CHAPTER 03

243 39 18
                                    

Chapter 03: A GLIMPSE OF HER PAST


NICOLE'S POV

NAGPUNTA ako sa may guard house para mag-inquire sa papasukan kong trabaho.

Habang papalapit ay nakuha ko ang kanilang atensiyon. Pinakatitigan ko sila mula sa puwesto ko. Dalawang kalbong guard. Yung isa ay lalaki at yung isa ay tomboy.

Nakita kong nakatitig sila sa legs ko na kasing kinis ng balat ni Marian Rivera. Nakita ko pang naglaway yung dalawang guard habang nakatitig sa hita ko.

'Mga manyak!'

Nang makalapit ay pumitik ako sa mga mata nila at nakita ko namang bumalik sila sa ulirat at pinunasan ang kanilang mga laway.

'Yaks!'

"Ano'ng kailangan mo, Miss?" Malambing na untag ng guard na tomboy. Sa sobrang pandidiri ay napangiwi ako at bahagyang lumayo dahil baka bigla nila akong sunggaban dito. Mahirap na lalo na sa panahon ngayon. "O baka kami ang kailangan mo?" Dagdag ng lalaking guard sabay kindat. Ay iba rin ang pag-iisip ng isang 'to.

*Pwe!* Sa sobrang pandidiri ay napadura ako. Yuck talaga to the highest level!

Napansin naman nila ang ginawa ko kaya bahagya silang napangiwi. Nandiri yata sa pagdura ko.

'Wow! Napakalinis naman nila para mandiri?! Bwisit tong mga to! Kung hindi lang ako makapagtimpi baka nasampal ko na ang mga ito! Kaimbyerna!'

"Nakita ko kasi yung papel na may nakalagay na urgent kineme." Nagtitimping saad ko sabay buntong hininga dahil onti nalang at sasabog na ang beauty ko. "Balak ko kasing mag-apply."

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata nila. Huh? Bakit parang gulat sila?

"M-Miss, sigurado ka bang mag-aapply ka ng janitress dito? Sa ganda mong iyan?" Nakaka-offend na tanong ni kuyang kalbo kaya hindi na ako nakapagtimpi at nabatukan ko na siya. Bwisit! "Aray!" Angil niya habang hinihimas ang ulo niya. Ewan sayo kuya.

"Miss, hayaan mo na kami at ganito talaga ang ugali amin." Nakangiti ngunit seryosong ani ni ateng-guard-na-tomboy kaya napatango nalang ako. In all fairness, mas matinong kausap to kesa sa isang kalbong-lalaki-na-manyak diyan. "Ang totoo ay nag-aalala kami sa iyo." Makikitaan ng pag-aalala ang mukha niya. Napatingin naman ako sa gawi ni kuyang guard na seryoso na rin ang mukha. Ay iba rin! Bipolar ata 'to. Kanina, pinagpapantasyahan ako tapos manloloko kanina tapos ngayon naman seryoso na. Yung totoo? Normal pa ba ang mga tao rito? "Sigurado ka bang mag-aapply ka rito?" Biglang tanong ni kuyang-manyak-na-kalbong-guard.

"Oo naman yes!" Hyper na sagot ko na ikinangiwi naman nila. Bakit na naman?! "Huwag mo gayahin ang line ni Deib Lohr. Baka makasuhan tayo ng plagiarism dito at hindi na matuloy ang istoryang ito. Sige ka. Sayang exposure namin kung biglang mawala tong storyang to!" Pagbabanta ni ateng-tomboy-guard. Napairap nalang ako kasi tama siya. "Ok fine." I said, sign of surrender. "Now, can you please---" Pinutol ni kuyang guard yung tanong ko. Hayop ka kuya. "Miss, can you please stop talking English? Can't you see that we can't understand English 'cause we can't speak that langguage?" Napamaang ako sa sinabi ni kuyang-kalbo-na-manyak-na-guard. Hindi raw marunong umintindi at magsalita ng English pero nakapagsalita? Hays! Ano na bang nangyayari sa Earth?! Ito na pala yung sinasabi sa mga memes.

'AYAW KO NA SA EARTH!'

"Excuse me, the feeling is mutual. Ayaw ko rin sayo. Tse! Tanggalan kita ng oxygen diyan, eh! Sige, sabihin mo gawa!" Napatingin kami sa langit dahil may biglang nagsalita. Hala! Nagalit ata si Mother Nature! "Sorry Mother Earth! Hindi na po mauulit!" Sigaw ko habang nakatingala sa langit. "K." Sobrang tipid na sagot nito. Hala nagtampo? Bahala siya diyan. Ayaw ko manuyo. Hindi kaya ako marunong no'n? Sa mga marunong manuyo, how to be you po? Kasi kapag ako nanunuyo, nababaliktad ko yung sitwasyon. Mayamaya, ako na yung sinusuyo.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon