CHAPTER 18

31 2 0
                                    

Chapter 18: THE HEIRESS 4.0


NICOLE'S POV

WALA nang salita pa'ng namutawi sa pagitan namin sa hapag. Tahimik naming tinapos ang agahan hanggang sa sabay-sabay na kaming nagtungo sa kani-kaniyang gawain. Si Astrid ay naghahanda na sa pagpasok, maging ako rin. Si Inay ay naglilinis na ng bahay, samantalang si Itay naman ay namamasada na.

Alam kong may tinatago sila sa akin pero hindi na ako nag-abalang magtanong dahil paniguradong hindi rin naman nila ako sasagutin.

Umalis na rin ako ng bahay at nagpaalam sa kanila. Matamlay pa rin ang kilos nila.

Nang makarating sa guard house ng eskuwelahan ay sandali pa akong nakipag-batian kina kuya pogi at ate Sally saka ako dumeretso papasok at pumanhik sa Janitorial Room.

Naroon na si Marlon, nakahanda na nang makarating ako. Sabay naming inilabas ang mga kakailanganin sa paglilinis saka kami sabay na nagtungo sa unang hallway na paglilinisan.

Habang nagmo-mop ay hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit kaya gano'n ang inaasta nila? May nangyari kaya kagabi? May nagawa ba ako? Bahagya akong umiling-iling sa aking isipin.

"Hey," napalingon ako sa likuran, tumambad ang imahe ni Raizen. "Hi," tipid na bati ko dahil wala ako sa mood makipag-usap.

RAIZEN'S POV

HABANG papalapit kay Nics ay hindi ko maiwasang magtaka sa inaasta niya. Parang ang lungkot at tamlay niya.

Nang tuluyang makalapit ay tinapik ko ito sa balikat at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Are you okay?"

"Yes," kaswal na sagot niya, hindi pa rin ako kumbinsido. "Lets go." Ani ko saka pahablot na kinuha ang kamay niya. Hindi naman siya nagprotesta at nagpatianod na lamang sa kung saan ko siya dadalhin.

Nang makarating sa may garden ng school ay iginiya ko siya paupo. "Tell me what happended." Pinasadahan ako nito ng tingin saka tumingala sa langit. "Ang seryoso kasi ng pamilya ko, hindi ako sanay," panimula niya, sinasambit niya ang bawat salita na tila iyon na ang pinaka-mabigat na problema. Hindi ko maiwasang matawa dahil parang doon lang at naka-simangot na siya? "Bakit ka tumatawa?" Sinamaan ako nito ng tingin saka ngumuso. "Hahaha."

"Huwag mo ako pagtawanan! Ikaw kaya! Sige nga, hindi ka ba malulungkot kapag hindi pa pinapansin ng girlfriend mo?" Nagmamaktol na aniya kaya hindi ko maiwasang mapahagalpak. Akmang magsasalita na ako nang tumunog ang phone ko.

Nagulat ako nang tumambad ang pangalan ni Yazz sa telepono. "Excuse me," paalam ko saka tumayo at lumayo sa kaniya. "Hi, babe."

[Babe? We need to talk.]

Sandali akong natigilan. "About what, babe?"

[Let's have a coffee, pag-usapan natin sa ise-send kong address.]

Napangiti ako dahil niyaya niya akong makipag-date. "Sure!" Bibong aniya ko. Bahagya pa akong ngumuso nang patayin na niya agad ang linya. Wala man lang I love you?! Damot!

Lumapit na ako kay Nics at tinulungan siya makatayo. "Nics, I have to go, may importante kasi kaming pag-uusapan ni Yazz," ngumiti ako ng nangungumbinsi, gano'n din ang ginawa niya. "Sige," aniya saka nagpaalam na at kumaway.

Nang masigurong nakalayo na siya ay saka ako nagpunta sa 'may parking lot. Sumakay agad ako sa kotse at lumabas sa school. Tungkol saan kaya 'yung pag-uusapan namin? Kahit pa 'may ideya na ako ay ipanagsawalang-bahala ko na lamang iyon.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon