CHAPTER 26

67 22 11
                                    

UNEDITED.

Chapter 26: Ceasefire

ASTRID'S POV

"HALATA namang nagpa-ubaya lang si Charles!" Singhal ni Hendrix sa amin, siniringan lang namin siya ng tingin.

Si Kammy kasi ang nanalo, at halata naman talagang nagpaubaya lang si Charles, at iyon ang hindi ko maintindihan sa kaniya.

Dati pa lang ay may napapansin na akong kakaiba sa kanilang dalawa, ngunit ipinagsasawalang-bahala ko na lamang iyon dahil baka guni-guni ko lang. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na talaga maiwasang maisip na may something sa kanila, at iyon ang ikinakabahala ko.

"Astrid at Hendrix na." Ani Haki, napatingin ako sa direksiyon nila. Nakita ko kung gaano sila ngumisi ng nakakaloko sa akin, nagyayabanag. Hindi ko nalamang iyon pinansin at baka masuntok ko pa sila dito isa-isa.

Nauna na akong nakarating sa machine, at sumunod naman si Hendrix. Sabay kaming naghulog ng token, at sabay din kaming nagsimula sa paghulog ng bola.

"Waah! Ang galing mo Astrid!"

"Yeah boy! Go Hendrix!"

Hindi ko nalamang pinansin ang mga nagche-cheer at sa halip ay nag-focus na lang sa paglalaro.

Kahanga-kahangang, bawat bolang madadampot ko ay naishoshoot ko sa ring, at mula pa nang nagsimula ako ay wala pa akong palya.

"Woah!"

Sandali akong napatingin sa direksiyon ni Hendrix, tila nape-pressure na dahil sa malayo na ang agwat ng score naming dalawa.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalaro hanggang sa matapos kami. Pumikit muna ako sandali saka pinakinggan ang tilian ng mga babae, senyales na ako ang nanalo.

Napatingin ako sa scores namin. 10,400 sa akin, samantalang kay Hendrix ay 9,500.

Lumingon ako kay Hendrix at gano'n na lang ang lapad ng ngisi ko nang makita kung gaano kasama ang tingin niya sa akin. Sumandal ako sa machine saka ipinagkrus ang aking mga braso, saka lalo pang ngumisi ng nakakaloko. "Hanggang yabang kalang pala eh." Sarkastikong sabi ko, lalo niya akong tinaliman ng tingin.

Ginawa ko muna ang pangmalakasan kong move, kinindatan ko siya saka nagpunta na sa mga kaibigan ko.

"Waah! Ang galing galing mo fren!" Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng tili ni Kammy. "Oo nga!" Gilalas din ni Xyrine, napangiti ako.

Lumingon kaming tatlo sa kinaroroonan ng mga lalake at ngumisi. "Where's our prize?" Sabay-sabay naming sambit saka iminuwestra ang mga kamay namin na para bang may hinihingi. "What do you want?" Naka-ngusong sabi ni Haki.

Nagkatinginan kaming tatlo ng makahulugan at napangiti nang maintindihan ang isa't isa.

"Ice cream!" Kinikilig na sabi namin, parang nakahinga naman sila ng maluwag. "Ngayon na ba?" Tanong ni Hendrix, muli kaming nagkatinginang tatlo saka umiling. "Mamaya na, uubusin muna namin 'yung mga tokens namin. Itetext nalang kita kuya kapag okay na kami," Nakangiting paliwanag ni Xyrine, tumango naman sila. "Okay, then. See you later," Paalam ni Hendrix saka nagpaumuna nang umalis, sumunod naman ang mga ka-tropa niya.

"Where do we go next? Ang dami pa ng token natin, oh," Itinuro ni Xyrine isa-isa ang mga tokens namin. "Ako magkakaraoke," Tugon ko, habang nakaturo sa malapit na karaoke room.

"Sige, do'n nalang tayo." Anang Kammy, tumango naman silang dalawa.

Pumanhik na kami sa mga karaoke room para maghanap ng bakante. Hindi din naman nagtagal ay nakahanap na kami.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon