CHAPTER 23

25 1 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 23: SLEEPOVER

XYRINE'S POV

"MOM, Dad." Lumapit ako sa kama nila saka nagmano. "Why, dear?" Tanong ni Papa, si Mama naman ay binigyan ako ng parehong nagtatakang tingin. "Puwede po ba matulog 'yung friend ko dito? Gabi na po kasi, eh. Ayaw ko na po siya pauwiin sa kanila," Nanghihingi ng pahintulot ko, nagkatinginan silang dalawa. "Puwede naman natin siyang ipahatid sa driver," Ani Mama, ngumiti ako. "Gusto ko po siya kasama, eh, please?" Ngumuso ako saka nag-puppy eyes. Napangiti sila pareho saka isinenyas ang mga pisngi. Nakuha ko naman ang ibig nilang sabihin. Kiss 'muna. Nakangiti akong lumapit muli sa kanila saka hinalikan ang magkabila nilang pisngi. "Okay, dear, enjoy kayo!" Masayang sabi ni Mama, nakangiti akong tumango-tango.

Lumabas na ako sa kuwarto nila saka bumalik nang muli sa kuwarto ko para ihatid kila Astrid at Kammy ang magandang balita.

Kumatok muna ako saka tumuloy sa loob.

Doon ko muling naabutan sila Astrid at Kammy. Nag-la-laptop si Astrid para sa mga research, samantalang si Kammy naman ay nagsusulat sa scratch ng mga ideas. Magkatabi sila sa study table ko at nag-uusap about sa topic namin.

Nandito silang dalawa dahil may groupings kaming tatlo. May reporting kasi kami sa Science, ang i-grinoup kami sa tatlo. Masaya naman kami dahil kaming tatlo ang magkaka-grupo. Friday ngayon at sa Monday ang reporting namin, kami ang mauuna sa reporting. Napagpasyahan naming tatlo na sa bahay ko na lang gumawa. Napag-isipan namin na ngayong araw na gawin ang report, para bukas ay mamamasyal nalang kami sa mall. Actually, kanina pa sila dito, ginabi lang dahil sa mahirap ang topic namin at medyo mahaba-haba iyon.

"Hey, I'm back!" Masayang sabi ko, nilingon naman nila ako. "Matatapos na tayo, Xy, uuwi na din kami mamaya." Sabi ni Astrid saka ipinagpatuloy ang ginagawa. "Nah, ipina-alam ko na kila Mom and Dad na dito na kayo patulugin."

Nagkatinginan silang dalawa saka sabay na napa-hagikhik. "Talaga?" Lumingon silang dalawa sa akin nang may makinang na mata, tumango ako. "Anong sabi nila? Pumayag ba?" Sabay na tanong nila, natatawa akong tumango. "Waah!"

"Saan gusto niyo matulog? Dito sa tabi ko o sa guest room?" Tanong ko saka tumabi sa kanila at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. "Dito na lang," Masayang sabi ni Astrid, tumango naman ako.

Nagpatuloy pa kami sa ginagawa hanggang sa matapos kami. Napagdesisyonan naming manoond muna ng movie bago matulog. "Kuha lang ako ng snacks sa baba," Paalam ko saka lumabas ng kuwarto.

"Sa guest room kayo?"

Nagulat ako ng marinig ang boses ni kuya mula sa baba. Dalidali akong bumaba upang silipin kung sino ang kausap niya.

Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang HANDSOME dito. What are they doing here?!

"Doon nalang kami sa kuwarto mo," Si Aldrich ang tumugon, nag-tanguan sila. Akmang aakyat na silang lahat nang magsalita si kuya. "Mamaya na kayo umakyat! Iinom pa muna tayo, 'di ba?" Pabulong na singhal ni kuya, nagkatinginan sila lahat saka muling nagtanguan.

Lumabas na silang muli sa bahay at hindi ko na alam kung saan na sila nagpunta. Dito sila matutulog? Muli kong tinignan ang pintuan na pinaglabasan nila saka napagdesisyonang pumunta na sa kusina para kumuha ng drinks at popcorn.

Sasabihin ko ba kila Astrid at Kammy na nandito sila? Napa-iling ako sa sariling isipin. Baka magpapilit silang umuwi. Mas mabuting huwag ko na lang sabihin. Napa-buntong hininga na lamang ako.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon