CHAPTER 01

514 45 27
                                    

Chapter 01: WHERE IT ALL STARTED


NICOLE'S POV

"IKAW talagang bata ka! Ilang beses ka ba dapat pagsabihan, ha?! Pinayagan kitang huminto sa pag-aaral dahil ang akala ko ay tutulong ka saamin ng itay mong magtrabaho para makapag-tapos ang kapatid mo! Limang taon na ang nakalipas, Nicole. Limang taon! Pvta, kailan ka ba magtitino?!" Napa-ilag ako dahil sa lakas ng boses ni Inay. Napakalakas ng boses, parang walang bukas. Parang hindi naman madaling-araw ngayon, 'no? Kung makasigaw akala mo walang kapit-bahay, medyo nakakahiya tuloy.

Hays. Kasalukuyan akong nasa hot seat este nasa sala dahil sinasabon na naman ako ng napaka bait kong ina. King ina. Nanggaling lang naman ako sa party ng friend ko and wala naman akong nakitang mali d'on? She's my friend after all! Ugh, except nalang sa 3 am na ako nakauwi ng bahay.

Sanay na akong pagalitan ng mga magulang ko kaya kalmado nalang ako sa tuwing nanenermon sila. I've just realized that it's just a waste of time kung makikinig ako sa kanila.

Patuloy pa rin sa pag-dada si mama kaya naman umalis na ako. Naiingayan na talaga ako sa boses niya, at feeling ko ay mabibingi na ako. Nandidiri na rin ako kasi tumatalsik ang laway niya sa tuwing sisinghalan niya ako. Akmang aakyat na ng aking kuwarto nang muling sumigaw si Inay.

"Hoy bata ka! Pinagsasabihan pa kita! Bastos talaga kahit kalian!" Napahagod siya sa sintido saka pimadaan ang mga palad sa buhok. As if naman ikinaganda niya iyon, 'no?

Hindi ko na siya pinakinggan pa at nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat papunta sa aking kuwarto. Attitude na kung attitude pero hindi ko na makayanan pa ang kaka-dada ni Inay. Buti na lamang at tulog na si Itay, baka lumindol na kapag nagkataon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay may naramdaman akong yumakap sa likod ko. Nang lingunin ko ito ay si Astrid pala.

Si Astrid, kapatid ko. Mahal na mahal ko 'to. Kahit pa minsan sinusungitan ako nito, hindi pa rin ako nagsasawa sa ugali niya. May pagkakalog rin 'tong isang 'to, manang-mana sa akin. Napailing nalang ako sa sariling isipin saka bahagyang natawa.

"Ate, nababaliw ka na ba?" Inosenteng tanong niya, saka humiwalay ng yakap sa akin. Namaywang ako at pinag-taasan siya ng kilay. "Oh 'e anong baliw-baliw ang sinasabi mo r'yan, aber?" Masungit na tanong ko, ngumuso naman siya. "Nakasimangot ka kasi kanina tapos bigla kang tatawa. Nakakatakot ka na minsan, Ate. Baka mamaya, humagalpak ka nalang diyan mag-isa, hindi ko makakaya makita iyon! Hindi ako makakapayag na mabaliw ang kapatid ko!" Naghihisteryong sabi niya, saka sinipat ang kabuuan ko. "Lubayan mo, masamang ispirito ang katawan ng Ate ko!" Pinagpapalo niya ako sa braso, sinamaan ko siya ng tingin. "Leche!" Singhal ko saka iniwasan ang mga hampas niya. Tumigil naman siya kalaunan saka ngumiti sa akin. Isinenyas niya ang kamay, at alam ko na ang ibig-sabihin niyon. "Hoy, wala akong pasalubong. Uminom lang kami. Hindi ako kumain sa handa!" Siniringan ko siya ng tingin, tumulis naman ang nguso niya. "Napaka-damot." Pagmamaktol niya, muli kong ibinaling ang atensiyon sa kanya saka tinaliman ng tingin. "Ako? Madamot?" Nagmamalaking untag ko, habang hinahawakan pa ang dibdib ko, na animo'y nasasaktan ng sobra dahil sa sinabi niya. Narinig ko naman ang pagbungisngis ni Astrid, kaya muli ko itong tinignan. "Oo, Ate. Madamot ka!" Dinuro-duro niya ang mukha ko, pinanliit ko ang mga mata ko, senyales na napipika na ako sa kaniya. Tumawa naman siya, saka ako muling dinuro-duro. "Nyenye, pikon!" Pang-aasar niya, tinadyakan ko ang paa niya. "Aww!" Angil niya saka maarteng hinagod ang paa. "Punyemas ka!"

Umikot ang mga mata niya, tumaas naman ang kilay ko. "By the way, kailan ka ba magta-trabaho, Ate? Sayang naman ang mga oras kung ganiyan ka nalang ng ganiyan. Tigilan mo na 'nga ang pagrerebelde mo! Wala ka namang napapala riyan sa mga pinaggagagawa mo!" Singhal niya, napaiwas ako ng tingin saka nagkibit-balikat. "E-Eh ikaw, bakit hindi ikaw ang mag-trabaho?" Parang tangang tanong ko, nasapo naman niya ang sariling noo. "Jusko ka, Ate. Malamang nag-aaral ako!" Hindi alam kung maiinis o mapipikon na tugon niya, napairap nalang ako. "Mag-trabaho ka na kasi, Ate! Sayang naman ang pagkakataon, please?" Nag-puppy-eyes pa siya, pinandilatan ko naman siya ng mata, saka pinag-krus ang mga braso ko. "Give me one reason para mapapayag ako." Panghahamon ko, tumango naman siya na parang siguradong-sigurado nang papayag ako sa sasabihin niya. "Gusto mo matulungan sila Inay at Itay diba? Oh! It's your chance to shine! Atleast may magawa ka naman na something!" Pag-mo-motivate niya, napaisip naman ako. "I will think about it." Pagtatapos ko ng usapan, saka pumasok na sa loob ng kuwarto ko.

A Rose with a Hundred GunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon