CHAPTER 42

69 8 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 42: FUNDAY FRIDAY 4.0

FLINT'S POV

"FLINT Sienfield Villin."

Nakatitig lang ako sa kaniya. Wala akong masabi, wala akong magawa. Natulala lang ako sa kaniya. Kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay hindi ko alam. Nakakagulat isipin na napaka-lakas ng epekto ng pagkakasabi niya niyon sa akin. Hindi matigil ang puso ko sa pagbilis ng tibok nito. Bagaman malamig sa auditorium ay pinagpapawisan ako. Gustuhin ko 'mang umalis na ay hindi ko magawa. Tila na-estatwa ako sa kinauupuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko, at hindi ko alam kung ano ang naging dahilan para maramdaman ko iyon. Sa wari ko ay mababakasan ng matinding pagkagulat ang mukha ko, kaya pinilit ko itong ibalik sa normal.

Ngumiti si Bitch sa huling pagkakataon, bago tuluyang umalis sa gitna ng stage. Napuno ang auditorium ng palakpakan at hiyawan, ngunit tila hindi ko alintana iyon. Nagugulat pa 'din akong nakatitig sa kaninang kinaroroonan niya. Umawang ng kaunti ang labi ko, ngunit walang namumutawing salita mula doon.

"Ready to know the Top 3 Band finalists?" Narinig kong untag ng emcee, kaya naituon ko ang atensiyon sa kaniya. Pinilit kong ipabalik sa dating katinuan ang isip ko dahil baka tuluyan na akong baliwin ng isipin ko. Naghiyawan ang mga tao, at todo cheer sa mga napusuan nilang kandidato. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kung ano ang pangalang babanggitin ng emcee. "The Top 3 spot goes to... The Nillionaire Band!" Nagpalakpakan ang mga tao, samantalang nagsisisigaw naman ang mga supporters ng bandang iyon. "Next. The Top 2 Spot goes to... The Ignoranus Band!" Sa wari ko ay ang bandang iyon ang napupusuan ng emcee dahil mas masaya niyang sinasambit ang pangalang iyon kaysa sa ibang grupo. Nagpalakpakan muli ang mga tao. "And the last but surely not the least. The 1st Spot goes to... The Orenda Band!" Mas malakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao ngayon. Maging ako ay bahagyang pumalakpak dahil sa pagkamangha. Dalawang beses ba naman nilang nakuha ang unang puwesto. "Without further due, let's now continue the contest." Umalis na ang emcee sa unahan, bago tinawag ang bandang unang magpeperform.

Aaminin kong maganda naman ang pagkakanta nila pero may kulang... Walang emosyon ang pagkakanta nila.

Hindi din naman nagtagal ay natapos na ang patimpalak. Hindi ko gaano napagtuunan iyon ng pansin dahil naging okupado ang isip ko. Ang alam ko lang ay sila Bitch ang nag-champion.

Matapos niyon ay agad na akong lumabas ng auditorium dahil nabo-boring na ako. Gumala nalang ako ng gumala sa mga booths, hanggang sa mapadako ako sa Horror House booth. Tinitigan ko iyon, bago ko napagpasyahang pumasok.

Namulsa ako saka prenteng naglakad sa kadiliman. May mga nanggugulat sa akin, ngunit pinapasadahan ko lang ito ng tingin. Umiiling nalang ako dahil hindi naman nakakatakot ang Horror House booth na ito--- "Waah!" May narinig akong tili, at huli na ng nalaman kong yumakap ang kung sino 'mang babae iyon. Natutop ako sa kinatatayuan ko, saka dahan-dahang nilingon ang babaeng iyon. "Get off me." Agad naman iyong napahiwalay ng yakap sa akin, saka ako pinasadahan ng tingin. "Flint?!" Nanlaki ang mga mata ni Bitch nang mapagtantong ako 'nga ang niyakap niya. "Tss," Nag-iwas ako ng tingin saka nagpaumunang maglakad. "H-Hoy! Antayin mo ako!" Narinig ko ang yabag ng mga sapatos ni Bitch na tumatakbo papalapit sa akin.

"Waah!" Natakpan niya ang mga mata nang may lumabas na zombie sa kung saan. "Ang OA mo." Gilalas ko, sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Hey!" Nagulat nalang ako nang yumapos siya sa mga balikat ko. "Natatakot ako," Ngumuso siya, siniringan ko lang siya ng tingin at hinyaan sa pagyapos sa akin. Gusto mo 'din naman. Nangunot ang noo ko dahil sa sariling isipin.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon