CHAPTER 24

74 22 10
                                    

UNEDITED.

Chapter 24: Mall

ASTRID'S POV

"SAAN ka nagpunta, ha, bata ka?" Nagulat ako nang pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay bumira agad si Inay. "A-Ah, sa bahay lang po ng kaibigan ko," Maiksing paliwanag ko saka naupo sa may upuan sa may sala. "Bakit, ha? Anong ginawa mo 'don?!" Singhal ni Inay kaya napatakip ako ng tenga ko. "Ganito kasi iyon Inay," Panimula ko. "May groupings po kami sa bahay nila Xyrine kagabi. Nakalimutan ko po magpaalam sa inyo na sa kanila ako matutulog," Ani ko saka muling tumayo at niyakap si Inay. "Sorry, 'Nay." Hinagod ako nito sa likod ko saka yumakap na din. "Nag-alala lang kami sa iyo,"

Mayamaya pa ay may narinig na akong yabag ng mga paa. Nasisiguro kong si Ate iyon dahil nararamdaman ko na ang init sa paligid, alam ko na galit siya.

"Ano, nag-enjoy ka ba?" Sarkastikong tanong ni Ate habang papalapit sa akin, ngumuso ako. "Nag-groupings lang kami," Naka-labing sambit ko, ngumiwi siya. "Oh, kumain ka na?" Tanong niya saka yumakap sa akin. "Hindi pa, umuwi nga ako agad, eh."

"Oh, siya maglalaba na ako," Sabi ni Inay saka iniwan na kami ni Ate. "Si Itay?" Untag ko habang inililinga sa bahay ang paningin. "Wala na, namasada na," Aniya saka ako iginiya papunta sa hapag. "Diyaan ka muna at kukuha ako ng makakain mo," Napatingin ako sa kaniya saka tumango. "Kumain ka na ba, Ate?" Tanong ko habang kinukutkot ang lamesa. "Oo, kanina pa. Siya nga pala," Lumabas na si Ate mula sa kusina. May dala na itong kanin, ulam at tubig. "Lagot ka kay Itay, nako, tumaas ang presyon niya dahil sa'yo. Grabe nerbyos namin kahapon! Bakit kasi hindi ka nagpapaalam, ha?" Inilapag ni Ate sa harapan ko ang pagkain. "Nakalimutan ko, eh." Napapakamot sa sintidong sabi ko. Nasapo naman ni Ate ang sariling noo. "Oh, siya, nakalimutan ko palang kumuha ng kutsara mo, ikaw nalang ang kumuha at aakyat na ako sa itaas, may pupuntahan ako." Aniya saka akmang aalis na nang magtanong ako. "Saan ka pupunta, Ate?" Takang tanong ko habang nakatingin ng deretso sa kaniya. "Ah, may announcement kasi sa aming mga trabahador sa Divian High, pupunta ako do'n." Paliwanag niya. Tumango naman ako at hinayaan na siyang maka-alis. Ako naman ay kumuha na ng kutsara saka naupo na upang maka-kain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito upang basahin ang message.

From: Xyrine

Alas-tres tayo pupunta sa mall, pakisabi na lang kay Kammy, wala kasi akong number niya.

Napatingin naman ako sa wall clock. Alas-diyes palang ng umaga. Muli kong tinignan ang cellphone saka nag-reply.

Compose Message:

Sige.

Hinanap ko naman ang pangalan ni Kammy sa cellphone ko.

Compose Message:

Kams, alas-tres daw tayo pupunta sa mall.

Binitawan ko na ang cellphone at tinapos na ang kinakain. Hinugasan ko na ang pinagkainan ko nang matapos saka umakyat na sa kuwarto upang muling matulog.

SAKTONG alas-dos ako nagising. Tumayo na agad ako saka nagsimulang mag-ayos. Nang matapos na ay bumaba na ako at doon ko naabutan si Inay na nagwawalis. "Inay, pupunta po akong mall, gagala po kami ng mga kaibigan ko," Paalam ko. Nilingon naman niya ako saka tinanguan. "Sige, umuwi ka na bago mag-alas otso." Sabi nito saka muling ipinagpatuloy ang paglilinis. Ako naman ay lumabas na.

Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko para i-dial ang number ni Xyrine.

"Xy," Panimula ko saka tumigil sa paglalakad upang kawayan ang tricycle.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon