CHAPTER 39

20 1 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 39: FUNDAY FRIDAY 2.0 / ATARAXIA LACUNA TACENDA HERNANDEZ

ASTRID'S POV

~CONTINUATION OF FLASHBACK~

KINABUKASAN, nakangiti akong pumasok. Linga dito, linga doon. Hinahanap ko sila Xyrine at Kammy, pero wala pa din.

Hanggang sa maka-tatlong subject na kami ay wala pa din sila. Nanlumo ako, hindi alam ang gagawin. Bumuntong-hininga nalang ako saka ipimagpatuloy ang araw ko.

Tulad ng inaasahan ko, hindi sila pareho pumasok sa araw na ito. Dahil doon ay dumaan ang araw ko na naging malungkot at matamlay ako. Hindi ako nakapag-break, kaya lalo akong naging matamlay. Sa labas lang ng bintana ang tingin ko, at hindi na maalis pa doon ang paningin ko. Naririnig ko ang paghalakhak ng HANDSOME at BITCH sa nangyayari sa akin, ngunit hindi ko na iyon nagawa pang pansinin. Masyadong naging okupado ang isip ko dahil sa biglang panlalamig nilang dalawa sa akin. Masakit 'man tanggapin, alam kong may problema kami. Hindi ko alam kung ano iyon, basta alam kong may dahilan kung bakit nila ito ginagawa.

Nang tuluyan nang matapos ang klase namin para sa araw na ito ay kaagad na akong umalis sa room. Kinuha ko ang cellphone ko, saka sila tinawag pareho. Pero gano'n nalang ang panlulumo ko nang hindi nila sagutin iyon. Binabaan nila ako pareho ng tawag, at hindi ko maintindihan kung bakit.

Habang naglalakad papauwi ay hindi ko maiwasang tumingala sa madilim na kalangitan. "Baka pinaghahandaan lang nila ang sorpresa nila sa akin para bukas," Napangiti ako sa sariling sinabi. Nabuhayan ako ng loob, kaya nakangiti kong ipinagpatuloy ang paglalakad, hanggang sa maka-uwi ako.

KINABUKASAN, hindi muna ako dumiretso sa Divian High, at sa halip ay pumanhik muna ako papunta sa isang kilalang bake shop. Bumili ako ng isang special na cake, dahil espesyal ang araw na ito.

Nakangiti kong tinitigan ang cake habang buhat-buhat ko iyon, dahil nai-imagine ko ang mga itsura nila kapag nakita at natikman nila ito. Napahagikhik ako dahil sa sariling isipin.

Gumala 'muna ako sa isang mall, upang ibili sila ng regalo. Napagpasyahan kong sa break-time nalang ako papasok. Pumanhik ako sa isang accessories shop, dahil alam kong mahilig silang dalawa sa mga alahas. Madami akong nakitang mamahalin at magagandang accessory, pero ang trio-bracelet na iyon ang tanging nakapukaw sa atensiyon ko.

Tatlong magkakaparehas ng design ang mga bracelet na iyon. Lahat ay itim, at mayroong hugis-pusong disenyo sa gitna. May nakasulat ditong, 'Bestfriends', at napaka-ganda niyon. Agad kong kinuha ang tatlong bracelet na iyon, saka binayaran.

Sandali pa akong nagpalipas sa mall, bago ko napagpasyahang pumasok na. Gumawa ako ng kung ano-anong excuse sa mga guard, para lang papasukin ako.

Agad akong nagtatakbo papunta sa room namin, at doon ko sila naabutang nag-aayos palang ng gamit bago bumaba papuntang cafeteria. "Kams! Xy!" Nakangiting bati ko, nilingon naman nila akong dalawa, ngunit tulad no'ng isang araw ay malamig pa din ang titig nila sa akin. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin, saka sa cake na hawak ko, papunta sa bracelet na hawak ko din sa kabilang kamay ko.

Agad ko silang nilipatan. "Hi!" Nasasabik na bati ko, wala 'manlang nagbago sa reaksiyon nila. "Happy friend-sary sa ating tatlo! It's been a week since we met!" Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata nila, ngunit ka-agad din iyong napalis. "Don't worry, naaalala ko pa din ang anniversary natin, Xy." Ngumiti ako sa kaniya. "Ang sine-celebrate natin today ay iyong friend-sary nating tatlo, magmula nang makilala natin si Kammy!" Kinikilig na ani ko, habang sila ay seryoso pa ding nakatingin sa akin. "By the way," Inilagay ko sa bulsa ng palda ko ang bracelet na binili ko para sa aming tatlo, saka ko ipinatong ang isa kong kamay sa ilalim ng cake, para masuportahan. Binuksan ko na ang karton ng cake, saka nae-excite na ipinakita sa kanilang dalawa ang laman niyon.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon