CHAPTER 33

62 17 5
                                    

UNEDITED.

Chapter 33: B.I.T.C.H.

NICOLE'S POV

"WHO are you?" Pinilit kong lakasan ang loob ko, ngunit hindi niyon nagawang pigilan ang panginginig ng boses ko.

Tumayo agad ako mula sa kama at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

Ngunit gano'n nalang ang kalakas ang pagkalabog ng dibdib ko, kasabay ng lalong pagtaas ng mga balahibo ko, nang sambitin niya ang tatlong katagang iyon.

"I'm your Dad."

Natigilan ako sa paglalakad at napatitig sa imahe niya. Labis na pagtataka at pagtatanong ang umuukopa sa isip ko. Patuloy pa din sa pagnginig ang katawan ko, maging ang mga labi ko ay kumikibot ngunit walang namumutawing salitang nagmumula do'n.

Nang mabalik sa reyalidad ay akmang lalapitan ko na ito upang sana'y pagbuksan ngunit sa isang kisapmata ay nawala na ito.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bilis ng pagkilos niya. Isang lingap lang ay nawala na siya. Kung paano niya nagawa iyon ay hindi ko alam. Basta ang nasa isip ko sa mga oras na ito ay ang imaheng nakita ko kanina. Hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko na ang totoong papa ko, ngunit hindi ang mukha nito. Bagaman iyon lang ang nakita ko ay sapat na iyon upang maging masaya ako.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang bintana kung saan ko siya nakita kanina, bago ako lumapit do'n at buksan iyon.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Nagdudulot iyon sa akin ng magandang pakiramdam, dahilan upang mapangiti ako.

Papa...

Nakangiti lang ako sa kawalan, habang dinadama ang magandang sensasyon na iyon.

"Nics?" Bamalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Marlon. Napalingon sa kaniya at nagbigay ng nagtatanong na tingin. "Kanina ka pa kasi tulala diyan." Natatawang sambit niya saka muling ipinagpatuloy ang pagmo-mop ng sahig, gano'n na din ang ginawa ko.

Hindi ko namalayang masyado nang na-ukopa ang isip ko dahil sa nasaksihan ko kanina. Punong puno pa din ng katanungan ang isip ko, ngunit maging ako ay masagot ang mga iyon.

Habang naglilinis ay bigla akong napatingin sa isang teacher na may dinidikit na kung ano sa bulletin board malapit sa amin. Inantay ko munang matapos ang ginagawa niya saka ako lumapit doon upang mabasa ang nakasulat sa papel na iyon.

Doon ko nakita ang schedule ng activity sa Friday. "Marlon," Pagtawag ko saka siya nilingon, nilingon niya din ako. "Halika dito," Isinenyas ko ang kamay ko na lumapit, sumunod naman siya. Itinuro ko sa kaniya ang schedule at sabay namin iyong binasa.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Schedule:
June 26, 2020, Friday

Booths.....................................9 am - 6 pm
> Love Booths
> Food Booths
> Horror House
> Carnival
> Etc.

Contests................................10 am - 6 pm
> Band Contest - 10 am - 12 nn
> Dance Contest - 12 nn - 2 pm
> Singing and Dance Contest - 2-4 pm
> Singing Contest - 4 pm - 6 pm

Mr. And Ms. Divian - 6:30 pm - 8 pm
- Introduction Speech
- Dress / Suit Ramp (By Partners)
> Top 10
- Swimsuit / Trunks Ramp (By Partners)
- {Performance from the HANDSOME}
- Talent Portion
- Q & A
> Top 3
- Q & A
- {Performance from the BITCH}
> Crowning for Mr. And Ms. Divian

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon