17. Choices

1K 23 0
                                    

I'm flattered. Iyong tipong napatunayan kong hindi ko naman pala kailangang kabahan na baka matulad kami ng mga naging relasyon niya. Kaya nga kinikilig ako. I feel flattered and kilig. Iyong parang feeling ko pasko kahit malayo pa ang Disyembre.

Ibinalik ko ang yakap niya and it feels... warm. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong init. Hindi iyong pang-malibog, iyong parang binabalot lang ako ng napaka lambot na kumot.

"Huwag ka munang magbitiw ng mga salita na ganyan... Inisip ko ng matagal ito, kaya pag-isipan mo din." sabi ko na lang. "Uuwi muna ako para makapag-isip ka kasi ako, tapos na akong mag-isip." I gave him a peck on the lips, "Bye."

Tahimik na ulit ang apartment pag-uwi ko hindi tulad kanina na halos sumabog na ang eardrums ko habang nandidiri sa mga lumalabas sa bibig ng kapatid ko pero medyo na-miss ko tuloy, hindi lang iyong kapatid ko pero iyong may kasama.

Hay, bakit parang may kulang? Isang araw lang akong nag-absent pero parang ang bigat ng pakriamdam. Iyong wala naman akong ginawa pero iyong isip ko, drained na drained.

Binuksan ko ang TV at nagsearch sa youtube ng mga videos. I typed Venice at pagkatapos i-click ang search, lumabas ang iba't ibang vlogs at virtual tours. I clicked the one na walang music, walang commentary, walang host. 

Iyong naglalakad lang siya sa paligid. Napangiti ako habang iniisip ang mga buildings doon. Iyong matatagal na pero parang hindi naman dinala sa modern world. Para ngang ako ang dinala sa panahong bagong gawa pa ang mga iyon.

Nakakamiss mag travel kahit hindi naman ako byahista. Noon, palagi kong sinasabi sa sarili ko na pag nagkapera na ako, ba-byahe talaga ako at talagang pinangarap ko pa talaga ang around the world. Ang sarap mangarap. Hindi naman ako mayamang-mayaman pero may pera naman ako kung gusto kong gumala pero ewan, parang kulang sa panahon o palagi kong iniisip na walang time. Hanggang drawing lang pala iyong plano ko.

I reached out for the view on the TV. Biglang gusto kong mag-emote... Lalo na nung na-realize kong ang layo pala. Nasa harap ko lang iyong TV pero iyong view... napakalayo. Kailan kaya ulit ako makakalayo?


"Alam mo, mag-kape kaya muna tayo?"

"Late na ako, Ate. Baka nasa office na si Sir. Kailangan ko pang itanong kung may babaguhin pa ba sa schedule niya. Kailangan kong bumawi because you know, MIA ako last week. You know naman this girl, talagang making up for the lost time. Kaya nga maaga ako, charot."

"Libre ko, bhe. Coffee. Tsaka ako na bahala kay Bossing. Sus, friends na kami. Nag-usap nga kami, diba? Nag thank you nga siya sa akin nung nag-promise akong hindi ko ipagkakalat na nagki-kiss kayo."

Napa-awang naman ang labi ko. Anong pinagsasabi ba nitong si Troy? "Seryoso? Nangyari iyan?" Medyo late na ako at dapat nagmamadali akong bumalik sa opisina pero kasi naman, etong si Ate Tia talagang inabangan pa ako sa elevator. Para naman akong tatakas nito.

"Ya-huh. Naks ha," mahina niya akong sinuntok sa braso. "May paganyang moves na pala si Bossing. Mukhang iba na, ah. "

I wanted to smile pero parang may iba kaya imbes na sakyan ko ang mga hirit niya ay naguluhan lang ko. Parang may something off talaga.

Papasok na sana ako ng floor namin pero pinigilan ako ni Ate Tia, "Kape muna tayo, bhe. May kailangan akong i-share. Emergency talaga."

Nag-worry tuloy ako bigla. Ano kayang problema niya? Bakit parang hindi na makahintay?

Napabuntong hininga na lang ako, "Sige na nga pero magpapa-alam muna ako kay Sir. Working hours pa rin, Ate. Atsaka iyong drama ko nga last week diba. Baka sabihin, ang tamad ko na. Pero promise, makikinig talaga ako. Wait lang."

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon