Chapter 15: THE HEIRESS
ASTRID'S POV
"DITO na muna kayo, Ms. Spencer at Ms. Lopez. Pumasok na lamang kayo sa room kapag sinenyasan ko na kayo, malinaw ba?" Tumango kami ni Xyrine saka namin pinanood ang pagpasok sa silid-aralan ni Ms. Armenia, lecturer namin sa English.
Nandito kami ngayon sa tapat ng silid ng Section A. Hindi namin makita ang loob nito dahil sa malayo kami sa pintuan at tanging harapan lamang nito ang aming nakikita. Ang sabi sa amin ni Ms. kahapon ay pumanhik muna kami sa kaniyang opisina, dahil sabay raw kaming tatalima papunta sa naturang seksiyon.
Sinunod naman namin ang kaniyang ipinag-uutos. Ang sabi niya sa amin kanina ay sandali muna raw siyang babati sa kaniyang mga estudyante bago kami sesenyasang pumasok na at magpakilala.
Naramdaman ko ang paghawak ni Xyrine sa aking kaliwang kamay kaya nilingon ko ito at binigyan ng nagtatakang tingin. "Kinakabahan ako." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aming mga kamay upang pagaanin ang kaniyang kalooban.
"Good Morning, class." Masayang bati ni Ms. Armenia sa kaniyang mga estudyante. Narinig namin ang langitngit ng mga upuan, hudyat na nagsipag-tayuan na sila at sabay na bumati sa guro. "You may now take you seat." Sinunod naman ito ng mga estudyante. "Okay, class. Marami sa inyo ang hindi pa nakaka-alam 'ukol dito kaya naman ay ihahatid ko na sa inyo ang magandang balita." Nakangiting panimula ng guro, habang inililinga ang paningin sa kaniyang mga mag-aaral. Tahimik lamang ang mga itong nakikinig sa kung ano ang susunod na sasabihin ng guro kaya naman ay nagpatuloy na ito sa pagsasalita. "May bago kayong magiging kaklase. Hindi transferee ang mga ito, 'kundi ay galing din sa paaralang ito. Kumbaga sa isang trabaho, na-promote sila dahil sa magagandang performances nila." Bagaman hindi ko nakikita ang reaksiyon ng mga estudyante sa loob, nasisiguro kong gulat ang mga ito sa balitang inihayag ng kanilang guro. Napatingin ako kay Xyrine nakikinig din kay Ms. Armenia.
"New classmate?"
"Ugh, bakit dito pa?"
"New friend!"
"Whatever."
Matapos makabawi ng mga estudyante mula sa pagkagulat ay samu't-saring komento ang aming narinig kaya hindi namin naiwasan ni Xyrine na mapatingin sa isa't isa.
Ang pananabik na mayroon kaming dalawa kahapon ay napalitan ng kaba, at hindi kami natutuwa sa ideyang iyon.
"Hindi ko na ito patatagalin pa. Let's all welcome, the new Section A students, your new classmates!" Matapos sambitin iyon ni Ms. ay nilingon kami ng mga ito at tinanguan, senyales na kailangan na naming pumasok at magpakilala.
Tila naging mabigat ang aming mga hakbang, at pinapabagal kami ng pakiramdam na iyon.
Tanging na kay Ms. Armenia lamang ang aming paningin, at hindi iyon inaalis hanggang sa tuluyan na kaming makapasok. Tinanguan kami nito na para bang sinasabing, magpakilala na kami. Nagkatinginan muna kami ni Xy, saka ako nito sinenyasang ako na muna ang mauna.
"I am.." Kabadong panimula ko habang nasa ibaba ang tingin, tila gusto ko nang magpakain sa lupa, lalo na nu'ng makarinig ako ng bulungan at bungisngisan. Napa-buntong hininga muna ako saka lakas loob na nag-angat ng tingin. Inilinga ko ito sa kabuuan ng silid. ".. Astrid Rose Spencer--" Naputol ako sa aking pagpapakilala nang mapadako ang paningin ko sa isang pamilyar na mukha.
Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin, lalo pa sumama ang kaniyang mga titig nang mapunta sa kaniya ang aking paningin.
Hindi ako nagpatalo, sinamaan ko rin ito ng tingin. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay tila napalis at napalitan ng galit at poot. Hanggang dito ba naman? Bwisit! Kailan ba ako lulubayan ng mga HANDSOME na iyan! Nakakapanggigil! Nakakasira ng araw, ang aga aga! "I am formally from Section C, but I am promoted here in this section." Tuloy-tuloy kong sabi, tila nawala 'ngang talaga ang aking kaba at napalitan ng lakas ng loob.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...