hindi naman siguro siya magagalit o ano. Matanda naman itong mokong na ito pero kahit na, nako-conscious pa rin ako. Nahihiya din siguro that I was too certain nothing was going on between me and Troy. Kaya nga ako komportable pumunta dito basta dahil lang sa trabaho, because work is work.
"It's okay this time, Ellie. It's Manang. She's seen you here a hundred times already."
I glared at him habang nagsusuklay. "Not wearing your shirt at saka Troy! Nakapanty lang ako kanina. Tangina, nakakahiya!"
Bumangon na din siya at nag-ayos ng sarili niya. He usually just walks out of the room topless pero para sabayan din siguro ang panic mode ko, nagsuot na din siya ng shirt. "Huwag iyan!" I told him when he picked up the shirt I was wearing earlier.
Hindi ko alam kung anong iniisip ng taong ito pero nase-sense ko talaga na gusto niyang tumawa. Kanina pa nga nagpipigil ng ngiti, siguro natutuwa siyang makita na maihi ako sa sobrang kapraningan. Hinampas ko nga sa braso and looked him in the eyes, "Ang saya mo, ha."
"You're overthinking, Ellie. Manang won't mind, I'm sure." He caressed my shoulders in an attempt to soothe me pero nope, not working. Not this time, I guess. "I'm sure she wasn't even surprised, was she?"
He's trying to comfort me or bawasan iyong worry ko pero feeling ko nagba-backfire lang lahat ng sinasabi niya. "Hindi na siguro siya nabigla kasi palagi ka namang nagdadala ng mga babae dito. Palagi siguro siyang nakakakita ng mga naka-panty sa kusina!"
I can't believe I'm hearing this coming from my own mouth. Paano ba naging panic mode to selosa mode within minutes itong nararamdaman ko. Hindi pa nakakatulong na panay lang ang tawa ang taong ito. Kinurot ko siya sa nipple niya sa sobrang inis kaya naman napa-aray siya, "Bwisit! Magbihis ka na nga!"
"Hindi ka pa naman aalis, bakit nakapang-lakad ka na?" He said, completely ignoring everything I said. "Just wear my shirt, babe. Just let Manang think what she wants to think. We're old enough to choose who we spend the night with."
"Magbihis ka na nga kasi tapos mauna kang lumabas kasi nahihiya pa ako bigla na lang akong tumakbo papasok dito nung nakita ko si Manang." Napa-takip na lang ako ng mukha sa sobrang hiya. Para akong teenager na nakita sa kwarto ng teenager kong boyfriend din.
"Fine, fine. Just... be cool there, okay? We got this." He kissed my forehead before putting on a shirt. Parang duwag naman akong nakabuntot lang sa likod niya. Ngayon ko lang ata na-realize na kahit minsan, iniisip ko hindi siya invested sa aming dalawa, he's always the one to fix things and explain things sa ibang tao. So, yeah. I think we got this.
"Good morning, Manang."
"Good morning, po." Nanliit bigla iyong malaki kong boses. Tina-try kong magtago sa likod ni Troy pero baka isipin ni Manang, ang clingy kong tao. Nako-conscious talaga ako sa iniisip niya. Feeling ko nami-meet ko iyong second mom ni Troy kahit na matagal naman na kaming magkakilala ni Manang. I've always been here as his secretary tapos ngayon, bigla na lang ganito. Hindi ko alam anong iniisip niya pero sana, kung ano man iyon, sana hindi masama.
"Kain na kayo," turo niya sa kusina. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng judging look o Bakit ka andito? look. She is just her usual self habang ako, hindi ko alam kung magapaka-sekretarya ba ako o magpapaka.... hay, ewan.
I'm basically shaking o kung hindi man, feeling ko talaga, nanginginig ang tuhod ko. Nakasunod lang ako kay Troy na papunta sa kusina. Gusto ko mang mangumusta ay hindi naman ako makapagsalita. Baka nga hindi ako makalunok ng pagkain pero baka kasi ma-offend si Manang, pinaghandaan pa naman niya ito kahit hindi niya inaakalang andito ako kaya dapat hindi ako mag inarte.
"Kanina ka pa po?" Troy asked while we both seated. Gusto ko sanang mag-kape pero bigla talaga akong nahihiya. Hindi ko ma-explain. Para namang nabasa ni Troy iyong isip ko kaya naman tumayo siya atsaka nag-timpla ng kape. Tumayo din ako at sumunod sa kaniya kasi hindi talaga ako sanay na walang ginagawa.
"Ah, oo, iho. Maaga kasi sana akong uuwi sa amin kasi birthday ng bunso ko kaya inagahan ko na din ang punta dito. Mga wala pang alas-kwatro."
"Ako na," bulong ko kay Troy na hinahanda iyong kape.
"Got this. You just seat there."
"Ako na kasi." I practically begged. Baka naman pwedeng mag-usap na lang sila ni Manang ng iba't ibang bagay. I can just be invisible. Okay lang talaga!
Nagsimulang magligpit si Manang ng mga gamit sa kusina pati na mga grocery kaya mas malapit na siya sa amin ngayon. Dapat si Troy na bumibili ng pagkain niya, eh. Palagi ko namang pinapaalalahanan pero palagi niya namang nakakalimutan.
"Ellie, kamusta ka na, iha?"
Bigla na lang akong napatalikod at umupo sa dining table. "Ah, okay lang naman po." I politely said, more polite than the usual siguro. Tangina, Ellie, act natural nga. Parang kriminal naman kung maka-kilos. Nakakaloka. Troy joined me later. Nakahinga naman ako ng kaunti.
"You're so tensed."
"Shut up." Bulong ko sa kaniya at nagsimula ng kumain. Bahala na nga, mags-stress eating na lang ako. Para naman akong nakikipag-date ng artista nito. Panay lang kaming nagtatago pero palagi namang nahuhuli. Hay.
Lumayo si Manang sa amin dahil may ginagawa siya sa sala. Nagpupunas ata ng mga gamit kaya naman nakahinga na ako ng mas maluwag. "Phew." I mindlessly said at balik ulit sa pag-eenjoy ng pagkain.
"You're acting like we did something wrong. I think it's time that we and most of that time that would be you more than me, be cool if other people see us, Ellie."
Napakagat ako ng labi. The idea is not really bad pero kasi naman... takot kasi akong magtanong pa. Ano ba kami?
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...