Chapter 16: THE HEIRESS 2.0
ASTRID'S POV
"May nararamdaman ba kayong sumusunod sa atin?" Mayamaya'y tanong ni Kammy, nagkatinginan kami at naging makahulugan niyon. Tila pareho kami ng naiisip at nararamdaman.
Mukhang may masamang mangyayari.
Nagtanguan kami saka pasimpleng bumulong sa isa't isa. "C.R." Tipid na bulong ni Xy, habang inaayos ang salamin sa mata. Nagtanguan kami ng bahagya saka lumiko sa kabilang hallway. "Right." Ani Xyrine, na sinunod namin. Kumanan kami, at saka sabay-sabay na pumasok sa comfort room.
Sabay kaming tatlo na sumilip ng bahagya sa may pintuan, at doon tumambad sa amin ang imahe ng apat na lalake. "Hayop." Angil ko habang matalim na nakatingin sa direksiyon ng apat na iyon. "Bakit nila tayo sinusundan?" Pabulong na tanong ni Kammy, habang nakatingin sa apat na iyon, na palingon-lingon na tila ba hinahanap kung nasaan kami. "Maybe they have a plan to us." Tugon ni Xy, napatingin kami sa kaniya. "What plan?!" Naiinis na ani ko saka ibinalik ang tingin sa apat na iyon.
Hindi ako nakatanggap na tugon mula sa kaniya kaya muli kong ibinalik ang paningin ko. Nagkibit-balikat lamang ito saka dahan-dahang lumabas. "Hey!" Pagpigil ko nang akmang lalabas sila. Binigyan nila ako ng nangungumbinsing tingin, nagpapaintindi na kailangan naming lumabas at magpaka-tapang.
"Okay fine," pagsuko ko saka nagbuntong-hininga.
Dahan-dahan kaming lumabas, at sinilip ang apat na lalake, ngunit wala na ito. "Where are they?" Takang ani ko habang inililibot ang pinigin sa labas ng comfort room. "I don't---" Hindi natapos ni Kammy ang sasabihin sa hindi maipaliwanag na dahilan. Dahil sa nakatalikod ako sa kaniya ay hinarap ko ito.
Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang hawak na siya ng isang lalakeng binabantayan namin kanina. "Who are you!" Susugod na sana si Xyrine nang dakutin siya ng isa.
Shit! Kailangan kong talasan ang pakiramdam ko, dapat makatakas kami dito!
Inilinga ko ang paningin ko at tulad ng plano, tinalasan ko ang pakiramdam ko.
"Back, Left." Bulong ko sa sarili, nang maramdaman ang presensiya ng isang lalake. Kung paano ko nagawa iyon ay hindi ko alam. "Back, Right, going to my direction." Sinasabi ko iyon habang nakatingin sa mata ng dalawang lalakeng nakahawak sa dalawang kaibigan ko na nagpupumiglas. "Bitawan niyo sila." Pakiusap ko.
Ngumisi ang mga ito sa akin, kaya lalong sumama ang mukha ko. "Kung ayaw niyo ng gulo, bitawan niyo sila." Imbes na masindak ay humalakhak ang mga ito sa akin.
"Sorry, pero hindi kita magagawang sundin. Utos ng nakakataas." Napapitlag ako nang makitang humalakhak ang mga ito. "Nakakataas?" Tanong ko pero hindi na ako nakatanggap ng sagot.
May naramdaman akong presensiya sa likod ko, ngunit hindi ko ito nilingon, sa halip ay tumalon ako patalikod. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha nang lalakeng, susunggab sana sa akin.
Habang nasa ere ay kinindatan ko ito at nginisihan ng nakakaloko.
Nang lumanding na ako ay agad ko itong sinunggaban, hinawakan sa magkabilang braso, saka ito patalikod na binali. Umungol ito sa sakit ngunit hindi ko na iyon pinansin.
May naramdaman akong humawak sa pulsuhan ko, kaya napatingin ako sa direksiyon niyon.
Pinagtaliman ko ito ng tingin, saka pahablot na kinuha ang kamay ko. Nagugulat itong tumingin sa akin. Kinuha ko ang ulo nito saka ibinaba upang tumama sa tuhod ko. Paulit-ulit ko iyong ginagawa, nagpupumiglas ngunit walang magawa.
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...