CHAPTER 48

177 9 0
                                    

UNEDITED.

Chapter 48: FUNDAY FRIDAY 6.0 / FLINT

ASTRID'S POV

"NABUSOG ba kayo sa mga ulam?" Naghiyawan ang mga tao sa auditorium. "Ang sasarap 'noh?" Malanding dagdag nito kaya muling umugong ang mga tilian at sigawan sa kabuuan ng lugar. "Shut up 'muna, puwede? May ia-announce pa ako!"

"Dalian mo na!"

"Ang tagal naman!"

"Pabebe kasi mag-emcee. Tss."

"Oh 'edi kayo nalang sana ang nagsalita dito sa unahan! King ina!" Buwelta ng emcee. "By the way, before we go through the next portion, which is the talent portion, panoorin 'muna natin ang nagga-guwapuhan,"

"P'we!" Nandidiring singhal ko, natawa naman si Ederlyn. "Hindi halatang naiinis ka sa kanila, ah?" Umirap ako sa tanong niya. "Tss."

"Nagtatangkaran at ang pinaka-badboy sa Divian High, walang iba ku'ndi ang... H.A.N.D.S.O.M.E.!"

"Waah!"

"This is what I've waited for!"

"Hendrix, my one and only!"

"Haki, enter me please?"

"Aldrich! You take my sanity away!"

"Grayson, akin ka nalang? Huhu, kahit ungitan mo ako araw-araw makita ko 'lang ang guwapong mukha mo!"

"Charles ang pogi-pogi mo talaga! Pahalik naman, huhu!"

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit patay na patay ang mga babae diyan sa H.A.N.D.S.O.M.E. na 'yan!" Nagsalubong ang mga kilay ko, at naramdaman ko na lamang ang pagkuyom ng mga kamao ko. "Hahaha," Tumawa si Ederlyn ngunit hindi ko siya nilingon. Nakatutok ang matatalim na titig ko sa stage kung saan nakikita kong nagwa-warm-up ang mga ulupong na iyon. Lalo pa akong naggigil nang kagatin ni Haki ang pang-ibaba niyang labi habang nakatingin sa isang grupo ng mga kababaihan na ngayon ay halos maihi na sa kilig.

King inang 'yan.

Nakita kong nag-thumbs-up si Hendrix sa DJ. Narinig ko ang pagbibilang ni Hendrix, at matapos niyon ay ang pagsimula ng malaswa nilang performance.

"Picture-perfect, you don't need no filter, gorgeous, make 'em drop dead, you a killer. Shower you with all my attention, yeah, these are my only intentions. Stay in the kitchen, cooking up, cut your own bread, heart full of equity, you're an asset. Make sure that you don't need no mentions, yeah, these are my only intentions." Si Aldrich ang nagsimulang kumanta. Kasabay niyon ay ang pagsayaw nila. Nagsitayuan ang mga tao sa auditorium, maging ako ay napatayo na din. Bawat indak nila ay totoong nakakakilig, at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil nararamdaman ko ang king inang kilig na iyon.

Nang si Charles naman ang kumanta ay tumigil siya sa pagsayaw at nagpunta sa gitna ng stage. "Shout out to your mom and dad for making you, standing ovation, they did a great job raising you. When I create, you're my muse. The kind of smile that makes the news," Kinagat niya ang labi niya, saka marahang itinaas ang damit. Doon tumambad ang six-pack abs niya, kaya 'eto na naman ang mga babae at nagsitilian. Sa wari ko ay marami nang naihi sa mga puwesto nila.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon