UNEDITED.
Chapter 41: FUNDAY FRIDAY 3.0
NICOLE'S POV
"NICOLE!" Sabay na pag-awat nila Papa at Mama, pero wala pa din ako sa katinuan.
Naramdaman ko na lamang na buong puwersa akong hinila ni Mama, habang si Papa naman ay sinalo ang tita ko.
Niyakap ako ni Mama, at doon ako unti-unting bumalik sa sarili. Hinihingal akong napatingin sa tita ko, na ngayon ay nanghihina nang nakatingin sa akin ng masama. Natitigilan akong tumitig sa kaniya. "Anak, huwag mo hahayang kainin ng galit ang puso mo." Gumaralgal ang tinig ni Mama habang nakayakap sa akin, nangilid ang mga luha ko. "I'm sorry, Ma." Humigpit ang yakap ko sa kaniya, hinaplos-haplos naman niya ang buhok ko. "Shh," Inalo pa ako nito, saka hinigpitan ang yakap sa akin.
Bring me to life
Bring me to life
Bring me to life"We're not done yet." Madiing banta ni tita, napalingon ako sa kaniya. Matalim ang mga titig nito sa akin, kaya napalunok ako. "I-I'm sorry." Sinserong sabi ko, saka humiwalay kay Mama ng yakap. Muli kong tinitigan si Mama, saka pumanhik papalapit sa direksiyon ni tita, na ngayon ay nakatayo na ng tuwid. Si Papa naman ay lumayo sa amin, saka lumapit kay Inay upang yumakap dito. "Don't you dare come near me." Nanggigigil na banta nito, saka ako dinuro. Tumigil naman ako sa paglapit saka nagbaba ng tingin. "We're not done yet." Pag-uulit nito, at sa isang iglap ay nawala na siya sa paningin ko.
Nag-angat ako ng tingin, at napatitig sa kaninang kinatatayuan niya. Naramdaman ko na lamang ang paglapit sa akin ng mga magulang ko. "Anak," Napalingon ako kay Papa, na ngayon ay nakangiti na sa akin. "Ready for some more?" Ngumiti ito sa akin saka kumindat, natawa naman ako. "Yes, Pa." Lumapit ako sa kaniya saka yumakap. "Papa." Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mga luha ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Finally, we met after 20 years." Emosyonal na sabi ni Papa, tumango-tango naman ako habang naka-subsob pa din ang mukha ko sa dibdib niya. "Aww," Gilalas ni Mama saka nakisali sa yakap namin. Napangiti na lamang ako dahil sa nangyayari ngayon. Wala na akong mahihiling pa, at ito na 'yata ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko. "Mamaya na tayo magdrama. 'Diba may contest ka pa?" Untag ni Mama, tumango naman ako. "Oo 'nga pala, nasa'n sila Marlon at Ate Rosemary?" Inilinga ko ang paningin sa paligid. "Ah, pinauna ko na sila sa auditorium." Tugon ni Papa, tumango-tango naman ako. "Sige na, anak. Pumanhik ka na sa backstage ng auditorium. Nag-aantay na sila sa'yo du'n," Ani Mama, tumango naman ako saka ngumiti sa kaniya. Nagpaalam pa ako sa huling pagkakataon, saka humalik sa kanila. Nang matapos ay agad na akong tumakbo papunta sa backstage ng auditorium.
Doon ko nakita ang napaka-raming taong nanonood at nakikinig. May mga staff, teachers, students at marami pang ibang nanonood. Habang inililinga ang paningin ay bigla kong nahagilap si Flint, na ngayon ay nakatitig na din sa akin. Agad itong nag-iwas ng tingin, at ibinaling na lamang ang atensiyon sa harap. Ako naman ay tuluyan nang pumasok sa backstage.
"Nicole!" Sabay na sambit nila Marlon at Ate Rosemary, saka ako niyakap at sinipat. "Are you okay? Pinauna na kami 'nung lalakeng nagligtas dito, baka daw lalo lang kaming mapahamak kapag nagtagal kami doon." Paliwanag ni Ate Rose, tumango naman ako. "Maayos na iyon, at baka mahirapan pa kami sa pakikipaglaban." Komento ko, tumango naman sila pareho. "By the way, tayo na ang susunod na magpeperform. Kaya mo pa ba?" Nag-aalalang tanong ni Marlon, tumango naman ako.
Sandali pa naming inatay ang kumakanta. Nang matapos na iyon ay tinawag na kami sa unahan, upang kami naman ang mag-perform. Sinalubong kami ng palakpakan at hiyawan nang tuluyan na kaming makapunta sa unahan.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...