UNEDITED.
Chapter 27: CEASEFIRE 2.0
NICOLE'S POV
"THAT'S it?" Inis na tanong niya saka itinuro ang bungad ng shop. "Yes, UK shop! Ukay-ukay shop!" Labas ang ngipi'ng ngiti ko saka siya hinawakan sa braso at hinila papasok.
Sandali akong natigilan, gano'n din siya. This scene is familiar. "Hinila na ba kita ng ganito dati?" Wala sa sariling tanong ko saka isinenyas ang kamay naming magkahawak. "No," Kaswal na sagot nito, tumango na lang ako saka siya binitawan. Paranoid lang siguro ako.
Nang makapasok na ay agad akong naghanap ng mga damit na bagay sa kaniya. Siya naman ay nakasunod lang sa akin.
"Bagay siguro 'to sa 'yo," Ani ko saka sinipat ang long-sleeve na checkered. "I don't like that one, I want plain colors," Sambit niya saka naghanap na din ng damit. Tumango ako saka ibinalik ang napili.
"This one?" Tanong niya saka ipinatong sa katawan ang shirt na napili. T-shirt 'yon na green. Plain color lang iyon pero masakit sa mata. "Matingkad masiyado, masakit sa mata," Tugon ko, tumango naman siya saka ibinalik ang damit.
Napatingin ako sa isang damit na itom na nakasabit sa itaas na parte ng shop, may tatak itong "Beast" sa harap na kulay puti. Mayroon din itong claw cuts na design sa pinaka-gitnang parte ng damit. "Ate," Pagtawag ko sa isang crew, nakangiti naman itong lumapit sa akin. "Yes Ma'am?"
"Puwede ba paki-tingin ako no'n?" Itinuro ko 'yung damit na nakita ko. Tumango naman ito saka kumuha saglit ng panungkit para iabot sa akin. Pagkakuha ay nagulat ako nang magsungkit pa si Ate ng isa at i-abot sa akin. Nakangiti ko naman itong tinaggap.
Akala ko ay pareho din ng design pero nakita kong pang-babae ito. Kulay itim din ito, pero ang nakasulat dito ay "Beauty". May korona naman itong design sa pinaka-gitnang parte ng damit. "Sige, salamat." Sabi ko saka iniwan ang crew do'n para puntahan si Flint na ngayon ay naghahanap pa din ng damit. "Heto, oh." Sabi ko saka inabot sa kaniya ang damit. Kinuha naman niya ito saka tinitigan. "Sige, okay na'to." Aniya saka muling ibinalik sa akin ang damit.
Sabay kaming nagpunta sa cashier para magbayad. "200 pesos po lahat, Ma'am." Anang kahera. Akmang kukuha na ako ng pambayad nang pigilan ako ni Flint at siya ang nagbayad.
Nang maiabot na sa amin ang damit ay ibinigay ko na sa kaniya ang damit niya. "Sa C.R. na ako magpapalit," Aniya, tumango ako. "Ako din."
Sabay na kami nagtungo sa banyo at nagkahiwalay na ng pinasukan.
Mga limang minuto akong naka-pila doon nang magkaro'n na ng bakanteng cubicle.
Nang makapasok ay agad kong hinubad ang shirt ko saka ipinalit ang t-shirt na binili ko. Matapos ko makapagpalit ay ipinony-tail ko ang buhok ko saka lumabas na. Naghugas ako saglit ng kamay bago lumabas.
Doon ko naabutan si Flint na bihis na at inaantay nalang ako. Napangiti ako nang makitang bagay sa kaniya ang damit na binili namin. "Bagay sa'yo, ah." Nakangiting sambit ko habang papalapit. "You too," Sambit niya saka sumabay na sa aking maglakad.
"Tara sa X-Site!" Masayang suhestiyon ko, tumango naman siya. "Doon sana ako pupunta kanina," Tugon niya, tumango naman ako. "Ah, siya nga pala, nasa'n na 'yung damit mo kanina?" Tanong ko saka sinipat ang kamay niya kung may hawak bang damit. "Ah, tinapon ko na." Kaswal na sagot niya, kumunot ang noo ko kasabay ng pagsapo ng sariling noo. "Jusko ka. Sayang 'yun!" Palahaw ko, may bahid ng panghihinayang. "Puwede pa namang labhan 'yun!" Dagdag ko, natawa naman siya. "Nah, don't worry about that. Madami akong gano'n sa bahay, at mas branded pa. Like Chanel for men, Gucci for also men, and many more." Mayabang na aniya, mangha akong tumango-tango saka umapak na sa escalator para makapunta sa itaas, gano'n din ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...