UNEDITED.
AUTHOR'S NOTE:
Ang gulo ng story, 'no? Tapos ang cringe-worthy pati ng mga scenes.
Pasensya na, wala kasi akong plano sa storyang 'to, kung ano na lang ang maisip ko ay 'yun na lang ang isusulat ko. Wala naman kasing fixed plan at flow ang story, kaya 'ayon, magulo.
Sa mga naka-abot dito, salamat at congratulations dahil nagawa niyong lampasan ang napaka-boring at napaka-gulo na Chapters.
Sana hanggang sa dulo ng storya ay subaybayan niyo 'to, that would be highly appreciated.
Thanks, lovelots!
Chapter 12: FLINT?
NICOLE'S POV
"SO, ano nang plano natin?" Tinignan ko sila isa-isa. "We will fly to Germany." Anang Madame, gulat akong napatingin sa kaniya. "Madame naman, wala akong kakayahang lumipad, wala akong pakpak." Pilit kong ipinapaintindi sa kaniya iyon. Napahawak siya sa sintindo niya, habang sila Inay at Itay ay tila malalim ang iniisip. "King ina," Pabulong na angil ni Madame, ngumuso ako. "Of course, we will ride a plane, Nicole, anak? Hindi naman siguro nagkulang si Victoria sa pagpapa-dede sa iyo, ano? Jusko." Naiiyak na sabi ni Madame. Tila nabalik sa huwisyo si Inay. Mayabang at taas-noong tumingin siya kay Madame na para bang ipinagmamalaki ang pagpapalaki sa akin. "Siyempre, masarap kaya ang gatas galing sa suso ko, you want to try?" Taas-babang anang Inay, binibigyan ng mapanlokong ngiti si Madame. "My G." Maarteng sabi ni Madame saka ngumiwi habang nandidiring tinitignan ang suso ni Inay. "Hoy, Victoria," Saway ni Itay, ngumuso naman si Inay.
"Seryoso na kasi, king ina." Naiiritang sabi ni Madame. Mayamaya lang din ay binalingan na nito ako ng tingin. "Lilipad tayo papuntang Germany---" Napahawak si Madame sa bibig niya na para bang may maling nasabi, na para bang kokontra na naman ako sa sinabi niya at magpapaka-pilosopo. "I mean, sasakay tayo sa eroplano para makarating sa Germany," Pagtatama niya, tumango naman ako. "Alangan namang lumangoy tayo papunta doon, Madame," Inosenteng tanong ko habang naka-posisyon na tila ba nag-iisip. "Put a tang in a can. Victoria, pinapasinghot mo ba 'tong anak ko ng rugby?" Inis na binalingan nito si Inay, tumaas ang kilay niya. "Gago," Angil ni Inay saka inapakan ang paa ni Madame. "Aw, my feet!" Reklamo ni Madame, lalong sumama ang titig ni Inay sa kaniya. "Bobo, isang paa lang ang inapakan ko, foot lang! Tanga! Kaya naging ganiyan ang anak mo, eh. Manang-mana sa katangahan at kabobohan mo!" Palahaw ni Inay, inosente akong tumingin sa kanila. "Punta lang ako sa banyo," Paalam ni Itay saka akmang tatayo na nang magsalita si Inay. "Ano gagawin mo 'don?" Makahulugang tanong niya, sinamaan ni Itay ng tingin ang kausap. "Hinde ba puwedeng tumae?" Sarkastikong buwelta ni Itay, napahiya si Inay.
Ganito pala sila kasaya mag-usap. Sayang lang dahil mukhang bihira na silang magsama...
"So ayon, heto na naman tayo, parang 'nung nakaraan lang, nag-thesis tayo tapos walang nangyare, nagdaldalan lang tayo, hahaha." Natatawang kuwento ni Madame, sabay sila pareho natawa. Napapangiti na lang akong umiling.
"So, ayon na 'nga, sasakay tayo ng eroplano papuntang Germany, dadalhin kita, Nicole sa palasyo, at doon ka gagawa ng speech na kung saan ay doon naka-saad n titibagin mo na ang alyansa. Saglit lamang ang proseso, pero magiging delikado..." Napalunok ako sa sinabi ni Madame. "... Dahil nasisiguro kong, habang nagsasalita ka sa madaming tao ay madami ding baril ang nakatutok sa iyo, huwag mo lamang masabi ang katagang, 'tinatapos ko na ang alyansa'. Dahil sa oras na mapagtagumpayan mong masabi iyon ay, tuluyan nang mawawala ang alyansa, maging ang trono ay mapawawalang-bisa na." Para akong binuhusan ng malamig na yelo nang malamang, marami ang nais na pumatay sa akin sa oras na nagsasalita ako sa gitna ng mga mamamayan. "Don't worry, gagawin namin ang lahat para maprotektahan ka." Nakangiti nitong pagpapagaan sa akin ng loob, tumango naman ako kahit nangangatog pa din ang mga kalamnan. "Gusto mo bang makita ang Papa mo? Ang tunay na Papa mo?" Nakangiti nitong tanong sa akin, tumango naman ako. "Sige, sasabihan ko siyang sumama sa atin papunta sa Germany."
BINABASA MO ANG
A Rose with a Hundred Guns
ActionIsang simpleng babae na mayroong simpleng pangarap si Nicole Fleur Spencer. Wala siyang ibang pinapangarap kung hindi ang maibigay ang maginhawang buhay para sa kaniyang pamilya at muling magtagpo ang landas nila ng kaniyang unang pag-ibig. Ngunit t...