CHAPTER 17

93 23 15
                                    

Chapter 17: THE HEIRESS 3.0


ASTRID'S POV

"S-SINO ba ang tagapagmana ng trono niyo, M-Madame?" Kinakabahang ani ko.

"Si Nicole. Nicole Fleur Spencer."

Nagpaulit-ulit ang sinabi niya sa pandinig ko at wala sa sariling natakip ko ang magkabila kong kamay sa aking mga labi.

Si Ate? Tagapagmana ng trono? Paano?

"P-Paano po magiging tagapagmana si A-Ate? A-Anak niyo po ba siya?" Wala sa sariling naitanong ko habang nakatulala sa kung saan. "Oo." Deretsang sabi nito kaya lalo akong nagulat. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng panlalamig ng buong katawan ko.

"Hindi totoo 'yan, Madame! Anak siya ni Victoria, ang ina namin! Paano mangyayaring anak niyo siya?" Pilit kong protesta nang mabalik ako sa reyalidad. Bumuntong-hininga si Madame saka tumungin sa akin ng deretso, tila tinitignan niya ako ng may pang-iintindi. "May mga bagay na akala mo imposible pero maaaring posible, Ms. Spencer." May awtoridad sa pananalitang aniya, hindi pa rin ako kumbinsido. "Sa tingin ko ay si Victoria na lamang ang dapat na magkuwento sa iyo. Tila sarado ang isip mo sa paliwanag ko." Seryosong sambit niya saka nagtungo na muli sa kaninang kinauupuan niya.

Hindi maaari. Kadugo ko si Ate! Anak siya ni Victoria, ang ina namin! Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya!

Naluluhang pinasadahan ko ng tingin si Madame ng may matatalim na titig bago ako tumakbo papalabas ng kuwartong iyon.

Hindi ako naniniwala sa kaniya! Hindi, hindi, hindi! Hindi iyon puwedeng mangyari!

Tumakbo ako ng tumakbo habang nanlalabo ang aking mga paningin. Hindi ko pa rin ma-absorb ang mga nalaman ko kanina.

Si Ate? Tagapagmana? Tapos anak ng iba? Ha! Nagpapatawa ba siya?! Hindi ako naniniwala sa kaniya! Hinding hindi hanggat hindi iyon nanggagaling mula sa bibig nila Inay!

May parte sa aking naniniwala sa mga nalaman ko ngunit mas malaki ang bahagi sa aking hindi. Hindi ako naniniwala. Kapatid ko si Ate, kadugo ko siya. Kasama ko siya mula pagkabata, hanggang sa tumanda ako. Hindi. Ramdam kong tunay na kapatid ko si Ate. Hindi siya ampon.

Hinayaan ko na lamang ang aking sarili kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Nang punasan ko ang aking mga mata ay roon luminaw ang aking paningin at napagtantong nasa garden ako.

Pasalampak akong naupo sa damuhan at doon hinayaan ang aking sariling umiyak ng umiyak.

"H-Hindi ako naniniwala.."

Hindi ako ganoon kadaling naniwala sa kaniya dahil naniniwala akong tunay kong kapatid si Ate. Hindi ganoon kadaling tanggapin sa akin ang mga iyon dahil sa pinanghahawakan kong nararamdaman ko at pinagsamahan namin ni Ate.

"Astrid?" Narinig kong ani Xyrine habang papalaput sa direksiyon ko. Hindi ko ito pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paghagulgol sa aking mga tuhod.

"Astrid," si Kammy naman ang tumawag sa akin, hindi ko pa rin sila tinitingala.

Naramdaman kong naupo sila sa aking tabi. Hinimas-himas nila pareho ang likod ko, inaalo ako. "Naniniwala kaming, tunay na kapatid mo siya," ani Xyrine. Doon lamang ako nag-angat ng tingin sa kanila at pinasadahan ng tingin pareho. Matapos niyon ay tumitig ako sa asul ba kalangitan at hinayaan ang aking sarili na maluha ng maluha. "Hindi ako naniniwala sa kaniya dahil nararamdaman kong tunay na kapatid ko si Ate. Alam niyo ba kung bakit hindi ganoon kadali para sa aking tanggapin iyon? Dahil iba ang idinidikta ng puso ko." Mariing sabi ko, patuloy pa rin sila sa pakikinig. "Ayaw kong maniwala dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa ideyang, maaari akong iwan ni Ate at piliin ang pagiging pinuno sa kung ano mang alyansa iyon. Hindi ko kayang mawala sa akin si Ate. Hindi. Siya na ang buhay ko, ang tanging kakampi ko. Paano na lang ako kung mawawala siya? Kung mas pipiliin niya ang puwesto kaysa ang makasama ako?" Lalo pa akong napahagulgol sa kakaiyak kaya ginamit ko na ang parehong palad ko upang takpan ang aking mukha.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon