UNEDITED.
Chapter 35: H.A.N.D.S.O.M.E × B.I.T.C.H.
ANDERSON'S POV
PINALIBUTAN ako ng sampung tauhan. Bagaman madilim, nakikita ko pa din ang ngisi sa kanilang mga labi. "Matagal na kitang gusto patayin, Anderson." Napalingon ako sa likuran ko. Kilalang-kilala ko ang tinig na iyon. "Well, bring it on." Matapang na sagot ko kay Drew, ang taong tinuturing akong karibal sa lahat ng bagay. Nakita ko kung paano kumislap ang mga ngipin niya nang ngumiti ito.
Napalingon ako sa likuran nang maramdaman kong may susugod sa akin. Naglabas ang mga iyon ng baril, at hindi ko inaasahan iyon. Wala akong laban sa ngayon dahil hindi ko dala ang revolver ko. Bumuntong-hininga nalang ako saka nagsimula nang sumugod.
Pinaputok ng dalawa ang kanilang baril patungo sa direksiyon ko, ngunit tumalon ako upang salubungin ang dalawang bala, saka ito sinipa upang bumalik sa dating kinaroroonan. Agad akong tumakbo papunta sa isang tauhan, at sa isang iglap ay naagaw ko ang baril nito. Hindi nito inaasahan ang bilis ko, kaya hindi na siya nakapalag pa nang paputukan ko siya sa ulo. Dinaklot ko ito sa damit upang ipang-harang ko sa mga balang tatama sa akin.
Inihagis ko ang bangkay na hawak ko sa dalawang tauhan na magkadikit. Sabay itong natumba kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makatakbo sa kinaroroonan nila at dagliang paputukan ng baril sa dibdib. Ang isa ay naghingalo agad, at iyung isa ay nakaiwas.
May naramdaman akong presensya sa likod ko, kaya bago pa ako lumingon ay sumipa na ako patalikod. Naramdaman kong tumama ito mismo sa ilong niyon, kaya humarap agad ako upang paulanan siya ng sipa sa iba't iba'ng barte ng katawan. Nagpaputok ng baril si Drew, kaya agad akong umiwas. Tumalon ako sa likod ng kaninang sinisipa ko, kaya siya ang natamaan ng bala sa bandang tiyan. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon upang hawakan sa ulo ang tauhan na iyon, saka padarag na binali ang leeg niyon.
May naramdaman akong sumuntok sa likod ko, kaya nilingon ko ito. Sumuntok ito ng sumuntok, ngunit agad akong nakakaiwas sa mga pag-atake niya. Palihim kong itinutok sa ari niya ang baril na hawak ko, saka ito ipinutok. Bumagsak agad ito at tumimbawang sa sahig.
"Wala ka pa 'ding kupas, Anderson." Narinig kong sambit ni Drew, nilingon ko ito saka nginisihan at kinindatan. "Of course." Sa isang iglap ay nakalapit agad ako sa kaniya. Nagulat ito, kaya hindi niya inasahan ang pagsipa ko sa mukha niya. Tumalsik ito, kaya lumapit agad ako sa direksiyon niya saka nagpaulan ng suntok at dagok sa iba't iba'ng parte ng katawan. Naglabas siya ng baril, saka ito mabilisang itinutok sa ulo ko. Ngumisi ako, at sa isang kisap-mata ay nakuha ko ang baril na hawak niya, at nagkapalit na kami ng sitwasyon. Itinutok ko agad ito sa ulo niya, saka walang-alinlangang ipinutok.
Napatingin naman ako sa lima pang natitirang tauhan. Pawang mga nakatutok na ang mga baril nito sa akin. Inasinta nila ito sa akin, saka sabay-sabay na nagpaputok. Ngunit gano'n nalang ang gulat nila nang muli akong tumalon upang salubungin ang bala nila, saka sinipa ang mga iyon upang bumalik sa direksiyon nila. Sabay-sabay silang napailag nang bumalik sa kanila ang pinaulan nilang bala. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang makalapit sa kanila. Inihagis ko sa kung saan ang hawak kong dalawang baril, saka inagaw ang baril nang kaharap ko. Dinagukan ko ito damit ang baril na hawak ko, kaya tumalsik ito.
May tumamang bala sa binti ko, ngunit hindi niyon nagawang panghinain ang katawan ko, at sa halip ay lalo pa akong nabuhayan. Napatingin ako sa direksiyon ng bumaril sa akin, saka tinaliman ng tingin. Dagli akong lumapit dito saka pumanhik sa likod niya at itutok ang baril na hawak sa sintido niya. "Unfair naman kung ikaw lang ang makakabaril sa ating dalawa." Mariing sabi ko, natigilan siya at napalunok. "Ich bin an der Reihe, dich zu erschießen, dummer Mutterficker." Ngumisi ako saka walang alinlangang ipinutok ang baril sa sintido niya. Tulad kanina, dinaklot ko ito sa damit saka ginawang pangharang sa mga balang tatama sa akin.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...